Chapter 8: MARKET

25 4 0
                                    

Lexis' POV

Pagkagising ko ay nanakit yung mga mata ko kasi nakabukas na yung bintana. Sheet napatalon ako sa higaan at tiningnan yung orasan ko.

Phew tama Saturday na pala. Naligo na ako at nagsuot ng pambahay.

"Ma? Pa?" Tawag ko sa kanila habang bumababa sa kusina. Pagdating ko duon ay may nakita akong sulat.

"Good morning lexy,
Sorry maaga kaming umalis ng mama mo. Alam mo namang anniversary namin ngayon ng mama mo. Ito ring mama mo ay gustong umaga pa lang magcelebrate na kami. Kaya pumunta na kami ng resort. Babalik kami monday ng umaga mag inggat ka jan anak ha"

Love Papa and Mama

"YYEEESSSS!!!!" Sigaw ko.

Agad agad akong nagbihis ng pantalon at t-shirt kinuha ko na rin walet ko. Naglakad na ako patungong Market town.

Yehey wala si mama makakain ko na rin yung mga bawal ay jowk lang hahahaha.

Tuwing weekends kasi naggrogrocery si mama so ngayon marahil ay wala ng laman yung ref kaya ako na ang maggrogrocery yehey. Good for two days lang siguro bilihin ko. Tutal yun lang kaya ng budget ko hahaha.

Pagpasok ko ng market town marami akong nadaanang mga food stall at bakery syempre dumaan daan muna ako saglit.

Hawak hawak ko yung slice ng cake na binili ko. Kakagatin ko na sana ng bigla kong makita ko si Enrique na papasok sa isang cafe kasama ang isang magandang babae.

"Magdedate siguro sila" nakilabot ako ng may magsalita sa tabi ko.

"Bat ka nandito ha? Tsaka wag ka ngang kumain ng nagsasalita" sabi ko kay Jenovise.

Wait lang tiningnan ko yung cake na hawak ko shutaa may kagat na.

"Sayo na yan bilhan mo ako ng bago!"

"Damot mo" kinuha niya yung cake tapos hinati.

"Sa akin yung may kagat na sayo yung kalahati" sabi niya sabay ngiti at inabot sa akin yung kalahati.

"At anong ginagawa mo rito ha?"

"Mamamalengke, ikaw?"

"Syempre para mamamalengke di naman ako katulad mo na.....huh? Ano sabi mo?"

"Maggogrocery ako. Ako lang kasi magisa sa bahay ei"

"Ahh hahaha okay ako rin" shuta nabablanko isip ko.

Napasilip siya sa may bintana ng cafe.

"Sarap ng kain nila oh" sabi niya kaya sumilip na rin ako.

Ang sweet nilang tingnan. Umaabot ng tenga yung ngiti nilang dalawa at mukhang ang saya nilang naguusap. Hinila ako ni Jenovise.

"San tayo pupunta?"

"Papasok tayo"

"Hoy wag ka ngang mangistorbo ng iba"

"Anong mang-iistorbo. Papasok tayo no gusto kong kumain ng crepes. Samahan mo ako"

Hinila na niya ako papasok nung cafe. Nag-order na siya at pagkatapos nang ilang minuto ay dumating na yung dalawang crepes na order niya.

"Ayaw mo bang kainin? Bigay mo na lang sa akin" sabi niya sabay akmang kukunin yung plato ko

"Loko ka ba libre to kaya kakainin ko" sinapak ko naman kamay niya.

Masarap naman yung crepes pero hindi ko lang maialis sa paningin ko sila Enrique dun sa unahan.

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon