Zirie's Pov
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito ako sa tapat ng isang malaking bahay, nakakatakot ito at madilim. Pumasok ako at may nakita akong isang malaking ipis sa pintuan gusto kong lumayo pero pilit akong kumakalas dahil parang may nakatali sakin. Pumasok ako sa isang silid at may mga boses akong naririnig, boses ng batang lalaki na sumisigaw.Umuupo ako ngayon sa isang upuan habang nakagapos parin.
"Tok tok tok tok" tunog ng sapatos ng isang babae na papalapit sa silid, gusto kong kumawala ngunit hindi ko magawa dahil sa higpit na paggapos sakin. Biglang bumukas ang pinto, Tanging tunog lang ng sapatos ng babae ang naririnig ko.
Lumapit siya, nakakatakot ang kanyang mukha. Mas Lumapit pa siya samin at may dala siyang laso na kulay pula at meron itong maliliit na tinik at iginapos niya ito sa paa ng batang lalaki kaya napasigaw ito.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko.
"Zirie" paulit-ulit niyang bulong sakin, bumibigat ang mga hininga ko dahil sa takot. Akmang hahalikan niya ako sa pisngi nang biglang...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~"Hey are you ok?" tanong niya sakin, nakaupo siya sa tabi ko habang hinahawakan ang kamay ko.
Hingal na Hingal parin ako at tila wala ako sa sarili bigla akong Umupo at sapilitan ko siyang inilapit sakin at niyakap ko siya ng mahigpit. Ipinatong ko ang baba ko sa kanyang balikat at dun ko na ibinuhos ang nararamdaman ko.
"Hey baby Nandito lang ako ok?" sabi niya sakin, mas hinigpitan niya ang kanyang pagkayakap sakin at hinagkan niya ang noo ko.
Hanggang sa naghanda na kaming dalawa ng almusal. Habang kumakain kami.
"Ayos ka na?" tanong niya sakin kaya tumango ako. Nagbihis na ako para makapunta na kami ng school hanggang sa ready nadin siya.
Biglang nagring ang kanyang phone kaya isinagot niya ito at niloud speak ito.
Mom: Gray, oh kamusta si Zi?
Gray: Ayos lang siya at tsaka hindi ko siya ginahasa.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi, may pagka manyak pala tong mokong na to. Sarap batukan eh! Pati nanay niya sinisigawan niya, pasalamat nga siya at meron siyang nanay na katulad ni mama.
Mom: Liche ka talagang bata ka! Manang mana ka Talaga sa ama mo! (Hey watch your mouth Mrs. Lee - si Papa)
Gray: Mom can you please give the phone to Asul.
Ash: Oh, susunduin ba kita diyan?
Gray: No don't worry I can handle, kaya ko naman at tsaka ako na ang bahala sa babaeng to.
Ash: mukhang may ba--Hindi ko na narinig ang sasabihin ni papa ng biglang niya in-off ang loud speak.
"Siraulo Talaga tong lalaking to" bulong ko sa sarili ko at Naupo ako sa sofa. Hanggang sa nakasakay na kami ng kotse.
Nang makarating na kami ng school, nauna siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagkababa namin agad na bumungad samin ang mga estudyanteng nagbubulungan. Agad namang lumapit si Akeia samin.
"Ate, kayo na ba ni Kuya?" tanong niya sakin kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Oo kami na" nabigla ako nang bigla siyang sumagot.
"Sipain kaya kita diyan" mataray kong sabi sa kanya kaya natawa siya, nabigla ako nang hinapit niya ang bewang ko.
"Wag ka ng mag inarte, hindi ka naman makakawala." sabi niya sakin kaya naglakad kami patungo sa room habang ang mga estudyante naman ay nakitingin samin.
"Bro, grabe ka Talaga!" sabi ni jasper.
"Grabe ka naman gray, akin sana yan eh" sabi ni Lucas.
![](https://img.wattpad.com/cover/218377343-288-k627787.jpg)
BINABASA MO ANG
Foul Play Between Love: The Reckless Boss
Romance#2 Lee Series "Alam mo gusto kitang pakasalan yun ngalang ang sungit mo kasi" sabi ng batang babae sa batang lalaki. Pano nga ba mainlove ang isang halimaw--este lalaki? Badboy? Have you heard of that? Hmm, sila yung mga lalaking maraming babae na...