Chapter 20: PRESENT

22 4 0
                                    

Jenovise's POV

Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang dibdib ko kasi nireject ko yung alok ni Lexy na samahan siya sa mall.

Hindi ko lang kasi kaya ei. Pano ako bibili ng regalo ko para sa christmass party at para sa kanya kung kasama ko siya. Edi malalaman niya agad.

Haysss.

Buti na lang at sinamahan ako ni Yuki kahapon na pumili ng magiging panregalo ko at panregalo kay Lexy pero may kapalit naman ito.

Walangyang babaeng yun.

------flashback------

Halos maglimang oras kaming nasa salon no! Takte anong trip kasi nitong babae nito at nagparebond pa hayss. Matapos nun ay bumili na kami ng mga regalo.

Binili ko yung Mt. Everest na snow globe bilang regalo sa christmass party at pumunta ako sa hoodie section.

Nahagilap naman ng mata ko yung isang kulay pink na hoodie na may chibi ng Isang cute na babae na inaantok. Kinuha ko ito sa rack nito.

"Sure ka bang yan na ang para kay Lexy?" Intriga ni Yuki.

"Oo bagay na bagay sa kanya ang cute oh" sagot ko naman sabay yakap dun sa hoodie

"Ei kulay pink yan ei" nandidiring sabi niya.

"Light pink Yuki light pink tsaka wag mo na pansinin importante tung chibi ang cute cute oh nakakagigilll" hinahug ko ulit yung hoodie. Napapaisip na lang tuloy ako na si Lexis yung niyayakap ko.

"Oo alam ko na tara na nga bago mo pa mamolestiya yang chibi na yan" sabi ni Yuki sabay hila sa akin.

"Grabeh ka naman"

Hinila na niya ako papuntang counter matapos naming pinabalot yung mga regalo ay hinatid ko na yung pinsan ko sa kanila at umuwi na rin ako

-----end of flashback------

Dala dala yung dalawang regalo ay naglakad na akong papuntang school makulimlim ngayon ah.

"Jenovisee!!!" Limingon ako sa kung sinong tumatawag.

"Bakit Yuki?"

"Si... si... siiii Hercu huhuhuhu sinira niya yung regalo ko para sa christmass party tapos wala pang bukas na store ngayon at mamaya pa siguro help me insan" mangiyak ngiyak niyang sabi.

"Ito na lang oh" inabot ko sa kanya yung isang regalo ko yung snow globe.

"Sure ka ba?" Tanong niya sabay kuha nung regalo.

"Oo kaya bilis na magpreprepare ka pa sa room diba president" tinutulak ko siya papuntang school.

"Pano kung hindi si lexy ang makakabunot niyan?"

"Siya talaga kaya sige na" binigyan ko siya ng malakas na boost para mapabilis ang lakad niya.

Kumaway na siya at mabilisang tumakbo papuntang school.

Mas mabagal na akong naglalakad ngayon pero ayus lang din kasi tamang tama pagpasok ko sa building ay bilgang bumuhos ang malakas na ulan.

"AAAAHHHH!!!!" Nakita kong sumisigaw at tumatakbo papasok sa building si Yumi.

"Yumi ayus ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita mo nangang nabasa ako ng ulan malamang indi ei aachoooo~~~~"

"Ito oh panyo" iniabot ko sa kanya yung panyo ko.

"Thank you achoo~~"

Nanginginig na siya sa lamig kasi nabasa rin pati damit niya. Hindi ko na natiis ang kalagayan niya kaya binuksan ko na yung gift bag at hinila palabas yung hoodie na para kay lexy dapat.

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon