Chapter 18: SEARCH AND RESCUE

20 3 0
                                    

Jenovise's POV

Hindi ko nakitang lumabas sa exit si Lexy kagabi kasi bigla na lamang umulan ng malakas.

Matapos naming magbreakfast ay pinaligpit na ni maan ang mga gamit namin para handa na kami pagdumating na ang bus

Umabot na lang ng lunch ay di ko pa din nakikita si Lexy. Imposible namang hindi kumain yung babaeng iyun.

Pumunta ako sa may tent niya at na kita ko ang anino niya. Nakaupo lang siya.

"Lex si Jenovise to buksan mo nga" bigkas ko.

Di siya umimik ni di man lang gumalaw. Nakakairitang babaeng to ayaw sumagot. Natakot ba to kagabi?

"Lexyy!!" Sigaw ko.

Di parin siya sumasagot.

"Bahala ka jan papasok na ako ha"

Tinaas ko yung zipper ng tent niya at nagulat ako ng makitang wala siya sa loob. Anino lang pala ng gamit niya yung nakita ko kanina.

Agad naman akong pumunta kay Yuki at tinanong siya kung nakita ba niya si Lexy pero wala raw. Tinanong ko din si Taylor at Tyler pero wala din.

Where are you Lexy?!

Agad naman akong pumunta kay maam mitch.

"Ano yun jen?" Nagaabalang tanong niya.

"Maam si lexy po nawawala" hinihingal na ako. Mabilis na rin ang tinok ng puso ko.

Where are you?

"Huh?! Sure ka dali abot mo sa akin yang megaphone" laking gulat ni maam.

Agad ko namang inabot kay maam yung megaphone.

"Attention Students sino ba sa inyo ang huling nakakita kay lexy?" Sigaw ni maam na siyang kinakiliri ng tenga ko dahil sa lakas.

Walang sumagot. Mga ilang segundo pa ay tumaas na ng kamay si Marice.

"Hindi ko sure pero parang ako ang huling nakakita sa kanya. Tinakot ko siya kagabi sa Test of Courage ei" sabi niya sabay hawak ng kamay niyang nanginginig.

Agad akong tumakbo pabalik sa tent ko buti na lang at handa ako lagi.

Hinanap ko yung tali at spray can na dala ko at tumakbo na sa gubat hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa akin. Wala akong pake pero hindi niyo ako mapipigilan hahanapin ko siya.

I'm the one who found her first in the forest before this time won't be any different.

Sinundan ko yung path ng test of courage at sa isang punto ay nakita ko ang maputik na puting panyo ni Lexy.

Sa unahan ay may mga nasirang bush kaya sinundan ko ito habang nilalagyan ng marka ang mga nadadaan ko ng spray para hindi din ako mawala.

Baka siguro may hinahabol siya base sa pagkasira ng mga tanim. Baka naman ay siya yung hinahabol?

Hindi,  hindi si Lexy yun kahit takot yun alam kong kung hinabol man siya ay tatakbo siya sa direksiyon ng camp.

Sinundan ko pa ang mga tracks ng sirang tanim at umabot ako sa isang puno.

"SHIIT!!! LEXYY!!!!LEXY!!!!" Sigaw ako ng sigaw.

Walang sumagot wala rin akong tracks na nakikita pa. Umikot ako sa malaking puno at nabulasot ang paa ko.

Huh? Butas?

Nung inangat ko ang paa ko ay napatumba ako ng biglang may lumuksong rabbit sa akin.

A Lazy Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon