Chapter 19: WHAT GIFT?

20 4 0
                                    

Lexis' POV

Bumalik kami sa camp ni Jenovise at tamang tama ay nandun na ang bus. Agad namang nagabala akong asikasuhin ni maam tapos sila Taylor na ang nagligpit ng gamit ko.

Nang makauwi ako sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko.

My knight in dirty armor hahaha.

Goodnight Jen.

December 18

Maaga aga akong pumasok sa school. Nabago na rin ang mga decorations may mga nakasabit ng lanterns at iba't ibang mga christmass decoration bukas na kasi ang christmass party namin.

Naging maayos naman ang takbo ng klase at maaga kaming pinauwi para makaprepare na daw para bukas.

May club activities sila Taylor tapos alam ko namang magkakaissue naman kami ni Cyte pagsi Enrique ang niyaya ko kaya ay napagpasiyahan ko na si Jenovise na lamang ang kasama ko sa pagpili ng regalo.

"Jen!" Tawag ko kay jenovise

"Yup?"maikli niyang sagot.

"Pwede bang samahan mo ako sa mall pipili lang ako ng pangregalo sa christmass party natin" tanong ko sa kanya.

"Ah eh ano ei"

"Busy ka?"

"Hindi naman"

"Yun naman pala kaya tara na" hinila ko yung kamay niya pero hinila niya ito pa balik.

"May kasama na ako ei" sabi niya sabay tingin sa malayo

"Huh?"

"Sorry Lexy ha. Sige bye" malamig niyang sabi at iniwan na ako sa hallway.

Bakit ganun? Akala ko ba ano..

Sinampal sampal ko ang sarili ko.

Hindi ko namalayang tumutulo na yung luha ko.

Shit lexy ba ka umiiyak ha?! Hindi naman siya sayo diba?! Ahhhh shit ano ba tung pumapasok sa isip ko.

Hindi ibig sabihin na kapag lagi na siyang nandiyan sa tabi mo ay permanent na siya.

Syempre sino ba naman ako? Tamad tapos clumsy at hindi pa kagandahan. Alam kong may makikita ring siyang mas maganda si jenovise kesa sa akin.

Shit ano bang iniisip ko.

Magisa akong pumunta ng mall at dahil something cool ang theme ng regalo namin ay pumunta ako sa grocery banda.

Takte Lexy hindi pwedeng pagkain ang gagawin mong regalo. Umakyat na ako papuntang department store at dinala ako ng mga paako sa appliance.

Takte Lexy ang sosyal naman ng makakuha ng regalo mo kung aircon bibilhin mo. Naglakad lakad pa ako at dinala na naman ako ng paa ko sa may kitchen ware.

Takte Lexy hindi naman lahat marunong magluto ah. Pano nila magugustuhan ang regalo mo?!

Well exept na lang kong si Jen ang makakakuha.

Sinapak ko naman ang sarili ko. Umayos ka ngang babae ka.
Naglakad lakad ulit ako at dinala ako ng paa ko sa furniture section.

Takte Lexy sobra naman kung higaan yung ireregalo mo.

Well maganda naman tong foam nato bouncy siya pero di masyado tapos yung kalakihan niya ay okay lang rin. Kakasya rin kaming dalawa ni jen dito.

Fvck!! Sinapak ko ulit ang sarili ko ano bang iniisip mo lexy ha?!! Umiinit na yung mukha ko kaya ay sinapak sapak ko ang mukha ko.

"Mommy is she okay" sabi nung bata sabay turo sa akin.

"Let's go this way baby" sabi naman nung mama niya sabay tabon ng mata ng bata.

Hoy hindi ako baliw no.. well baliw sa pag ibig oo.. fvck!!

Takte lexy umayos ka nga! Sinapak ko pa ang pisnge ko. Naglakad lakad pa ako at dinala ako ng paa ko sa Men's Ware

Nahagilap ng mata ko yung navy blue na shoal kaya ay nilapitan ko to.

Ayos to ah malambot tapos hindi gaanong mahaba pang lalaki talaga. Magiging maganda at bagay to sa kanya tutal maputi naman siya kaya liliwanag lalo ang mukha niya pagsuot niya ito tapos nakakaattract rin ang color niya.

Sinampal ko ang sarili ko.

Ano ba lexy hindi lang naman si Jenovise ang pwedeng makakuha ng regalo mo diba.

Lumakad na ako paalis doon at pumunta sa section ng mga hoodie at kinuha ko yung kulay pula.

Bahala na si batman tutal pwedeng pambabae at panlalaki ang color red tapos color rin ito ng christmass.

Pumunta na ako ng counter. Ikalawa ako sa linya.

Ahhhhh sheeet bahala na!!!!

Agad akong bumalik sa men's section at kinuha yung blue na shoal na nakita ko kanina.

Kung di siya ang makakabunot ng official gift ko na hoodie ay ako mismo ang bibigay nito sa kanya bahala na kapalan na ng mukha.

Nagbayad na ako at pinabalot na agad yung dalawang regalo.

Dala dala yung regalo ay bumaba na ako. Pumasok ako ng Mcdo at nag order ng Large fries tapos mcfloat. Umupo lang ako at kumain na di kalaunan ay may nahagip ako sa labas.

Si Jenovise tapos may kasama siyang babae.

Ang ganda nung babae maputi at ang wavy pa ng buhok.

Kadate niya?!

Jowa niya?!

Agad ko namang kinuha yung dala ko at sinundan sila. Nahirapan ako kasi madaming tao sa mall. Di kalaunan ay nawala ko na sila.

Tama ba yung nakita ko?

Umuwi na lamang ako ng bahay.

"Lex oh tamang tama ang dating mo tara kain na tayo" bati sa akin ni mama pagpasok ko ng bahay.

"Kayo na lang po ni papa ma" matamlay kong sagot.

"Okay ka lang anak?"

"Okay lang po napagud lang" I faked a smile at them.

Pumunta na ako sa kwarto at naghalf bath. Matapos kong magbihis ay humiga na ako sa kama ko. Napatingin ako dun sa dala ko.

Ibibigay ko pa ba to?

Nadala na ako ng antok at pagod kayat naka tulog na ako.

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon