Chapter 10
Complicated
Ilang beses ko nilingon ang cellphone ko kung may bago bang pumapasok na message pero natapos nalang ako magbihis at mag-ayos nanatiling tahimik ito. Buti nalang ay napag-usapan na naman namin kagabi ni Nicholas kung saan at anong oras kami magkikita kaya hindi na rin problema kung busy siya at hindi makapagtext.
I shrugged my shoulder and my thoughts flew to what might happen later. Hindi pa rin nawawala ang excitement sa sistema ko!
I saw my reflection in the mirror. I really made sure that I'd look my best for today. Naaalala ko pa lang ang nangyari kagabi ay parang hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko may level up sa kung ano man ang mayroon kami ngayon.
I smiled, glancing at my reflection. Wearing my white tank, paired with jeans, it's too simple so I wore a nude trench coat to add spice in my outfit. As planned, I curled my hair and put subtle cosmetics on my face, that suits my overall look for today. Simple but classy, and chic. Hindi ko kinalimutan ang magsuot ng may tamang taas na stilettos, hindi ako ganoon katangkaran pero sakto lang naman ang height ko sa edad, but I keep in mind that I have to look mature than my age para bumagay sa kasama.
Of course, I wore the bangle. I felt fulfilled, and admired my look.
Mabuti nalang na marunong manamit si Mommy kaya may nagagayahan at natututunan ako sa kaniya. Siya rin ang bumibili ng mga damit ko kaya kahit kailan ay hindi ako nagkaproblema sa susuotin tuwing may espesyal na lakad katulad ngayon.
Nang makuntento na ako sa itsura ay kinuha ko na ang maliit na black bag from a designer brand at bumaba na, nagpaalam kina Dashiel, Nanay Merlyn at Ate Lyn, hindi ko na rin kinalimutan na magpaalam agad sa text kay Mommy ang sabi ko pa ay baka gabihin ako. Kung sakali lang naman.
Tahimik ako buong biyahe. Sumulyap ako sa cellphone at nakita na wala pang mensahe galing sa kaniya. Wala pa kaya siya roon? Usually, nagsasabi siya kung nandoon na o di kaya'y papunta na pero ngayon walang kahit isang text galing sa kaniya. Magtatampo na ba ako? Hmp.
Lumunok ako at ginapangan ng kaba. Okay lang kaya siya? Baka naman nagmamaneho na papunta? I glanced at my wrist watch. Tama, nasa daan na 'yon ng ganitong oras.
Pinilig ko ang ulo para maiwala ang hindi magandang mga iniisip. I don't want to overthink. Sayang ang araw at ayos ko kung ganoon.
Hindi na rin nagtagal nandito na kami sa harap ng entrance ng mall. Nagretouch ulit ako bago bumaba ng sasakyan.
"Hindi na po ako magpapasundo Kuya Nanding, ingat po kayo!" paalam ko sa driver. Sigurado naman ako na ihahatid ako ni Nicholas 'pagtapos ng lakad namin ngayong araw.
Pumasok na ako ng mall at naglakad patungo sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Nicho. My heart was starting to panic, and I could also feel the butterflies in my stomach as I come nearer to that coffee shop. Even if I was nervous, I made sure that it wouldn't reflect on my face. I don't wanna look constipated.
"Serene!"
Nilingon ko ang tumawag sa aking pangalan. Kumunot pa ang noo ko bago nginitian ang tumawag. Hindi ko kasi maalala ang pangalan niya kahit pa sobrang pamilyar ng mukha no'n. Kung hindi ako nagkakamali kaklase ko siya noong Grade 7 pa lang ako sa dati kong school.
Kinawayan niya ako 'tsaka lumapit.
"Shana." I smiled, greeting her. Finally, I remembered her name!
She blurted out a laugh. Kumunot naman ang noo ko. Anong nakakatawa?
"Sheena! Anong Shana ka diyan?" natatawa niyang sabi.
ESTÁS LEYENDO
The Wounded One
RomanceAndra Serene Concepcion is living the life of a perfect woman. Everyone wished to have a life that she has. But that's just what everyone has thought. The reality is that she's miserable because of her past. She's at the top of her career, money, an...