Chapter 21
Water
Nagbago ang timpla ko at lalong nangitngit sa inis nang makita ang malaking ngiti ni Selene sa aming pagdating.
What so funny girl?!
Umikot si Sir Leo para makaupo na sa iisang bakante sa dulo. Pinagmasdan ko ang buong lamesa. Ang nasa kabisera ay si Nicholas, nasa kaliwa naman nito ay si Selene, at ang nasa kanan ay ako. Katabi ni Selene si Architect Valle na katapat naman ngayon ng katabi ko na sekretarya ni Nicholas tapos sa dulo ay si Sir Leo. 'Yun kasi ang naiwang bakante no'ng dumating kami dito ni Sir Leo, lahat ay nakaupo na kaya kahit gusto namin magtabi sana ay hindi posible.
Nagpatuloy sila sa kwentuhan at ako ay tahimik lang na kumakain. Wala pa rin sa tamang timpla. Hindi ko lang din kasi talaga lubos na maintindihan kung bakit nandito si Selene, tapos na ang site visit at bakit pa siya dumating?
Pinasunod ba siya ni Nicholas? Aba, malamang!
Bumaling sa akin si Selene na ngayon ay may ngiti sa labi. "I heard you two are together?" she asked.
Kailangan ko pa mag-angat ng tingin sa lahat para makumpirma kung sino ang tinutukoy niya. Napakurap-kurap ako nang pabalik-balik din ang tingin niya sa amin ni Sir Leo.
Umiling ako at ngumiti. "We're no-" bago pa ako makapagpatuloy ay pinutol na agad ni Sir Leo ang gusto kong sabihin.
"Yes, but not official. We're taking our time together, in short we're dating," anito na parang siguradong sigurado sa sinasabi niya.
"Uh-huh, I see."
Rinig ko ang pag-ismid ni Nicholas kaya lalo akong nahiya. Hindi naman talaga kami, at hindi ko alam ang rason ni Sir Leo para palabasin na kami talaga.
Iniwas ko nalang ang tingin sa lahat at yumuko.
Ilang segundo ang lumipas ay nagsalita na naman si Selene.
"You know what, I can give you advice like tip to make the relationship last longer," she said again.
Ano ba siya love expert? Kanina ko pa gusto umirap sa lahat ng mga sinasabi niya pero ayaw ko maging bastos sa kanila. But why she can't leave our fake relationship alone? Bakit kailangan na madami pang sinasabi?
Sumimsim ng tubig si Sir Leo bago sumagot. "As long as you two want to make it last, it'll last. No need for tips."
"Oh! Diyan ka nagkakamali, sweetheart. You have to nurture and value each other's feelings. Hindi pwede na basta gusto niyo lang ay magtatagal na. Well, may mga relationship na nagtatagal pero matagal na rin hindi mahal ang partner," Selene let out a soft laugh.
I can't help but agree to her. Pero bakit ba ganito ang usapan nila?
Nanatiling tahimik na nakikinig lang si Nicholas habang nagsasagutan ang dalawa pati na rin si Architect Valle at ang sekretarya.
"Dapat minsan hinahayaan din makalaya ang partner," she added.
"Baka naman mahuli ng iba," Sir Leo said.
"Ayan kapag naramdaman ng partner mo na wala kang tiwala sa kaniya, nawawalan din 'yan ng gana, Leo. Kaya dapat hinayaan mo nalang si Serene mag-isa rito."
Sir Leo sarcastically grinned, "I'd never allow that, lalo na kapag may umaaligid," sabi pa niya bago tinitigan nang masama si Nicholas.
Gusto ko nalang talaga maglaho bigla. Tumigil na ako sa pagkain at sumimsim nalang ng tubig bago umiling. I don't want their course of conversation.
YOU ARE READING
The Wounded One
RomanceAndra Serene Concepcion is living the life of a perfect woman. Everyone wished to have a life that she has. But that's just what everyone has thought. The reality is that she's miserable because of her past. She's at the top of her career, money, an...