Chapter 20

55 5 0
                                    

Chapter 20

Upuan

Days elapsed like a passing shadow. The warm gush of wind welcomed me as I got off the white van. Tanaw ang puting puti na buhangin at kulay asul na dagat hindi malayo sa kinatatayuan ko. May mga matatayog rin na puno ang nakapalibot sa tila mala-isla na resort, nagsisilbing silong ng mga turistang gusto manatili malapit sa dagat.

A small smile visited my lips. I could almost feel my body released its stress and anxiety. Right then and there, I realized that world has been demanding of my time and energy. Somewhere between the sound of a crashing waves, and the gentle ocean wind that pressed against my skin I found rest.

"Do you like it?" Sir Leo asked me from behind.

I always loved the view of city lights, but I never knew that the ocean view could be this mesmerizing. What a breath of fresh air!

I nodded, my smile wouldn't seem to fade.

"Yeah," I said.

Muntik na ako madala sa alon ng pagkamangha sa magandang tanawin at makalimutan na nandito ako para sa trabaho. But I could turn it into my leisure. Nandito na rin naman ako kaya susulitin ko na.

Umikot ako ng sasakyan para kuhanin ang isang malaking maleta na tanging dala ko sa business trip na ito. Isang malaking van lang ang gamit dahil hindi naman maraming empleyado ang kasama namin. Isang architect at sekretarya lang ni Nicholas ang kasama ko. Si Sir Leo naman ay may sariling dalang sasakyan dahil ayon kay Nicholas ako lang ang sagot nila simula papunta hanggang sa huling araw dito.

Pinilit pa ako ni Sir Leo na sa kaniya nalang sumabay pero dahil sa mga nangyari nitong nakaraan mabilis akong tumatanggi sa mga alok niya. I don't want further awkwardness with him.

Guminhawa ang pakiramdam ko nang malaman na hindi naman pala kasama si Nicholas dito sa Batangas. Malamang ay abala nga iyon sa girlfriend niya at sa kung ano pang mga bagay. Pero may parte rin sa akin na mas gusto na nandito siya dahil mas makakapagplano kami ng maigi.

Ipinagkibit-balikat ko nalang ang mga iniisip.

Kung wala siya ngayon ay mas malaya ako makakapagliwaliw dito nang walang nakatingin na 'boss'. Sigurado naman na gano'n lang din ang gagawin ng mga kasama ko.

Papasok pa lang sa mismong teritoryo ng resort ay may sumalubong na agad sa aming mga staffs para i-accommodate kami. Hindi na kami hiningan ng ID's at pinadiretso na lang sa bukas na parking ng resort. Habang si Sir Leo ay hiningian pa ng kung ano anong patunay. Pati na rin sa lobby ay matagal siya nakapagcheck-in habang kami ay nasa kwarto na at nagpapahinga siya ay nasa baba pa rin.

I want to think that Nicholas is merciless but maybe that's their company's protocol. Bakit hindi rin kasi nagbook si Sir Leo nang mas maaga, nahirapan tuloy siya.

Dumating ang oras ng tanghalian at ang sekretarya ang lahat nag-asikaso ng mga kailangan at pagkain namin. Do'n ko rin napagtanto na mahigpit nga ang rules nila sa kompanya dahil si Sir Leo na mag-isa lang naman ay hindi pa rin pinasalo sa amin. Puno ang lamesa namin ng ibat-ibang pagkain kaya wala siyang choice kundi umupo sa iba.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya siguro mamayang dinner ay sa kaniya nalang ako sasabay at babayaran ko nalang ang sariling pagkain. Sumama siya rito para sa akin, and a little sacrifice won't hurt.

"Hindi ba pwedeng dito nalang umupo si Sir Leo?" tanong ko sa sekretarya.

Umiling agad ang babae. "Ma'am mahigpit po kasing utos ni Engineer na ikaw lang daw po ang sasagutin ng kompanya. At ayaw niya po na may ibang sasalo."

The Wounded OneWhere stories live. Discover now