Chapter 19

52 6 0
                                    

Chapter 19

Bakit

Hindi mapakali ang pintig ng puso ko habang pababa ng building. Kahit na madalas naman ako may meeting sa mga Executives ng EY ay hindi pa rin ako nakakampante, hindi ko pa rin maitatanggi na kinakabahan pa rin ako.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang bumukas na ang pinto ng elevator. Lumabas na ako sa basement at didiretso na sana sa aking sasakyan nang makasalubong ko na naman si Sir Leo. Kalalabas niya lang din sa kabilang elevator.

Alam kong kasama rin siya sa dinner meeting sa hotel, malamang ay anak siya ng Chairman.

"Serene!" Sir Leo called me.

Gusto ko sana siya lagpasan at magkunwari nalang na hindi siya nakita pero dahil tinawag niya ako wala akong takas.

"Sir...uh Leo," tipid kong bati 'tsaka ngumiti.

"Papunta ka na?"

"Oo," I said in a plain manner.

"Ako rin, sabay na tayo!" he said enthusiastically.

"Uh... may sasakyan naman ako,"

He shook his head, and mischievously smiled. "Meron din ako. Sabay na tayo ihahatid nalang ulit kita katulad kagabi."

Tatanggi na sana ako nang inabot niya ang siko ko at iginiya sa kaniyang sasakyan na katabi lang ng sasakyan ko. At mukhang sa tono niya ay wala talaga akong ibang choice. Gusto kong umiwas sa kaniya dahil sa ginawa niya kagabi, at hindi na rin ako naging komportable sa presensya niya simula no'n. He's too nice with me, alright, but I feel like sometimes he's taking advantage.

Pinagbuksan niya ako ng pinto pero hindi muna ako sumakay at nilingon muna ang katabing sasakyan.

"Pwede naman ako pumunta mag-isa," I sighed.

Hinarap niya ako at kumunot ang noo. "Nandito na rin tayo, Serene. Come on," he pleaded.

"Nandito lang din naman ang sasakyan ko," sabi ko sabay lahad sa katabing kotse.

"Do you really want to go there all by yourself? Those are the big bosses. Hindi ka ba nahihiya na pupunta ka mag-isa?"

Napalunok ako. I could go there alone. Kahit kinakabahan ako hindi naman ako nahihiya na ipakilala ang sarili. I worked hard for this so why would I be embarrassed?

Pero tama rin siya na malalaking tao ang nandoon pero hindi naman ako maiimbitahan kung 'wala lang' ako. I mean, kahit paano ay may narating naman ako sa buhay.

Pero dumaan din sa aking isipan ang mukha ni Nicholas, surely, he'll be there.

Pagod akong tumango at pumasok sa kaniyang sasakyan. Hindi naman pinalagpas ng paningin ko ang pagkurba ng labi niya. May pag-aalinlangan akong sumama sa kaniya. Mabait siya pero hindi ko alam bakit may kaunting inis akong nararamdaman. Siguro dahil sa ginawa niya, 'wag nalang siguro maulit at baka mawala rin itong inis sa aking puso.

Or maybe his too much kindness makes him annoying?

Grr. I slightly tilted my head. I shouldn't think ill about him, he's just nice, that's all. I should be thankful for him because I become his friend. Sa ganitong sitwasyon na wala man lang ako kahit isang kaibigan sa opisina, magrereklamo pa ba ako? At kung hindi niya ako nilalapitan ay baka sa Queenie lang ang nakakausap ko.

"Serene," he called, breaking the silence.

"Yes?" nilingon ko si Sir Leo na ngayon ay nakatanaw sa gitna ng kalsada.

I suddenly regret for thinking bad about him. I'm being ungrateful.

"Have you had a boyfriend?" he asked out of nowhere.

The Wounded OneWhere stories live. Discover now