Chapter 39: Part 2

112 3 0
                                    

Zirie's Pov

Inihain na namin ang niluto naming mga pagkain sa Mesa, Umupo na kaming lahat at Nagsimulang kumain. Naupo ako sa tabi ni Gray, nang matapos na kami.

"Oh siya, pasok na muna ako sa kwarto ko at makikinig pa ako sa radyo ko" sabi ni manang sabay tayo hanggang sa nakapasok na ito.

"Magcampfire na lang kaya tayo?" tanong ni Stella samin.

"Oo nga may marshmallow din naman ako dito" sabi ni Kira sabay punta sa loob upang kunin ang sinasabi niya.

Pumunta na kaming lahat sa labas, madilim na kalangitan, malamig na simoy ng hangin, tunog ng kuwago. May nakita kaming mga kahoy na nakatumba at doon kami Umupo, Umupo ako sa tabi ni Gray. Tigda-dalawa sa isang kahoy.

Gumawa sila ng bonfire sa gitna at Nagsimula na kaming mag init ng aming sariling mga marshmallow. Hinawakan ni Gray ang mga kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako at napangiti.

"Iwan ko muna kayo ah, may kukunin lang ako" paalam ni Klyde sa amin at tumayo siya.

"Teka sandali, sasama ako. Baka kasi langgamin pa ako dito." sabi ni Timothy at sumunod siya kay Klyde.

"I love you" sabi niya habang iniinit ko parin ang marshmallow. Ganun din ang ginagawa nila at nakita kong napatingin sila samin.

"I love you too" sagot ko pabalik sa kanya, hinalikan niya ako ng mabilis sa labi kaya napangiti ako.

"Edi Wow! Kayo na!" sabi ni Stella kaya kinuha ko ang isang marshmallow mula sa plastic at binato ko ito sa kanya.

"Halikan mo kaya yan baka sakaling maging Tahimik yan kahit konti lang." sabi ko sa kay Logan at nakita ko naman na inismiran niya ito.

"Ayoko nga, she's not even my type. Ni wala nga siyang boobs para siyang lalaki. Pero kung gusto niya talaga, I can give her what she wants." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ni Stella.

"Kala mo pogi ka?! Mukha mo!! Oo crush kita pero wag kang ganyan! Assuming! And for your info kahit na maliit ang boobs ko, maganda parin ako!" page-debate ni Stella, sakit naman magsalita ng lalaking to.

"Grabe talaga kayong mga lalaki no? Katawan lang ang habol" singit ni Kira kaya naptingin ng seryoso si Liam sa kanya.

"Not all, si Logan lang. Di tulad namin ni Gray, iisa lang ang babaeng mamahalin namin habang buhay. Diba Gray?" sabi ni Liam kaya napangisi si Gray.

"Wag ka ng magpakipot Logan, ibahin mo na ang style mo. Luma na yan" sabi ni Gray.

Tama naman siya, Ganyan lang talaga kasi si Logan kapag gusto niya ang babae. Hayst, sana nga magiging loyal na si Gray ko. Baka mamaya niyan may kahalikan nanamang babae, lalong Lalo na yung Bitch na yun.

"Anong iniisip mo?" nabali ang pag iisip ko nang bigla siyang nagsalita.

"Ah wala, Naisip ko lang kung bakit ang tagal nung dalawa. San na kaya yung mga yun?" pagsisinungaling ko sa kanya, medyo halata niya talaga kung nagsisinungaling ang isang tao.

Ang galing niya sa pagraramdam ng ekspresyon at iniisip ng isang tao. Ganun nga talaga siya siguro. Ako naman minsan lang, Kapag inlove ang isang tao.

Nang makarating na ang dalawa, may dala silang kaha ng beer sa can. Tumingin ako kay gray kaya napatingin din siya sakin.

"Fine, papayag ako. Basta isa lang" sabi niya sakin kaya napanguso ako.

"Basta hanggang tatlo lang ang iinumin mo" sabi ko sa kanya kaya hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Yes boss" sabi niya na nakangiti kaya napangiti ako, napakagat labi ako nang maramdaman ko ang pag init ng pisngi ko.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon