Chapter 2: Master Mind

111 8 0
                                    

*Jenovice's POV*

Je-no-vis ganyan pagbasa ng pangalan ko hahaha..

Sa ngayon halos mapatay na ako sa kakatawa dahil sa pinanggagawa ni lexy. Sige flashback muna tayo.

So alastres na nga ng hapon at math na at alam kong tulog na naman tung nasa likod kung si Lexy hahaha.

Nasa kalagitnaan na ng lecture si sir ng bigla kung itinaas ang kamay ko

"Yes, Mr. Elmore?" Tawag sa akin ni sir at napahinto ito sa pageexplain.

"Sir, kung pwede po ba na sa pagising nitong tulog-mantikang Lexis nato na nasa likuran ko ay magpretend tayong lahat na hindi natin siya nakikita para matutong wag na matulog sa klase mo sir" demanda ko sa kanya. Agad ko namang nakuha ang atensiyon ng lahat ng mga kaklase ko.

Agad na nagsitawanan ang mga kaklase ko at nakipag agree sa petisyon ko. Pati si Sir pumayag narin.

"If this is to make her stop sleeping then I'm fine with it but first solve this problem mr. Elmore"

Napasmirk lang ako sa sinabi ni sir. Tumayo ako at pumunta sa may blackboard. Mabilis kong sinulat ang solusyon na kanina ay itinuro ni sir.

Napaapprove naman siya ng matapos akong magsulat sa board. Bumalik na ako sa upuan ko at magsisimula na ang plano naming lahat.

Humarap naman sa akin ang mga kaklase ko at tumango bilang simbolo ng pagsangayon sa gagawin namin.

Mayamaya pa ay nagising na nga si Lexis. Una niyang kinausap si Tyler pero nakisama ito sa plano at hindi niya pinansin ang kawawang babae.

Tapos si Taylor naman ang nilapitan niya. Bumilis ang tibok ng puso ko makikisabay kaya tung bestfriend niya?

Mabuti na lamang at nakisabay si Taylor. Inisa-isa niya na ang mga tao sa likod.

Bwiset natatawa na ako hahaha. Para na siyang tutang nagmamakaawa sa lahat ng mga kaklase namin. Napuntahan niya na lahat ng mga kaklase namin pati ako shuta grabe pigil ko ng tawa HAHAHAHA.

Nasa harap na siyang umiiyak at nagsasabing ang bata niya pa para mamatay. Tiningnan ko ang mga kaklase ko naku halat kami nasa limit na ng pagpigil ng tawa namin.

HAHAHA...

May mga pangarap pa daw siya sa buhay ei natutulog lang naman sa klase ei.

Napapigil ako sa pagpigil ng tawa ko ng marinig kong sinabi niya na baka nasa ibang dimension na daw siya at sasagipin siya ng prince charming niya.

Langyang babaeng to natutulog na nga sa klase tapos magwawild na may pangarap pa sa buhay ngayun napapantasya na loko ba tong taong to.

Nakita kong patayo na si Enrique sa kanyang upuan at aktong lalapit kay Lexis. Ito ring killjoy masyado na president.

"Psst Abby labas mo na tawa mo" bulong ko sa kaharap kong si Abby na nananakit na ang tiyan sa kakapigil ng tawa. Lumingo lingo naman siya.

Shit naman oh ang lapit na ni Enrique kay Lexy. Wala na akong ibang choice kundi kilitiin si Abby at ayun na nga kumawala ang isang malakas na tawa sa kanya at sumunod na ang iba.

"Hoy bat kayo tumatawa ha?!" Sigaw ni Lexis.

"Grabe naman Lex ang lawak ng imagination mo hahahaha" sabi ni Abby habang ang lakas ng halakhak.

Wait lang ano to anong nangyayare ha?!

"S-s-si Je-jen si jenovis lahat may pakana Lexis" patawang sabi ni sir sa kawawang babae na nasa harapan.

"Ha?!!!" Halata sa mukha niya ang pagtataka at pagkagulat.

Tumunog yung chime ng school. Yes save by the bell ako. Hindi pa kami pinapaalis ni sir pero agad na akong tumakas at lumabas ng room at pumunta sa rooftop.

"Hahahahahahaha.. hay naku Lexy yan kasi tulog pa" tawa ako ng tawa. Sarap ng hangin dito ah.

Napatigil ang paghahalakhak ko ng bumukas ang pintong nakakaaccess sa lugar na ito.

"Masaya ka na ba sa ginawa mo ha?" Tanong ng taong nasa harap ko ngayon

"Wala ka ng paki alam" malamig kong tugon sa kanya.

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon