If you are still reading until here, THANK YOU SO MUCH. This is the last chapter of THE WOUNDED ONE. Epilogue will be in Nicholas' point of view.
___________
Chapter 25
Hope
Through the years, I learned how to dance with loneliness. I learned how to sway with pain.
I looked myself in the mirror and notice some changes in my physical appearance. I could say that I look more mature than before. Inayos ko ang maikli kong buhok at sinuklay ng daliri ang manipis kong bangs. Kaunting pitik lang sa ilong ay tutulak na ako.
Huminga ako nang malalim.
"I'm so excited to see you, sis! I'm glad you made your decision. Sisiguraduhin ko na hindi mo pagsisihan!" Aiana said happily.
"Dapat lang," biro ko.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ilang buwan na rin ang nagdaan nang huling kita namin ni Aiana. Kung hindi ako nagkakamali ay noong bago pa ako pumunta sa Batangas. Pagkatapos din kasi namin lumabas no'n ay lumipad na rin siya pabalik ng US.
Pinilig ko ang aking ulo nang may naalala. Batangas is the place where I welcomed him again in my life but life is a joke... and for the second time, he left. Pero hindi na rin ako nagalit, ilang taon rin ako nagalit sa kaniya noon pero kasalanan ko rin dahil hindi na ako natuto. But I don't regret. I loved him, I love him still and I will continuously love him responsibly. Because even if I knew that this would be the consequence of loving him beforehand, I would still do it. And I'm glad I did. If loving him causes this great damage, so be it.
The reason why I gave in to him that night. Still, I have no regret.
"I already talked to my Mom na ipasok ka sa kompanya namin dito. Pumayag naman siya dahil alam niya na maganda ang repustasyon mo. And I believe you are the best!"
"Yeah, I know I'm the best," I chuckled.
I already filed my resignation letter. At do'n pa ako medyo nahirapan dahil matagal bago iyon na-approved, kinailangan ko pa kausapin ang Executives sa mga plano ko sa buhay pero siyempre hindi ko sinabi ang plano ko na manirahan sa ibang bansa. I want to leave without any trace of my footsteps here.
"Sigurado ka na ba talaga, Serene? I can ask my Father to increase you salar-"
"Leo, hindi na. Desisyon ko 'to at bata pa ako. I'm just twenty-four, I want to explore different jobs out there," I said to Sir Leo before I plumped all my personal things on my desk. Dumalaw lang ako rito sa opisina para hakutin na ang lahat ng personal na gamit at nang mabalitaan 'yon ni Sir Leo ay sinadya niya talaga ako puntahan dito sa aking opisina.
I loved my job here. Kaya ilang beses ko rin pinag-isipan nang mabuti ang pag-file ng resignation letter. Naalala ko ilang kopya rin ang na-print ko dahil kung hindi ko tinatapon ay nilulukot ko naman ito kapag dumadaan sa aking isipan ang panghihinayang.
But what really pushed me to do this was Dashiel. Seeing him resting in his hospital bed made me realized that life is more important. Maybe he's right that I loved my job so much here, na kahit isang beses ay hindi ko siya napuntahan do'n. Baka gumagawa lang talaga ako ng dahilan noon para hindi siya mapuntahan kasi takot ako iwan ang trabaho ko rito.
"We're still friends, right?" Sir Leo asked, worried. I returned it with a smile.
"Yes, of course. I'll stay in touch with you," I assured him. Tinapos ko ang pagliligpit at nag-aya pa si Sir Leo na lumabas kami pero tinanggihan ko iyon agad dahil kailangan ko pa pumunta sa ospital. 'Yun din kasi ang araw ng labas ni Dashiel.

YOU ARE READING
The Wounded One
RomanceAndra Serene Concepcion is living the life of a perfect woman. Everyone wished to have a life that she has. But that's just what everyone has thought. The reality is that she's miserable because of her past. She's at the top of her career, money, an...