Chapter 4
Babe
Nagtagal pa ang tingin ko sa sariling repleksyon bago tumulak palabas ng restroom.
I've had couple of men and suitors before, of course I would be a liar kung sasabihin ko na hindi ako kailanman naging interesado sakanila. In my age, normal magkaroon ng mga crush at puppy love. Perhaps, I was infatuated, but this time, it's a different story. My boys back then caught my interest, however, not even once I have been so invested. I just know that boys my age would never really commit to a serious relationship.
Halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan ang isang lalaki na nakasandal sa pader. His jaw clenched and his adam's apple moved. Lumingon siya saakin at umayos ng tayo.
"Uhm.. Hello." I greeted awkwardly.
His deep eyes complimented the shadow of a setting sun, kahit may dilim na humaharang sa kanyang mukha kilalang kilala ko pa rin ang taong nasa harap. Hindi ako magkakamali, nakabisado ko na yata ang bawat guhit ng mukha niya.
Our gaze met. Ang malalalim na mata, mahahabang pilik mata, makakapal na kilay, matangos na ilong at maninipis na labi. I couldn't help but commend every part of his manly gorgeous face. There's no right word that would justify the beauty I'm seeing.
Obviously, I'm seeing him as a man. Deep in my heart I know that what I am feeling is not merely physical, it is deeper and beyond touch.
Hindi siya nagsalita at patuloy lang ang titig niya sa aking mga mata. Para bang magkakasala ang puputol do'n.
I blinked my eyes, I can't contain it. His gaze was too intense.
"Tutuloy na 'ko baka hinahanap na 'ko sa org." Not so genuine smile plastered on my lips.
Hinayaan niya ko malagpasan siya pero bago pa 'ko tuluyan makalayo hinatak niya ang braso ko.
I startled a bit because of his touch.
Hindi ko pa siya nililingon nagsalita na siya.
"I'm sorry.. that was my friend. Seeking help for her thesis." mahinahon niyang sabi. Oh right! Friend. He didn't owe me any explanation, ano man ang nadatnan ko kanina dapat wala lang 'yon.
Hindi ko siya nilingon, but I smiled sadly. Hindi ko nga alam kung para saan ang ngiti na 'yon, sigurado naman na hindi niya 'to nakita.
Binitawan niya na rin ang braso ko.
"Okay lang! Wala lang 'yon ano ka ba." hindi pa rin siya nililingon, I laughed a bit to assure him na it's really okay.
Sino ba 'ko sakanya?
Hindi na siya sumagot kaya 'yun ang nakuha kong signal para iwan na siya.
As expected, nagbago ang timpla ko at napansin din naman agad 'yon ni Aia.
"Anong nangyari sa'yo? Nagtagal ka yata!" busy pa rin sa kanyang laptop.
I shrugged my shoulder and said calmly, "Mahaba pila sa restroom."
Her eyebrows furrowed. "I don't buy it. Kaunti na lang ang may klase ng ganitong oras but anyways, I don't mind."
I let out a breath nang makuhang hindi naman na siya mangungulit sa nangyari saakin.
"Tignan mo nga 'to sis kung okay na? baka may gusto ka pa idagdag or iadjust?" binuhat niya ang laptop at ipinakita saakin ang output niya.
My mouth turned into a big O. Ang galing! Ang mga desenyo at kulay na ginamit niya ay tamang tama sa gusto na tema ng aming Chairman. Idagdag pa ang fonts na lalong umakit sa aking mga mata. I can't help but to smile, I'm so proud alam ko naman na may talent siya sa mga ganito pero this one is different and commendable!

YOU ARE READING
The Wounded One
RomanceAndra Serene Concepcion is living the life of a perfect woman. Everyone wished to have a life that she has. But that's just what everyone has thought. The reality is that she's miserable because of her past. She's at the top of her career, money, an...