Prologue

167 13 2
                                    

WARNING: SPG

_____________

PROLOGUE

"Hello, Serene!" someone greeted me. Maagap kong tinignan kung sino ang bumati. Agad din naman ako napangisi nang makita ang pamilyar na lalaki. Kaklase ko no'ng high school.

"Hi!" I greeted back, my voice was laced with seductive tone.

I was sitting on one of the VIP's table. Malaki ito para sa mag-isa na katulad ko. It's twelve in the midnight, and still I'm here waiting for some miracle to happen. Actually, I'm too tired from work but I refused to go home because I want to get some drink for my broken heart.

I don't have any companion tonight because like how it has always been, I'm alone.

"One more please!" sigaw ko sa bartender.

Kung hindi naman ako sisigaw hindi rin naman niya maririnig dahil sobrang ingay na sa bar na inaapakan ko.

"Thanks!" sabi ko nang nilapag ng bartender ang inumin na gusto ko.

Nginitian lang ako nung bartender na inutusan kong kumuha ng hard liquor. He's cute, in fairness.

Inaliw ko ang sarili ko sa pakikinig ng mga rock music. Hindi ko mapigilan ang pagsayaw ng aking ulo para masabayan ang beat ng music. Kahit nakaupo ako ay hinayaan kong maaliw ang sarili ko. I don't really have the energy to dance on the dancefloor.

Pinasadahan ko ng tingin ang table kung saan ko nilalagay ang mga naubos ko ng inumin. The marbled table was laid with expensive liquors. Hindi ko lubos akalain na kaya ko pa lang inumin ang lahat ng iyan mag-isa nang hindi sumusuka. Napapahanga ako ng aking sarili.

Umaalon na ang paningin ko at mukhang hindi ko na kakayanin pa maglakad nang maayos. Pero alam ko pa rin sa sarili ko na kaya kong umuwi at mag-drive. Malakas ang loob ko.

Lalong umingay ang loob ng bar dahil sa pag-usok ng entablado kung saan nakapwesto ang bagong palit yata na DJ. The people are getting wild.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong bar. Nakita kong may naghahalikan sa iba't-ibang sofa, naghahalikan sa malapit sa entrance, may naghahalikan rin sa mismong dancefloor. Halos lahat yata nakikipaghalikan, ako na lang yata ang hindi!

It's at this rare instance that I feel like single life sucks.

Kahit saan yata ako pumunta makakakita ako ng naghahalikan. Panigurado kahit sa parking lot hindi palalagpasin. I smiled bitterly.

Ipinilig ko nalang ang aking ulo at tinuloy nalang ang pag-inom. I'm not here to be bitter, I'm here to enjoy and forget my fucked up life for a while.

Itinaas ko na ang shot glass at sana'y lalagukin na ang panghuling alak para sa gabing 'yon nang may biglang humblot nito galing sa likod na sofa na inuupuan ko.

Nilingon ko kung sino ang humablot ng shot ko. Nang namataan kung sino 'yon tumayo ako at matalim siyang tinignan. Walang isang segundo ang lumipas nilagok ng lalaki ang alak na kanina'y dapat para saakin.

There here we go again! The man who always come to save me but at the end he's just leaving me.

"Hello, Nicholas!" pilit kong ngisi. May nagbabadya ng luha sa aking mga mata. Huminga ako nang malalim at pinilit kumurap-kurap para hindi matuloy sa pagluha.

That man I loved, and I think I will continuously love. However, he will never be mine. Very impossible. He's getting married.

"C-congrats!" nangangarag kong wika. Bumuhos na ang luha ko na kanina ko pa pala pinipigilan.

The Wounded OneWhere stories live. Discover now