This man really knows how to make my heart melt.
- ZirieThird Person Pov
Dumating sina Alyssa at Ashton dahil nalaman nilang nasa Hospital si Zirie.
"Anong nangyari kay Zirie?" nag alaalang tanong ni Aly sa kanila habang hinihintay pa nila ang sasabihin ng doctor.
"Nakita nalang po siya namin na nakahandusay sa sahig, may Laslas siya malapit sa kanyang pulso at may sugat din siya sa kanyang Ulo" sagot ni Lena sa kanila.
"Bakit kaya andun si Zi?" tanong ni Logan sa kanila. "Bakit?" nag alaalang tanong ni Aly.
"Nakita po kasi namin siya sa pinakadulong room ng second floor" sagot ni Liam.
"I saw her with Mr. Principal and Ms. Gonzales kaninang Umaga" sabi ni Ardie.
"Dad, call them. Sabihin mong Pumunta sa Headquarters" walang emosyong sabi ni Gray kaya sinunod naman ito ni Ash.
--
Nandito sila ngayon sa Headquarters habang tahimik lang ang mga teachers Pati narin ang principal."Sino ang nagpapunta kay Ms. Taylor sa Room na yun?" tanong ni Ashton sa mga teachers habang si Gray naman ay pinipigilan lamang ang sarili.
"Sumagot kayo!! Sino?!" sigaw ni Gray sa kanila na ikinagulat nila.
"Gray!" suway ni Ash sa kanya.
"A-ako, n-nakita ko kasi siyang sinasabunutan niya si Ms. Smith" nanginginig na sagot ni Ms. Taylor.
"Bakit niyo siya kinulong dun?!" sabi ni Gray at akmang lalapitan niya na si Ms. Gonzales, pinigilan siya ni Ash.
"Ahm, Mr. Lee hindi siya namin kinulong doon. Sinunod lang naman namin ang rules natin dito sa school na kapag may sinaktan kang estudyante, papalinisin ka ng isang room." paliwanag ng Principal.
Sapilitang kumalas si Gray.
"Oras na may mangyaring masama sa kanya, especially you. Ipapasisanti kita" sabi ni Gray sabay turo kay Ms. Gonzales na kanina pa nanginginig.
Agad namang lumabas si Gray at Pumunta sa CCTV room."Gray, you need to see this" sabi ni Jasper kaya lumapit siya at Tinignan ang CCTV footage. Nakita niyang si Ava ang may kagagawan nito kaya mas umusok pa ang kanyang ilong at mas tumindi pa ang kanyang galit.
"Fuck that bitch!" mura ni Gray. "Have a plan?" tanong ni Lucas sa kanya.
"Ring-ring" tunog ng phone ni Gray kaya kinuha niya ito at sinagot.
Mom: stable na ang kalagayan ni Zi, anak.
Gray: Ok mom, babalik na kami.
Mom: Sige anak, mag iingat kayo.At ibinaba na ang phone.
"We need to go back, tawagin niyo na si Dad" sabi ni Gray at agad naman nila itong sinunod.
"That Fucking Bitch" sabi ni Gray sa kanyang sarili. 'Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya' yan ang sumasagi sa isipan ni Gray.
Zirie's Pov
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito kami ngayon sa bahay, masaya kaming dalawa ni Gray habang kumakain kami nang biglang may kumatok. "Ako na" sabi niya sakin kaya napangiti ako, patuloy parin kaming kumakain. Bakit kaya ang tagal niya?"Gray" tawag ko sa kanya habang Naglalakad ako papuntang pinto. Nagulat ako nang biglang umiba ang paligid at Nandito kami ngayon sa likod ng bahay, sa bahay na kinakatakutan ko.
BINABASA MO ANG
Foul Play Between Love: The Reckless Boss
Romance#2 Lee Series "Alam mo gusto kitang pakasalan yun ngalang ang sungit mo kasi" sabi ng batang babae sa batang lalaki. Pano nga ba mainlove ang isang halimaw--este lalaki? Badboy? Have you heard of that? Hmm, sila yung mga lalaking maraming babae na...