Chapter 22: NEW YEAR

25 4 0
                                    

Lexis'POV

December 31.

Magtatatlong araw na akong nagiisa sa bahay. Naaalala ko na lang tuloy kung pano ako nagkaganito.

"Pa hindi ba pwedeng maipanext year na lang yan?" Tanong ko sa kanya habang tinutulongan siyang ilagay sa sasakyan ang mga nagahe nila ni mama.

"Baby importanteng importante to at maaaring masira ang order sa companya kapaghindi namin ito puntahan agad." Hinaplos niya yung ulo ko. Hindi ko namang mapigilan ang paghikbi at pagiyak ko.

"Sasama na lang ako please" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Baby sorry hindi pa kasi dumating passport mo at wala ka ring visa" sabi ni papa

"Anak sisikapin namin ni papa mo na bumalik kaagad sa 31 okay?" Sambit ni mama habang pinupunasan ang luha ko.

"Ingat po kayo" sabay nila akong niyakap at hinalikan sa pisnge. Sumakay na sila sa sasakyan papuntang airport.

Hay naku napapaisip na lang ako na sana wala ng companya si papa sa Australia edi sana kasama ko sila mama at papa ngayon.

Hapon na ng napagdesisyonan kong magbike papuntang mall at bumili ng ewan ko anong tawag dun basta yung stick na parang fireworks ang ilaw kapag sinindihan mo ganun. Di ko maalala anong tawag dun pero yun yung laging binibili nila papa para sa akin.

Matapos naman akong makabili ay bumalik na ako sa bahay. Madilim at magaalas otso palang nang napagisipan kong ireheat yung pizza at kumain.

Lumabas ako sa may backyard namin at naupo sa damuhan. Naaalala ko yung mga panahong naglalaro kami nila papa at mama dito tuwing new year. Naghahabulan, kulitan at kilitian.

Inilabas ko yung binili ko at naghintay ng alas dose.

Nagising ako ng mga turotot at paputok ng mga tao sa subdivision. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko 11:59:49

10........

9.........

8.........

7.........

6........

5.......

4.......

3......

2......

" 1.. happy new year" natamlay kong bigkas at sinindihan ko yung binili kong stick na mala fireworks yung ilaw. Ano kasing tawag sayo?

Nangmaubos ang liwanag nito ay pumasok na ako sa  kwarto ko.

Jenovise's POV

Magaalas dose na at napagpasiyahan namin ni ate na magjoyride habang nagtotorotot. Nung napadaan kami sa bahay nila Lexy ay nahagilap ng mata ko na nasa yard nila siya pero magisa. Bumalik na kami ni ate sa bahay.

3...

2...

1....

"HAPPY NEW YEAR!!!" sinindihan na namin ang fireworks at pinagmasdan ang magagandang ilaw nito.

Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko yung nakita ko. Hindi naman pwedeng magisa lang siya diba kasi tuwing siya lang isa sa bahay nila ay pinapaalam ito sa akin ng mama niya.

"Ma may natira pa bang fireworks?" Tanong ko kay mama sabay kalkal nung mga laman ng kahon.

"Ito oh bakit?" Kinuha ko yung iniabot ni mama na kahon ng mini fireworks.

"Ma punta lang ako kila Lexy" kumaway lang ako sa kanya.

"Magiingat ka" narinig kong sabi ni mama.

Lumabas na ako ng bahay at nagbike papunta kila Lexy. Nangmarating ko ito ay parang wala talagang tao. Walang ilaw na nakasindi.

Umakyat ako sa bakod nila at pinuwesto yung fireworks sa yard nila tapos kinabitan ito ng mahabang fuse.

Inakyat ko yung balconahe ng bintana niya at kumatok. Walang sumagot kaya kumatok ako ulit. Wala paring sumagot kaya sinubukan ko itong buksan at nagulat ako kasi hindi nakalock.

Pumasok ako sa kwarto niya at nakita siyang nakaupo sa gilid ng kama.

"Hey" sambit ko habang umupo sa harap niya.

Napatumba ako sa sahig ng bigla niya akong yakapin at umiiyak na siya sa akin.

"What took you so long?"

"I ah... am.. lexy I.."

"I've been alone for days" umiyak lang siya ng umiyak.

"I'm sorry" hinaplos ko ang buhok niya at tinulungan siyang tumayo. Inalalayan ko siya patungong balkonahe at sinindihan na yung fuse.

"Lexy I~~"

"Woah" sa muli ay naudlot ang dapat kong sabihin sa kanya.

Hinyaan ko lang siyang pagmasdan ang magandang fireworks.

Siguro dapat hindi ko na lang sabihin sa kanya tutal lagi rin naman akong nawawalan ng lakas at tyansang sabihin sa kanya.

Pinagmasdan lang namin ang fireworks ng madaling umaga na iyon.

Lexy I am.....

//AN:Ano ka yung sasabihin ni Jen? ○^○¿//

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon