Chapter 7: BE THE ENEMY

30 4 0
                                    

"Lex gumising ka na malelate ka na naman!"

Napabulagta ako sa higaan ng marinig ang sigaw ni mama. Agad akong naligo at nag ayos ng sarili para bumaba sa kusina at mag almusal.

"Kaya mo naman palang mag ayos ng maaga. Kung araw arawin mo yan hindi ka na talaga malelate"

Napatingin ako sa orasan habang sinusubo yung kinakain kong pagkain at adobo. Nabilaukan ako ng makita ko ang orasan.

"Ma naman oh ang aga pa 6:30 pa lang. Ma naman" sabi ko sabay turo sa orasan.

"Kasalanan mo yan at nataranta kang bumangon at nag ayos kaagad"

"Matutulog na lang ako uli. Mamaya na ako aalis ang aga pa oh"

"Hoy hoy saan ka pupunta ha?"

"Sa kwarto po"

"Ai bumalik ka dito at magtoothbrush ka naku tung batang to tsaka hugasan mo tung mga plato"

"Ma naman mamaya na"

"Bilis at ako na ang malelate sa trabaho ko"

"Akala ko ba kahit anong oras pwedeng pumasok yung boss"

"Naku nagmana ka talaga sa papa mo. Bilisan mo na jan"

Sinimulan ko ng maghugas ng plato. Pagkatapos nun ay nagtoothbrush ako at bumalik sa kwarto.

Umupo ako sa desk ko at pinagmasdan yung tanawin sa may bintana. Makikita kasi yung park mula sa bintana ko.

Naaalala ko tuloy yung mga panahong bata pa ako. Walang school. Kain tulog lang ang ginagawa. Higit sa lahat pagnag aaway kinabukasan magkakaayos kaagad.

7:30 na akong pumasok sa school. Maayos naman ang flow ng klase pero may kakaibang feeling akong nararamdaman sa ere.

Sa tuwing humaharap ako kay enrique parang lumalayo yung loob niya sa akin. Hindi ko ma gets kung bat ganito yung nararamdaman ko kaya't binalewala ko na lamang ito.

Nung nagrecess na kami ay hindi parin sumulpot si enrique. Usual naghaharutan ng patago uli tung dalawa kong kasama. Pero this time parang balewala lang sa kanila na hindi namin kasabay si enrique ngayon kaya't nagtaka ako.

"Bat wala si Ric?" tanong ko sa kanila.

"Huh? Hindi ba niya sinabi sayo?" sambit ni Taylor sabay subo nung french fries.

"Tanga ka ba, magtatanong ba siya kung alam niya" dugtong ni Tyler sabay batok ng mahina sa ulo ng nobya niya. Napakunot naman ang ulo nito.

"Sabi niya may trabaho daw siya sa office ng student counsil kaya hindi siya makakasabay kung saka sakaling hindi natin siya makita sa recess time" halos mabilaukang bigkas ni Taylor at ngayon ang nobyo niya naman ang napakunot ang ulo dahil nagsasalita ito na may laman ang bunganga.

Bumalik na kami sa classroom at ngayon world history ang subject namin. Kumuha ako ng isang malinis na papel at sinulatan ng - Bat hindi niyo sinabi sa akin kaagad ang dahilan kung bat wala siya- tinupi ko ito at iniabot sa katabi kong si Taylor.

Ilang sigudo pa ay bumalik sa akin ang papel at bi nasa ang kasunod ng sinulat ko - ikaw naman kasi lagi niyang unang sinasabihan kaya akala namin alam mo na -

Dinugtungan ko ito ng - baka siguro dahil yun sa away namin kahapon - ibinalik ko sa kanya yung papel.

Laking gulat ko ng may tumamang nakakumot na papel sa pisngi ko. Lumingon ako kay Taylor at sinenyasan siyang -Masakeeet -

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon