Falling in love is like owning something, it can be stolen but still, you can retrieve it.
- ZirieZirie's Pov
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito ako sa bahay namin ni Gray, masaya kaming naglalambigan."Zi, mamasyal naman tayo" sabi niya sakin kaya tumango ako. Pumunta kami ng kotse hanggang sa nakarating kami sa isang Parke, sa Parke kung saan nasira ang buhay ko.
"Gray, bakit tayo Nandito?" tanong ko sa kanya ngunit nginitian niya lang ako. Nakita ko sa Ava na lumapit samin at nakita Kong hinalikan niya si Gray, hindi ko maintidihan kung bakit hindi ko maikilos ang sarili ko.
"Zi, let me Explain. Hinalikan niya ako ngunit hindi ko ginusto iyon" sabi niya sakin at naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.
Tumakbo ako papalayo sa kanya ngunit nakita kong may mga dumukot sa kanya.
"Gray!" buong lakas na sigaw ko habang papatakbo ako pabalik sa kanya.
"Mahal na mahal kita" sabi niya at tinutukan siya ng Baril ng mga lalaki, gusto ko silang pigilan ngunit bakit hindi ko sila mapigilan.
"I love you My Zirie" sabi niya at nagulat ako nang biglang.
"BANG!" tunog ng Baril...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~"GRAY!!" sigaw ko habang hingal na hingal ako.
"Zi, ayos kalang?!" nag aalalang tanong ni Lena sakin at niyakap ko siya. Doon ko na ibinuhos ang lahat ng emosyong sumasamo sa kalooban ko.
"Zi, sundin mo kung ano ang tinitibok ng puso mo. Baka pagsisisihan mo ang magiging desisyon mo, isipin mo ng mabuti kung magiging masaya ka ba sa magiging desisyon mo" sabi niya sakin kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
"Alam ko Zi, kitang kita ko na mahal mo parin siya. Patawarin mo na siya, isang pagkakamali lang naman iyon." sabi niya sakin habang patuloy parin akong humihikbi.
"Sige na magbihis na tayo para mapuntahan na natin siya." sabi niya at agad naman akong kumilos.
"Oh hija, tulungan na kita. Alam kong para kay Gray yan, mahal mo nga Talaga siya" sabi ni tita na nakangiti.
"Ayos lang po tita, tsaka po Salamat po Talaga tita ah" sabi ko sa kanya.
"Zi, Ano kaba. Hindi mo na kailangan pang magpasalamat, basta kapag wala kang matutuluyan punta kalang dito" sabi ni tita kaya napangiti ako.
Nandito na kami ngayon sa School 6:30 palang, sinadya Talaga namin na maaga pa kami Pumunta dito para lang makita ko si Gray.
"Zi" bungad ni Lucas samin at napangita ako ng halikan niya si Lena. Naalala ko tuloy si Gray, miss na miss na miss ko na siya.
"Zi, wag ka ng umiyak. Magkakaayos din kayo" sabi ni Lena kaya pinahid ko ang mga luha ko.
"Ayun siya sa Headquarters nagmumukmok, nalasing nga yan kagabi. Nakipag-away nga sa bar, Pati waiter natanggalan ng trabaho dahil sa kanya" sabi niya kaya nagkasalubong ang mga kilay ko.
"Walanghiya talaga ang lalaking yun" sabi ko at agad na naglakat para puntahan siya sa Headquarters.
Pagkapasok ko nakita ko silang tahimik may kanya-kanyang ginagawa.
"Private room" senyas ni Jasper sakin. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang may hawak na bote habang nakayuko.
"Hoy Lalake! Ano nanaman ang ginawa mong kagaguhan sa bar?!" sigaw ko sa kanya at nakita ko siyang ngumisi.

BINABASA MO ANG
Foul Play Between Love: The Reckless Boss
Romance#2 Lee Series "Alam mo gusto kitang pakasalan yun ngalang ang sungit mo kasi" sabi ng batang babae sa batang lalaki. Pano nga ba mainlove ang isang halimaw--este lalaki? Badboy? Have you heard of that? Hmm, sila yung mga lalaking maraming babae na...