Lexis' POV
Time flies by easily. Isang araw naglalagad lang ako sa school ngayon nakabike na. Isang araw natutulog lang ako sa klase tapos ngayon nasa moving up ceremony na ako.
"Naaalala ko tuloy yung mga tawanan natin, yung mga kulitan, yung school festival ang saya saya at nung camping trip huhu mga masasayang araw." Sambit ni Taylor.
"Ay takte gr.11 pa lang tayo kung makadrama ka akala mo graduation na!" Sambat ko sa kanya.
"Malay mo magkakahiwa hiway tayo ganun" sabi ni Taylor habang humihikbi.
"Ano na beh hindi yan may isang school year pa no" sabi ni Tyler sabay akbay kay Taylor.
"Hmn Naol may jowa" pangasar ko.
"Akala ko ba kayo na ni Jen" sabi ni Tyler
"Takte kanino mo naman nakuha yan ha?" Defensive kung tanong.
"Kay Yuki" sagot naman ni Taylor.
"Fake news ano ba" sambit ko.
Shit fake news? Bakit hindi na lang maging headline news?
Wait what?!!
Fudgeee!!!! Anong pinangsasabi ng utak ko naku!!
Naglakad na kami sa room para sa pictorial. Nagpicture picture na nga kami tapos nag official class pic na.
"Yuki, Lexy pwede niyo bang ipaprint sa library ang picture natin at make sure na lahat ay may makuha na copy" sabi ni maam mitch.
"Sige po maam" sabay namin sagot ni Yuki.
Bitbit ang camera ay pumunta na kami ni Yuki sa library.
"Ilang copies ba?" tanong nung librarian.
"29 copies po" malungkot na sagot ni Yuki.
"Bakit Yuki ayaw mo ba ng copy ng picture?" Tanong ko sa kanya. Bat parang ang gloomy niya ngayon?
"Syempre gusto ko" halata pa rin yung lungkot sa boses at sa itsura niya kahit na ngumiti siya sa akin.
"Eih bat 29?"
"Kasi 29 lang yung nasa picture"
Huh? 29 lang yung nasa picture? Tamang tama ay may natapos ng isang copy ng picture.
"Pwede ko po bang tingnan?" Tanong ko sa librarian.
Tumango lamang siya kaya kinuha ko na yung unang copy. Binilang ko ang mga nasa picytre tama naman ah 30 naman lahat.
"30 naman lahat tayo ah........"
Napahinto ako.
Why does this picture seems empty to me?
Bakit parang hindi ako masaya sa nakikita ko. 30 nga yung nasa picture. 30 faces but it seems like their expression feels empty to me.
29 students plus si maam mitch equals 30 faces.
Sumakit yung dibdib ko.
Bakit hindi ko kaagad napansin.
Wala si Jenovise sa picture.
"Yu-yuki na sa-saan si Jenovise?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi mo alam? Akala ko pa naman nasabi na niya sa iyo." Nagtataka niyang sagot.
"Ang alin? Sabihin ang ano?" Niyuyogyog ko na siya.
"Lex aalis na siya. Titira na siya sa papa niya sa States para diretso na sa college na pupuntahan niya" sagit niya
"Huh?" Bumilis ang tibok ng puso ko. No its not too late.
Iniwan ko siya sa library at tumakbo palabas ng school kinuha ko yung bike ko at mabilis na nagpedal papuntang bahay nila drake.
Hingal na hingal akong nakaabot sa kanila. Agad ko namang pinindot ang doorbell. Di kalaunan ay lumabas ang mama niya.
"Si Jenovise tita?"
"Iha naihatid na namin sa airport"
Sumakay ako ulit sa bike at nagpedal ulit patungong airport. Hindi ito kalayuan pero pataas ang daan kasi nasa may mataas na part ng community ang airport dito. Buong lakas kong pinedal ang bike papuntang airport.
Please don't leave me.
Atleast not yet please.
Ipinarada ko ang bike at pumasok sa loob. Ang daming tao. Hindi ko alam saan ko siya hahanapin. Paano kung nakasakay na siya?
Jen nasaan ka na?
Jenovise's POV
Masakit man sa kalooban kong hindi magpaalam sa kanila pero mas okay na to less drama.
Mula nung makabalik ako galing sa Camping trip ay nakatanggap ako ng letter mula sa college na inaapplyan ko sa States.
Tuwang tuwa ako ng mabasang tanggap na ako. Matagal ko ng pangarap na makapasok sa universidad na ito para maging isang mabuting doktor.
Pinatuloy ko ang pagbasa at unti unting sumakit ang dibdib ko. Tatanggapin nila ako pero dapat pagsenior year or gr.12 ko ay duon na ako aaral.
Akala ko pwede ko pang kasama si Lexy ng isa pang taon pero hindi na pala. Kailangan ko ring pumunta kaagad para maayos ang documents ko.
Sabi ni papa na bago pa man magapril ay kailangan ko ng pumunta. Sa bawat oras na kasama ko si Lexy sinusubukan kong sulitin ang mga panahong iyon.
Ilang beses ko ring sinubukan na ipaalam sa kanya pero ayaw ata ni tadhana na gawin ko yun kasi lagi na lang itong hindi natutuloy.
I love you....
But.......
Lexy I am leaving....
BINABASA MO ANG
A Lazy Princess [COMPLETED]
Ficção Adolescente"Nah you'll just get lazy waiting for me" A tale of a girl who likes to sleep in her classes. A cry baby since a child. A scaredy-cat. Though she still manages to be on top of her class. And catch an unexpected lover. Join Lexis as she slowly uncove...