Chapter 14: SCHOOL FESTIVAL

21 3 0
                                    

Lexis' POV

For the first time in forever hindi ako na late sa school. Kailangan kasi namin ng early preparations ei.

Maayos na ang rooms, nakapagbihis na yung mga waitress namin at handa naman kami sa kitchen.

Maaga naming na ibake at nalagyan ng decorations yung mga sweets na nasa menu namin. Pati na din yung tea at yung mga juice ay ready nadin.

Tumunog yung school chime bilang simbolo ng pagsimula ng school festival. Naging busy na kaming lahat kasi nagsisidagsaan na ang mga tao sa cafe namin which is a good thing naman.

Nasa cooking staff ako pero mainly ang ginagawa ko lang ay ang mag account ng mga sweets na nilalabas ng kitchen at tinutulungan ang head baker namin na magmamanage kung kailan at ilang ang ibake pa namin.

Nagulat kaming lahat na nasa kitchen ng biglang inaalalayan na ni Jenovise si Taylor.

"Taylor what happened" I asked.

"Natapilok ako beh tapos ansakit na ng paa ko may gahd. Nabulasot kasi sa wood panels yung takong ei" sabi niya.

Tinulungan na namin ni Jenovise at ni pres. na dalhin si Taylor sa infirmary ng school. Tamang tama ay nanduon yung nurse namin at inasikaso naman si Taylor.

"Lex pwede ikaw magpalit kay taylor" sabi ni president sa akin sabay abot nung outfit.

"Huh ako? Ei hindi ako marunong eih baka mabawasan pa customer natin." Sagot ko kay Pres.

"Ikaw na lang Jen" nagulat ako ng sabihin yun ni President sabay abot nung outfit kay Jenovise.

Jenovise's POV

Nagulat ako ng tanungin ako ni President.

"Bat ako lalaki ako loka ba kayo" sabi ko sa kanila.

"Please jen gusto mo ba na maging katulad ko si Lexy atsaka may wig naman ako dito oh" dagdag ni taylor.

Inabot naman ni Taylor yung wig kay president. At tsaka papaanong may dalang wig si taylor ha? Nakita kong nakipagthumbs up ito kay Lexy at abot tenga naman ang ngiti ni Lexy.

Hindi na ako nakapagpalag pa agad nilang tinanggal yung polo ko tapos pinasuot yung outfit sa akin. Tapos kinabit yung wig sa ulo ko.

"Take of your jeans" utos ni lexy

Syempre agad kong sinunod mahal ko yan ei.

"I, Lexis and President Yuki present to you Yuri the cousin of the president" sambit ni Lexy at pinaharap ako sa salamin.

"What the heck" sabi ko ng mapatingin ako sa salamin.

"Ayus kamukhang kamukha mo ate mo Jen mas bata nga lang" sabi ni Yuki.

"Pag ito umabot ng reunion papatayin ako ni papa." Kabado kong sabi kay Yuki na nagpipicture na.

Yup magpinsan kami ni Yuki.

"Asus mukha ka naman babae oh. Wala kang kubal, wala kang ugat ugat sa kamay tapos hindi naman halata paa mo kasi nakathights ka naman tapos dollshoes" rason ni Yuki.

I do look like a freacking girl. What the heck.

"Wait wait wait lang at paano ba nagkaroon kayo ng kagamitan ha" hinarap ko silang tatlo.

Nagsilayuan ng tingin si Lexy at Yuki. Si Taylor naman ay nakuha kong umaktong tulogtulugan.

"Sige na Jen please ang gwapo mo kasi ei kaya napagisipan naming maganda ka sa ganyan" sabi ni lexy habang dumikit sa braso ko at hinawakan yung kamay ko.

My face turned red. Shit. Masyado kang malapit Lex.

Yumakap rin sa kabilang braso ko si Yuki.

"Let's go insan" sabi ni Yuki.

Hinila na nila akong dalawa pabalik ng room habang huli kong nakita ang pagsalute ni Taylor sa amin. Wait what?!

"Hi guys hindi makakatulong sa atin si Taylor ngayon kaya tong pinsan ko namang si Yuri ang magpapalit sa kanya" siniko ako ni Yuki kaya kumaway ako sa mga kaklase ko.

Namangha lang silang nakatingin sa akin. Langya hindi niyo ba ako namumukhaan ha?!

Ang una kong naging customer ay yung Basketball team captain ng school namin. Inabot ko lang sa kanya yung menu.

"Tsundere type pala huh" sambit niya tapos tumingin na sa menu.

Langya di ako tsundere ayoko lang magsalita. Ang buo at lalim ng boses ko para akong chipmunks kung papatinisin ko ito.

"Isang choco moist cake dapat yung moist na moist ha, chai tea tsaka ikaw na lang rin" kumunot yung ulo ko sa sinabi niya. Kalma Jen kalma.

"Kelan ba matatapos shift mo hihintayin kita. Pasyal tayo sa school" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Hindi ko na pinigilan yung sarili ko at naipalo ko na yung menu sa ulo niya. Imbis na magalit siya ay lalupang kuminang yung mga mata niya. Takte anong problema mo bro?!

"Nakaka inlove talaga yung mga tsundere type" sabi sabay hawak sa pagalad ko.

Sasabihin ko na sanang lalaki ako ng biglang sumulpot si Lexy at Yuki sa tabi ko at kinuha yung menu.

"Try mo tong hand made and prepared ni Yuri na Vanilla crepes pati din itong red velvet fudge namin" sabi ni Yuki

"Tapos ito pa at ito si Yuri din gumawa nito tapos ito din" dugtong ni Lexy

Wait lang ei wala naman akong may iniloto or prenepare sa mga nanjan ni isa ei.

"I'll take everything that this beautiful tsundere here made" sabi nung lalaki sabay hawak uli ng kamay ko kaya pinalo ko siya ng menu. Ngumiti lang din siya. What the heck?!

Nakita ko namang magkahawak kamay, nakangiti at sabay na nagthumbs up sa akin sina Lexy at Yuki.

Napara bang nakakita sila ang isang napaka ganda scenario.

Wait lang don't tell me.

They both are.

Freaking Bl fans.

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon