Chapter 15
Root
"How dare you to touch me?!"
Kita ko ang paglayo ng mga tao sa paligid namin pero hindi ko ito pinuna. Mas matindi ang galit na nararamdaman ko ngayon dito sa taong nasa harap. Pakiramdam ko lahat ng alak na nilagok ko kanina ay ngayon lang gumuhit ang pait sa aking lalamunan, may halo na ring sakit at kung ano ano pa.
I saw how his jaw clenched and how his body stiffened. Hinahabol ko pa rin ang hininga dahil sa halo halong nararamdaman.
My hands were shaking but I didn't let my trembling weakens me.
"Serene..." he uttered in a raspy voice. He was closing our distance, and trying to reach for my elbow. As he steps closer, I step backward. I don't want him to come near me, to touch me again like he did nothing because his touch means feeling again how low I felt years ago and realizing that I loved him so much and him leaving me in such a way.
The feeling of losing yourself along the way as you look for someone else.
Sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon wala akong ibang mapagbalingan kaya sa galit ko ngayon parang gusto ko isupalpal sa kaniya lahat ng napagdaanan ko.
"Don't come near me please..." I said, trying hard not to break further. Yumuko ako at marahas na pinapalayas ang aking mga luha. This traitor tears just made me look weak and I hate it!
"Hear me, please..." he said, I could hear that he was trying hard to keep his voice intact.
Hindi niya yata naintindihan ang sinabi ko, ayaw ko na lumalapit siya at mas lalong ayaw ko na makita niya akong ganito!
Sinubukan niya ulit lumapit at hawakan ako pero bago pa niya magawa mabilis kong kinuha ang isang shot glass na may lamang alak sa lalaking sumasayaw sa gilid ko. Without ado, I threw the liquor from the shot glass at his face.
Napatigil siya sa paglapit. And I was also shocked by my sudden response.
Pinikit niya nang mariiin ang kaniyang mga mata at hinayaan na tumulo lang ang alak sa kaniyang magandang mukha. Bago pa pagsimulan ng kumosyon ay tumalikod na ako at naglakad palayo. Hindi na ako nahirapan maglakad at pakiramdam ko ay nahimasmasan ako sa ginawa ko sa kaniya.
Nahirapan at natagalan lang ako bago mahanap ang restroom dahil sa dami ng tao at gulo ng bar. Pagkapasok agad akong dumiretso sa sink at hinarap ang sarili sa malaking salamin. Buti nalang ay hindi ko kinapalan ang make-up ko at hindi ito nagkalat sa aking mukha. Hindi ko rin naman alam na iiyak ako nang ganito ngayong gabi.
Yumuko ako at sinalok ang dalawang kamay sa tubig na bumabagsak galing sa gripo. Naghilamos ako at tinanggal na ang make-up sa mukha. My make-up was not perfect anymore, and my face was wet with tears that it stained my face in all angles.
Huminga ako nang malalim at bumunot ng tissue para mapunasan ang basa kong mukha. Uuwi na ako pagkatapos nito pero kailangan ko pa na hanapin si Aiana para makapagpaalam. This is her party, and she'll look for me that's for sure.
Kung hahanapin ko pa siya ay malaki ang chance na makasalubong ko pa si Nicholas. And I hate him to death!
Muling kumalabog ang puso ko sa iniisip.
I powdered my face, and put my lipstick on. After that, I went out of the restroom. Babalik nalang ako sa pwesto namin kanina at doon ko na lang hihintayin si Aiana. I still feel slightly dizzy but compared earlier I'm okay now.
Kinawayan ko ang ibang mga bumati sa akin at ang iba ay nagtangka pa na lapitan ako pero hindi ko na pinansin dahil ang gusto ko nalang ay makabalik sa pwesto namin at doon hintayin si Aiana. 'Tsaka may takot din ako na may makasalubong na iba.
ESTÁS LEYENDO
The Wounded One
RomanceAndra Serene Concepcion is living the life of a perfect woman. Everyone wished to have a life that she has. But that's just what everyone has thought. The reality is that she's miserable because of her past. She's at the top of her career, money, an...