Chapter 5: HIS PAST ISN'T A MYSTERY

52 4 0
                                    

*Lexis' POV*

Napatingin na lamang ako sa may bintana habang sinisikap na alalahanin ang nakaraan

------Flashback------

Masaya akong nakikipaglaro sa mga kaibigan ko sa playground salit salitan kami sa slide tapos paunahan kami sa monkey bar.

Tapos nun naghahabulan na kami ako naman tung si tanga ay bigla bigla na lamang nadapa. Nasadsad ko yung tuhod ko sa lupa kaya nasugat ito.

"Waaahhhhh Mommy masakit! Huhuhu" sigaw ko para malapitan ako ni mama na kanina pa nakikipag tsismisan sa ibang mga misis.

Hindi man lang binantayan yung anak niya kaya nadapa huhuhu kawawa talaga ako dati.

"Masakit ba baby?.. Asan? Blow ni Mommy" syempre naman ma masakit tapos bata pa ako this time.

"Opo.. sa Tuhod oh .. see" tinuro ko sa kanya yung gasgas sa tuhod ko.

"Mommy blows the pain and catches it in her palm~

Throws it away and hush baby calm~

I'll wipe your tears and kiss your head~

I'll stay by your side till you go to bed~"

Sa kantang iyon ay napatahan ni mama ang iyaking si ako.

Nginitian ko si mama tapos nilagyan niya ng band aid yung tuhod ko. Nakipaglaro ulit ako sa mga kaibigan ko.

Maya maya pa ay si tangang ako ai nasa loob na ng mini forest na katabi lang ng play ground. So ayon umiyak na naman ako.

Napapalapit na ang gabi kaya dumidilim na rin ang paligid. Hindi ko alam kong saan ako pupunta dahil takot ako na baka mas lalo pa akong mapalayo kay mama.

"Hahahahahahaha" narinig ko ang tawa ng isang batang lalaki na papalapit sa akin. "Yan kasi ang tanga mo di ka tumitingin san ka tumatakbo" dagdag niya.

Nung narinig ko yung sinabi niya ay kumunot ang nuo ko at mas lumakas yung iyak ko.

Nawawala na nga ako sa mini forest tapos aawayin pa ako ng palaaway na batang to.

Tawa lang siya ng tawa at dumidila pa siya sa akin. Napapahawak na rin siya sa tiyan niya sa sobrang tawa.

Nanlumo ako lalo dahil sa pinanggagawa niya kaya't buong lakas kong ibinuhos ang mga luha ko at umiyak ng malakas halos mawalan na nga ako ng boses ei.

"Lexy! Lexy!" Nahagip ng tenga ko ang sigaw ni mama.

Hindi nagtagal at dahil nga inaaway ako nitong batang lalaking to ay mas lumakas pa ang pagiyak ko kaya't natuntun na ni mama ang kinaroroonan ko.

Niyakap niya ako nung natagpuan na niya ako. Niyakap ko naman siya ulit.

"It's okay now baby somebody found you for mommy and your safe now" hinaplos haplos niya yung ulo kaya't natahan na ako.

Sabay kaming bumalik ng playground at nakita ko ulit yung batang lalaki. Lalapitan ko na sana siya kaso tinapunan niya yung medyas ng yaya niya ng alikabok kaya madumi na ito tingnan.

Tinawanan niya yung yaya niya pero sa halip na magalit ay kinomfort pa siya ng yaya niya.

Ewan ko kung bata pa ako matalino na agad ako o sadyang tanga lang.

Lumapit ako sa kanya at binatukan siya sa ulo.

"Magsorry ka nga" sabi ko sa kanya.

"Ayoko nga" sagot naman nung bata sabay pout.

"Magsorry ka sabi ei" nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang ko.

"Ei ikaw nga di ka nagthank you sa akin ei ako kaya nagsave sayo dun sa forest.. iyakin" sagot niya sabay pout ulit. Nashock naman yung batang ako.

"Thank you" sabi nung batang ako sabay hawak sa kamay nung lalaki. Napatunganga naman siya.

"Kaya magsorry kana" dugtong ko.

"Yoko" binatukan ko siya uli sa ulo.

Yung yaya niya naman ay nagpapanic na kung anong gagawin magagalit ba sa akin kasi inaaway ko tong lalaking to o matutuwa kasi first time na may kumausap sa lalaking to.

"Pagdi ka nagsorry iiyak ako ng malakas sige ka"

"Yoko iyakin ka lang"

"Waaahhhh mamahh!!!" Sigaw ko na ikinagulat ni mama at lumapit sa akin.

"Bakit lexy?"

"Ayaw niya magsorry ei"

"Huh?" Nagtatakang sagot ni mama.

Binatukan ko uli sa ulo yung lalaki na siyang ikinagulat ni mama at nung yaya.

"Sorry na tita pero sinadya ko po ei sorry na po"

"Sa susunod wag mo ng ulitin ha" hinaplos niya yung ulo nung lalaki at nagka ayos na silang dalawa.

Paalis na kami ni mama kasi sinundo na kami ni papa.

Napalingon yung batang ako sa batang lalaking iyun

"Babay!!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Babay!!" At nagsikawayan kaming dalawa

Ang cute... ko syempre ako yan nung bata ako.

"Laru tayo bukas ha!!" Sigaw ko.

"Saan banda?" Pasigaw na tanong nung bata.

"Kung san may umiiyak duon" sabi ko sabay ngiti.

"Lexy, lexy,lexy tarana" Niyuyugyog ni mama braso ko.

"Hoy Lexis gumising ka nga jan!"

Inimulat ko ang mga mata ko at nakita ang pagmumukha ni Taylor.

"Naku di ka talaga natututo ng matino ei no gising na" narinig kong sabi ni Tyler.

Sheet nakatulog ulit ako.

Mah gahd. Akala ko day dream lang yun. Dream pala talaga.

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon