Chapter 3

47 6 0
                                    

Chapter 3

Price

Sinagot ko ang tawag niya at nagpanggap na walang alam. Matagal ang naging titig niya saakin bago bumuntong hininga, tinitimbang niya muna ang bawat reaksyon ko atsaka nagsimula sa pagkamusta sa akin. I said na smooth naman ang naging araw 'ko, nothing special ang nangyari after the lunch we had shared. Pero siya ang mukhang mas may espesyal pa na nangyari sakanya sa araw na 'yon. 

I didn't ask about his dreamy 'dinner' with Selene. Selene was the girl in that photo. Fortunately, hindi na rin naman siya nagkwento buti nalang dahil hindi ko rin alam kung kaya kong tagalan ang usapan na 'yon. Pilit ko man gustuhin maging bitter hindi ko pa rin maitatanggi na halos walang pangit na katangian 'yong Selene, if nobody's perfect I could honestly say that she is almost one.

Napalunok ako. Stop it self, don't show him that you are affected! Wala ka sa lugar.

"Hindi pa ba tayo matutulog?" I asked.

It's 9:30 in the evening, I know na masyado pa 'tong maaga dahil usually inaabot kami ng 10:30 sa kwentuhan, biruan at mga payo niya saakin.

Kumunot ang noo niya sa screen, he's done with his plates yesterday pa kaya wala na rin siya masyadong ginagawa ngayon kundi ang titigan ako sa screen. If I haven't seen that photo kanina baka kinilig pa 'ko ngayon but this is a different case. 

Obviously, kahit magaling ako magpretend na wala lang saakin ang nakita hindi ko pa rin maiwasan ang maging malamig and if he's that sensitive, he would feel and notice what I am feeling.

"Maaga pa naman. Inaantok ka na ba?"

Humikab ako at kinurap kurap pa ang mga mata para kunwaring inaantok na. Honestly, hindi pa 'ko inaantok at hindi ko rin alam kung dadalawin ba ako no'n sa ganitong madami ang bumabagabag sa isip ko at hindi rin maganda ang disposisyon ng puso ko.  

He chuckled at my sleepy gesture. Ang cute cute mo talaga ang sarap mo kurutin!

"Baka pagod ka, ayos lang naman saakin. Matulog ka na rin baka magkasakit ka pa. May mga babasahin lang ako na reports and I'll go to bed na rin." he said.

Ngumiti ako at pumungay na ang mga mata. "Okay then, good-"

Bago pa 'ko tuluyan na magpaalam, pinutol niya ito. "I also wanna say sorry." seryoso niyang sabi.

"For what?" I gulped, bahagya na akong kinabahan. Sorry? May nagawa ba siya na kasalanan?

Matagal siya bago ulit sumagot. "Nothing.. just let me know if something's bothering you.." mahina pero may diin.

Parang unti-unting lumambot ang puso ko kaya bago pa tuluyan na bumagsak ang mainit na tubig sa gilid ng aking mata, I ended it bago rin ako talikuran ng sarili ko. 

I wanted to say that nothing's bothering me, it's just me not in the mood, dahil baka naman siya pa ang mabagabag but I didn't want to lie as well. Some things are better left unsaid.

Tumango ako at sumagot. "Okay, then, good night!" I said, trying to lighten the mood.

"Good night, sleep well." he said in a very manly but sweet tone. 

I ended the video call and before I finally turn off my phone, it beeped. He messaged me a 'good night', as usual. Hindi ko na 'yon pinansin at itinabi na ang telepono sa gilid na lamesa. 

Tulala ako sa ceiling ng aking kwarto wondering what I'm feeling towards Nicholas. I even asked myself if I'm valid to feel this way, hindi ba 'ko masyadong nangangarap lang? Did I really let myself  fall for him? or baka naman masyado lang akong humahanga sakanya at hindi ko mapansin na he could be in the wrong too? lalo na sa age niya he's probably exploring the world out there, because he's more than capable of doing that.

The Wounded OneWhere stories live. Discover now