Chapter 17: TEST OF COURAGE

17 3 0
                                    

Lexis' POV

Maaga kaming gumising at kumain ng breakfast na prepared ng group namin. Pinayagan kami ni maam na maligo sa may ilog at may built up cr naman di kalayuan.

Lahat sila naka bikini maligo except sa akin. Nakapajama lang ako bahala na. Di naman talaga ako mahilig maligo sa labas.

Bumalik lang ako sa tent ko at natulog.

Nakagising ako ng tumunog yung siren ni maam naku oras na pala ng tanghalian. Halata sa iba na kakagaling palang nila mula sa ilog kasi nakabikini pa at basang basa habang yung iba naman ay nakapagbihis na.

Matapos namin kumain ay binigyan kami ni maam ng 1 hr na palugit para magprepare ang lahat bago ang announcement.

"Okay class para sa Test of Courage natin ay mauunang magiging ghost ang group 1 at sasabak naman ang group 2 after natin matally kung ilan ang natakot ay magsiswitch na ng task. Padamihan ito ng matatakot kaya hanggang mamayang 5 ang palugit ko para makapagprepare kayo." Announce ni maam gamit yung megaphone.

Nagsigrupo grupo na nga ang lahat at nakita naming unang pumasok sa gubat yung group 1 habang kaming group 2 ay naguusap usap at si Yuki ang naglead. Agad naman akong tumakas at bumalik sa tent ko para matulog ulit.

"Lexy hoy!! Sleeping Witch gising na!!"

Nagising ako sa tawag ni Yuki sa labas ng tent ko. Naku oras na pala? Nag ayos naman ako at lumabas na.

"Dahil 15 kayong lahat at by pair ang pagpasok niyo may isang walang ka pair. Remember sundan ang white line ito ang track ninyo" announce ni maam.

Nagbunot bunot na kami at nagulat ako sa nakita kong nakasulat sa nabunot ko.

SINGLE

what the fvckkk!!!!

"Lex okay ka lang? Pwede namang kayo na labg ni Yuki para ako na yung magisang papasok" sabi ni Jenovise habang lumalapit sa akin.

"Okay lang ako Jenovise tutal alam ko namang mga kaklase lang natin yung mananakot ei" kampanteng sagot ko sa kanya.

"Di ka iiyak?" Pangasar niya sa akin.

"Syempre hindi" siniko ko siya kaagad.

Nagsimula ng pumasok yung mga pair na members. Di kalaunan ay time ko na. Tumingin naman ako kila Yuki na last na papasok. Paglapit ko sa entrance ay may narinig agad akong sumigaw, napalunok na lang ako.

Kaya mo to lexy....

Kaya mo to.....

"BOOO!!"

"Di ka nakakatakot Marice" nakasuot siya ng puting tela.

"Sayang!" Sambit niya sabay tago ulit.

So far so good naman si Marice pa lang ang nakita ko...

Naglakad lakad pa ako....

May narinig akong kaluskos nanggagaling ito sa bush na nasa gilid ko. Nilapitan ko ito pero bila itong kumaripas patakbo kaya sinundan ko naman ito. Napatakbo ako habang tinututok yung flashlight sa hindi ko maaninag na tumatakbo.

Nacorner ko siya sa isang malaking puno. Lumapit ako at itinutok yung flashlight ko.

"AWW!!! CUTIIIEEEE!!!!" Isang rabbit lang pala.

Agad naman ito kumaripas ulit palayo.

Napalingon lingon ako sa paligid

Fvck! Asan ako!

Takte naman curiousity kills the cat talaga oh....

Nanginginig akong lumakad ulit sa direksiyon na sa tingin ko ay tinakbuhan ko..

Nanginginig na yung mga paa ko....

May naririnig akong kaluskus ulit tapos tunog ng owl tapos kung ano anong tunog pa ng gubat kaya napatakbo na lang ako kaagad di ko alam kung saan ako patutungo pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

"AAAHHHHH!!!!!!!"

Biglang gumuho yung inaapakan kong lupa. shit bangin na pala.

Patuloy akong napapadausdos pababa. Pilit ko ring ginagamit yung paa ko para mapigilan ang pag daosdus ko.

Nahinto ako sa may isang ledge at naka kapit ako sa isang malaking bato sa taas. Pagtingin ko ay sheet ang lalimmm!!!!.....

Kumapit ako sa bato....

Biglang bumuhos ang ulan....

TAKTEE!!!!! sa lahat ba naman ng panahon. Nadudulas na ang pagkahawak ko sa bato. May nakita naman akong parang kweda mga tatlong metro lang ang layo.

Pinasok ko sa bulsa ko ang flashlight tapos hinarap ang pader na lupa at patayo akong parang gumagapang palapit dun sa kweba.

Pagyuko ko sa kweba ay nadulas ang paa ko at gumuho ulit yung lupa buti na lang ay nakapasok ako kaagad sa kweba na yun.

Hindi naman siya kalakihan ni hindi nga ako makatayo sa loob nito.

Kinuha ko yung flashlight at tiningnan ang loob ng kweba. Mukha namang hindi ito lungga ng kung ano mang hayop.

Umupo ako at niyakap ang mga tuhod ko.

Anlakas ng ulan sa labas at nilalamig na ako.

Hindi ko mapigilang umiyak.

Somebody help me please.

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon