Epilogue
"Kuya, sige na!" pangungulit ni Rea. Kanina niya pa ako kinukulit na pansinin ko siya dahil may mga babae na naman siyang nilalakad para sa akin. Hindi ko alam kung ano trip niya sa buhay pero lagi siyang ganito. Palibhasa ay bata pa.
"Ayaw ko nga, Rea. Hindi ako pumapatol sa bata," mariin kong sabi sa kaniya bago siya tinalikuran. Iniwan ko siya kasama ng mga pinsan ko sa balkonahe. Bumisita kasi ang mga Tito at Tita ko sa side ni Mama kasama na rin si Rea dahil matalik na kaibigan nila Mama ang mga magulang niya.
Sinundan niya ako hanggang sa kusina. Hindi pa rin siya tapos sa pambubugaw. Umiling ako at sinenyasan siya na tumigil na gamit ang kamay. Kita ko ang pagmamakaawa sa kaniyang mga mata pero hindi pa rin ako nadadala. Bukod sa alam kong hindi seryosohan ang paglalakad niya ay ayaw ko talaga sa mas bata sa akin.
Anim na taong agwat? Lima? No fucking way!
Kumuha ako ng tubig sa water dispenser at hinayaan siya magmaktol at magpumilit sa likod ko.
"Sige na, Kuya! Laro laro lang naman," ngisi niya pa.
Pagkatapos ko lagukin ang isang basong tubig ay humarap na ako sa kaniya. Automatically, my lips twitched in a corner. Saved by the mother! Nilapag ko ang baso na pinag-inuman.
"Ano na naman 'yan Rea!" singit ni Tita Adel, nanay niya. Gusto kong magpasalamat kay Tita sa pagligtas niya sa akin sa pangungulit ng anak niya. Pero mas ginamit ko na lang 'yon na pagkakataon para talikuran sila.
"Kuya Nicho! Sinabi ko na nilalakad kita, e! Hoy!" tawag niya pa. Nilingon ko saglit ang iniwan na kusina at nakitang kinukurot na siya ng nanay niya sa tagiliran.
Ngumisi na lang ako at umiling. Mga bata talaga 'yan ang hilig, puro romansa. Hindi na lang muna mag-aral ng mabuti.
Napahinto ako ng may tumawag sa akin isang umaga habang naglalakad ako papuntang dormitory. Kailangan ko muna kasi kunin ang mga naiwan kong libro roon bago pumasok sa klase.
"Nicholas!" lumingon ako sa pamilyar na boses ng tumawag sa akin. Agad kumapit sa braso ko ang Candice na hinihingal. Mukhang hinabol niya ako para maabutan. Kaklase ko ito sa isang major subject at bulgar din ang pagkakagusto niya sa akin.
Isang petite na babae, maganda at maputi. Hindi nga lang masyadong katalinuhan sa klase pero pumapasa naman. Marami rin ang nanliligaw dito pero hindi ko alam kung bakit ako pa rin ang gusto niya kahit alam niya naman na wala siyang pag-asa sa akin.
"Buti na lang nahabol kita," hinihingal niyang sabi habang hawak ang dibdib. Hinayaan ko siya humawak sa aking braso para suporta sa kaniya. Dahil mukhang malayo-layo rin ang kaniyang tinakbo.
"Bakit ano ba 'yon?"
"Ang sungit mo naman. Aga aga," inirapan niya ako bago siya umayos ng tayo. Sa wakas tinanggal niya rin ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Yayayain lang sana kita mag-lunch."
Nag-iwas siya ng tingin. Kung kanina ang pisngi niya ay namumula na gawa ng kolorete ay ngayon mas lalo lang nadepina ang pagkapula nito. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil mukha na siyang kamatis sa pula!
"Bakit ka tumatawa?" she asked, confused. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa pero masyadong mahirap iyon para sa akin. "Buti nalang pogi ka," she murmured.
Kumunot ang noo ko at hindi masyadong naintindihan ang sinabi niya. Pogi lang ang narinig ko. "Ano 'yon?"
Nag-iwas ulit siya ng tingin. "Wala! Ano lunch?" pilit niya pa.
Agad naman ako umiling. Ilang beses ko na rin siya tinanggihan sa mga ganitong aya niya. Ayaw ko lang kasi bigyan siya ng malabong motibo dahil sigurado kapag pumayag ako sa mga aya niya ay aasa siya. Alam ko naman na malinaw pa sa sinag ng araw ang nararamdaman ko para sa kaniya, kaibigan lang. At hindi na rin kami bata pa para maglaro.

KAMU SEDANG MEMBACA
The Wounded One
RomansaAndra Serene Concepcion is living the life of a perfect woman. Everyone wished to have a life that she has. But that's just what everyone has thought. The reality is that she's miserable because of her past. She's at the top of her career, money, an...