Chapter 40: Going Home

134 3 0
                                    

Zirie's Pov

Pagkagising ko laking gulat ko nang makita kong may maliit na Mesa sa harap ko. Merong itlog, chorizo, fried rice at tsaka tuyo at may kasamang kape. Nandito siya sa harap ko nakangiting nakatingin sakin.

"It's for you, don't worry about me" sabi niya habang nakatitig sakin.

Sinumulan ko ng kainin ang lahat ng ginawa niya, oo masarap. Masarap kasi siyang magluto, oo simpleng bagay lang ito ngunit ang sarap sarap sa pakiramdam. Sinubuan ko siya, nung una ayaw niya pa ngunit kinain naman. Nang matapos na kami, niligpit ko ito.

"Oh guys, magsi-ayos na kayo. Aalis na tayo mamaya" sabi ni Klyde.

"Nakakabitin" malungkot na sabi ni Stella.

"Pwedi naman kayong Pumunta dito paminsan-minsan." sabi ni Manang kaya napangiti kaming lahat.

"Salamat talaga manang ah, babalik kami dito. Mag iingat ka rito palagi" malambing na pagpapasalamat ni Kira kaya napangiti si Manang.

Nagsimula na kaming mag ayos at mag impake hanggang sa natapos na kami. Sumakay na kami ng sasakyan at ganun padin ang posisyon namin. Nakita kong nakatingin siya sakin, ayan nanaman tayo sa mga tinginan na yan eh.

"Mamaya na tayo mag uusap ok, ganito nalang may pupuntahan tayo." sabi ko sa kanya kaya napakunot noo siya.

Ito lang talaga ang tanging choice ko upang maalala niya ang mga naburang alaala sa kanyang isipan. Nagsibabaan na ang mga kasama namin at tanging kaming dalawa nalang ang natira.

"Ahm Klyde sa bahay ko nalang." sabi ko kay Klyde hanggang sa nakarating na kami.

Nakita kong sinusuri niya ang bawat paligid, alam kong may mga naaalala siya. Ganun parin kasi ang itsura ng bahay Simula nung mahospital ako.

"Nakapunta na ba ako dito dati?" tanong niya habang nakakunot noo.

Pumasok na kami nilapag ko muna ang mga dala namin sa sala. Patuloy parin siya sa pagsusuri ng bahay na tila ba'y may inaalala siya. Pumasok siya sa kwarto ko kaya sinundan ko siya, kinuha niya ang sketchbook ko at tinignan ang bawat nakadrawing.

"Who Drew this?" tanong niya habang hinahaplos ito.

"Ikaw ang gumawa niyan, ginawa mo yan nung time na makikipagbati ka sakin." paliwanag ko sa kanya.

Nakakunot parin ang kanyang noo, alam kong naaalala niya yun.

"The girl that I always saw in my dreams, is that Y-you?" nakakunot noo niyang tanong sakin.

"Ano bang napapanaginipan mo?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Palagi kong napapanaginipan na may isang babaeng umiiyak, hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa kanya. Isa lang ang tiyak ko, espesyal siya sakin" nakakunot noo niyang sabi, napabuntong hininga ako dahil sa mga sinabi niya.

"Kalimutan mo na yun. Kahit kailan Hinding-hindi ako magagalit sayo dahil mahal na mahal kita. Ikaw lang ang Tanging mamahalin ko habang buhay, kahit na asarin mo pa ako araw-araw ayos lang." sabi ko sa kanya, nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

"Zirie, kung ano man ang nagawa ko sayo noon. Please patawarin mo ako, patawarin mo ako." paulit-ulit na sabi niya, ibinuhos niya ang lahat ng emosyon.

Ang sakit-sakit sa pakiramdam na makita mong umiiyak ang minamahal mo, kahit kailan hindi ko pinagsisisihan na minahal ko siya. Hinding-hindi ko pagsisisihan na Dumating siya sa buhay ko.

"Tahan na mahal ko, hindi mo kailangan magpatawad. Wala kang kasalanan Gray, wala" pagpapatahan ko sa kanya, niyakap niya ako ng mahigpit at mas ibinuhos pa ang emosyon niya.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon