Chapter 16: CAMPING TRIP

19 3 0
                                    

Lexis' POV

After ng school festival, field trip na ang kasunod. Actually nasa bus na kami ngayon papuntang bundok.

Katabi ko si jen sa bus tapos hamakin mo siya pa yung nakahiga sa braso ko ambigat pa naman niya. Diba dapat yung babae yung nakasandal sa balikat ng lalaki. Bakit baliktad?!

-----flashback-----

"We all know that tomorrow is our camping trip to the school camp in Mt. Triad so I will be passing this pamplets as our camping trip guide"

Pinasa na ni maam yung pamplets sa amin.

Tiningnan ko ito.. campfire curfew..camping blahblahblah... cooking contest.....oi may test of courage nahh boring.

Blahblahblaahhh discuss ni maam atsapwera ng mga students at BAAM!!! Tapos ng meeting.

Wala talaga akong paki ei kung hindi lang sana ako pinilit nila Taylor ay hindi talaga ako sasama sa fieldtrip.

-----end of flashback-----

Pagdating namin sa campsite ay agad ng nagoder si maam na itayo na yung mga tents namin. Kanya kanyang dala ng tent kaya ako magisa lang ako sa tent ko. Si Taylor kasi kasama niya si Yuki. Tiyaka mas gusto kong magisa sa tent ko para makahiga ako to the max with all the gulong gulong.

Nakita kong mas naunang natapos ang mga boys sa pagpatayo ng mga tent nila at ito namang mga pabebeng girls ay nagpapatulong sa mga boys tapos tuwang tuwa rin naman tung mga lalaki ulol niloloko lang kayo.

Nakalatag na yung tent ko sa lupa at nakalagay na rin yung peg para hindi ito liparin ng hangin as if naman diba may mga gamit naman akong ilalagay sa loob.

"Want me to help you?" Tanong ni Jenovise.

Hindi ko siya pinansin at agad na hinila yung gitna ng tent at pinindot yun. Automatic namang napatayo yung tent ko.

"Hey that's cheating" sabi niya sabay kunot ng nuo niya.

"Hindi yan cheating pagiisip tawag diyan kung gusto mo ng mas madali edi yung mga automatic tents sana dala mo" sumbat ko sa kanya sabay pasok na sa tent ko at inayos yung gamit ko.

Nilagay ko yung parang comforter na mula sa bagahe ko sa sahig ng tent para  medyo comfy tapos yung magic pillow ko nilabas ko na rin pati yung habol ako.

"Miss Mendieva magkakaroon lang naman tayo ng 3 days camping trip dala mo na agad buong bahay mo" paglingon ko ay si maam Mitch pala yun shit nakalimutan ko palang isara ang tent.

Napasilip naman ang mga kaklase ko at namangha sa loob ng tent ko. Kasi sila dala lang nila is kumot at kung ewan ko ba.

Sus kung gusto niyo ng comfy sana nagdala din kayo ng foam naku naman.

Mga mag 2 pm na at nang matapos naming magkain ng dala namin lunch ay naggather kami para sa announcement.

"Magsisimula na ang cooking contest natin nasa cooler ang mga ingredients kaya kayo na ang bahala sa pagluto goodluck everyone" sabi ni maam Mitch.

Nagbulong bulungan naman ang lahat kung bakit nagsimula kaagad ang cooking contest.

"What the heck eei!!!" Sigaw nung isang babae naming classmate. Pagtingin namin ay shit puro gulay na pang curry ata yung nasa cooler.

Pero yung nasa likod talaga ng cooler ang nagpamangha at nagbigay ng gulat sa amin.

"Back back bakkaaa!!!"

Letse manok as in buhay na mga manok. Yung tipong may balahibo at gumagalaw pa. Nakatali yung mga paa nila kaya ginagalaw nila yung mga pakpak nila para makaalis sa pagkatali.

Takte?!! Ano to kami pa ang papatay at kakatay sa mga manok na ito?!

"Anim na mabok and dahil 2 groups lang kayo tig tatatlong manok kayo" sabi ni maam Mitch na nakangiti.

Kaya pala ang aga kasi kami pa ang kakatay ng manok pakshet.

30 students kaming nandito at 15 members per group. Magkagrupo sila taylor, tyler tas enrique. Kami ata ni Jenovise nasa kabilang group kasama si Yuki.

Yung limang boys si Riko, Carl, Alan, Jarred at Arnel ang incharge sa pagkatay nung mga manok. Umalis na sila para katayin ang manok.

Sila Jenovise, Jackson, Jenefer, Clara at Clint ang incharge sa pagluto kaya nagsaslice na sila ng mga gulay.

Ako naman tapos si Yuki, Axcel, Jake at Nika ang incharge sa mga necessities inshort assistant kaming lima. Matapos na katayin yung manok ay tamang tama naman na mainit na ang pinapakulong tubig. Ginamit naman ito para madaling matanggal ng feathers nung mga manok.

Huhuhu! Nakakanginig ng balahibo yung feeling na tinatanggal ko ng feathers yung manok. Kaya mo to Lexis wag kang tamarin kundi wala kang makakain.

Matapos naming gawin ang pagtanggal ng feathers ay binigay na namin kila Jenovise yung mga manok.

Malabutcher na minumurder ni Jenovise yung manok. Nafefeel ko tuloy yung bawat pagbagsak ng matatalim na kutsilyo na siyang pumuputol sa laman at buto ng manok.

Huhuhu! Kawawang nilalang. Kinakawawa ng isang demonyo huhuhu.

Kanya kanyang luto na per teams at hindi na naming napansin na madilim na.

Nagulat kami ng may biglang lumiyab na apoy. Camp fire pala to tapos nasa harapan na si maam mitch.

"Everyone times up! At ang magiging judge ng niluto niyo ay kayo mismo haha!! Enjoy your dinnner everyone!" Sabi ni maam gamit ang mega phone. At pumunta na sa tent niya.

Nakagsihiyawan naman ang iba at yung iba ay nagpapahinga na dahil sa pagod.

Phew yun lang naman pala.

Kumain na kami.

Kanya kanya kaming naghugas ng mga ginamit namin.

Yung iba naman ay nagchika chika pa dun sa campfire pero ako pumasok na sa tent ko at natulog na.

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon