Chapter 1: I have Fallen

251 11 2
                                    

*Lexis' POV*

Alas tres na ng hapon at math ang subject namin. Mainit and ihip ng hangin at nakakainip rin ang lesson namin kaya napagpasiyahan kung maidlip ng konti.

Naglalakad na ako pauwi ng bahay. Magisa lamang ako kasi yung mga barkada ko ayun nauna na di rin nila ako pinapansin at ewan anong nakain ng mga yun ei halos di kami nagaaway ng mga yun.

Nakayuko akong naglalakad habang sinisipa yung batong nakita ko kanina. Hay nakakapagod na talaga gusto ko ng mahiga sa higaan. Gusto ko ng matulog. Gustong kumain ng ice cream. Gusto kong maglaro sa park pero tinatamad talaga ako. Nakakapagod lang gawin ang mga iyon.

*Peeeeeeepeeeeeep* isang malakas na busina  ang narinig ko sa likod at naamoy ko rin ang baho ng gomang tila ay sinusunog.

Paglingon ko ay huli na ang lahat. Malakas ang pagkabangga ng trak sa akin at napatilapon ako. Nahuhulog na ako sa bangin. Shet ano to ganto na lang ba ako mamamatay bat ang aga jusko tulungan nyoko.

Babagsak na sana ako sa semento ng saktong nakagising ako. Shuta panaginip lang pala letche.

"Oi Tyler ano ng ganap sa math? San na banda?" Tanong ko sa katabi kong si Tyler.

Hindi siya umimik o lumingin lang man sa akin. Isang tango lang ang tanggap ko ngunit akala ko para sa akin yun, yun pala hindi. Tumango siya kay sir habang nag eexplain ito ng mahirap na formula. Nakakainis naman. Lumingon ako sa kabilang katabi ko si Taylor isa sa mga friends ko.

" Taylor gaano ba ako katagal nakatulog?" Hindi niya rin ako pinansin.  Kinaway-kaway ko ang kamay ko sa harap niya pero walang reaction.  Pikonin kasi tong babaeng to pero wala ei no effect.  Sinubukan ko rin siyang kilitiin pero ni isang tawa ay wala akong nakuha

Nakakapagtaka. Bakit parang may mali?

Sinimulan kong lapitan ang mga kaklase ko na nasa likuran ng classroom. Isa isa ko silang tinanong, gumagawa rin ako ng mga nakakalokang mukha sa harap nila pero wala akong napala. Yung mga tingin nila ay tila lumalagpas lang sa akin.

Hanggang nakaabot na ako sa harapan. Anong trip ng mga to bat hindi ako pinapansin. Tutok na tutok lang sila kay sir.

"Sir hindi nila ako pinapansin oh" hindi sumagot si sir at patuloy lang sa pagsusulat ng formula. Kinaway-kawayan ko siya pero wala hindi niya rin ako pinapansin.

Jusko walang nakakakita sa akin?

Namatay ba ako sa panaginip ko?

Kaluluwa na lang ba ako?

Agad kong kinapa kapa ang katawan ko andito pa naman ako ah. Anong nangyayare? Bakit hindi nila ako nakikita?

Namumuo na ang mga luha ko at nanggigilid na ito sa aking mata. Mabilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbilis ng aking paghinga.

"Oi pansinin niyo naman ako oh!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumagsak lalo ang mga balikan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Kumunot ang uno ko at unti unting tumulo ang mga luha ko. Napahagulgol ko sa harapan.

"Di pwede to ang bata bata ko pa marami pa akong pangarap" sigaw ko habang umiiyak.

"Lord please ibalik niyo ako sa sarili ko. Patawad kong lagi akong tinatamad. Sorry kong lagi akong natutulog sa klase. Ibalik niyo lang ako gusto ko pang mabuhay" umiyak ako ng umiyak.

Biglang may pumasok sa aking isipan na siyang ikinaudlot ng aking pagiiyak.

" Teka baka napunta ako sa ibang dimension ganun kaya di nila ako nakikita tapos baka may mga superpowers ako o kaya dito ko makikita yung prince charming ko tama baka ganun na nga."

Napaisip ako ng kung ano anong mga seneryo na baka sagipin ako ng prince charming ko dito sa ibang dimension. Yes mas gaganda na buhay ko.

"Baka ilang minuto na lamang ay bubukas ang pinto at galanteng lalakad papasok ang prince charming ko sabay alay ng kamay niya upang tulungan ako sa pagkakaupo ko sa sahig."

"Tapos aalis na kami dadalhin niya ako sa isang palasyo at duon ipapakilala ako bilang yung nawawala nilang super powered magical princess."

Ang saya-saya ko na habang nagpapantasya ngunit biglang may marinig ang aking tenga na mga tuwa at halakhak. Dikalaunan ay nagsitawanan na silang lahat pati si sir.

Lahat sila ay halos napapahawak na sa kanilang tiyan sa kakatawa. Yung iba napapapokpok pa sa mesa nila.

Teka?! Anong nagaganap mga demonyo ba sila?

Reincarnation ba sila ng mga kaklase ko pero nasa kampon ng kadiliman?

"Hoy bat kayo tumatawa ha?!" Sabi ko sa kanilang lahat. Napatigil naman ang iba sa pagtawa ngunit mag iilan pa ring tumatawa.

"Grabe naman Lex ang lawak ng imagination mo hahahaha" sabi ni Abby habang ang lakas ng halakhak.

Wait lang ano to anong nangyayare ha?!

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon