Zirie's Pov
Muling bumalik si Akeia sa amin at Umupo siya sa upuan.
"Oh anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya dahil tila hingal na hingal siya.
"A-ano kasi si Kuya, nakakabuwisit siya" Sabi ni Akeia habang nahihingal parin kaya inabot ko sa kanya ang isang bote ng tubig.
"Balik nalang tayo sa sasabihin mo kanina" Sabi ni Celestine kay Akeia.
"Si Kuya kasi, palagi nalang mainipin, masungit. Hindi naman Talaga siya ganyan dati, oo masungit siya pero mas malala yung ngayon. Nagsimula lang namang magkaganyan si Kuya nang ma--" hindi nanaman natuloy ni Akeia ang kanyang sasabihin nang biglang may sumulpot.
"Hi Zi, can we talk in private" pakiusap ni Dylan sakin.
"Bakit ano ba ang pag uusapan niyo" tanong ni Cassidy sa kanya.
"Zi, please" pagmamakaawa niya. Akmang sasagot na ako nang biglang sumulpot ang The BADS.
"Oh, long time no see Gray." sabi ni Dylan sa kanya habang nakangisi. Ibinaling ni Dylan sakin ang kanyang tingin at Muling nagsalita.
"Zi, pwede ba tayong mag usap" tanong ulit ni Dylan.
"Ah, sorry pero wala ako sa mood" walang ganang sagot ko kay Dylan.
"Zi, please" pakiusap niya. Ngayon lang siya naging ganito at bakit niya ako gustong makausap?
"She said no!" nagulat ako nang bigla may sumigaw.
"Wag kang makialam dito!" sigaw ni Dylan sa kanya.
Tumayo ako para pigilan silang dalawa.
"Ano ba?! Tumigil nga kayong dalawa!! Para kayong mga bata! Hindi ba kayo nahihiya?!" sigaw ko sa kanila habang pinipigilan silang dalawa.
"Bukas nalang tayo mag usap, may gago kasing sumulpot" Sabi ni Dylan na nakangisi habang siya naman ay gustong kumawala sa pagkakapigil sa kanya hanggang sa tuluyang umalis na si Dylan.
"Ano bang problema mo?!" naiinis king tanong ko sa kanya, sapilitan niyang kinuha ang kanyang mga kamay mula sa pagkakapigil ng kanyang mga kasama.
"Let's go" alok niya sa mga kasama niya. Akmang Tata likod na siya...
"Hoy! Sagutin mo ko! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya nilapitan ko siya, hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan siya kaya napaharap siya sakin.
Nabigla ako nang bigla niya akong hinalikan kaya nanlaki ang mga mata ko. Nilagay niya ang kanyang kamay sa pisngi ko, singkit ang mata, tisoy, refined ang jawline, ang tangos ng kanyang ilong at higit sa lahat, ang lambot ng kanyang labi.
Nang magising ako sa realidad, bigla ko siyang itinulak at sinampal kaya napahawak siya sa kanyang pisngi.
"Wag na wag kang makikipag usap sa kanya" Sabi niya at tuluyan ng umalis.
Tulala akong napaupo habang hinahawakan ang aking labi. First ko kaya yun, oo malambot ang kanyang labi pero sino bang gago ang bigla nalang manghahalik kahit na hindi niya pa kilala ang hinalikan niya, syempre siya lang.
"Alam mo ate, may gusto lang yung gagong yun sayo" panunukso ni Akeia kaya napanguso ako.
"Eh siraulo pala yang Kuya mo eh!" Sabi ko sa kanya kaya napatawa siya.
"Alam mo ate, bagay kayo" Sabi ni Celestine kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Anong bagay?! Eh kayo nga ni Isaac eh." Sabi ko sa kanya kaya napanguso siya. May gusto kasi siya kay isaac, may itsura din naman ito. Syempre anak kaya sila ng 1st generation ng the bads, Ano pang i-eexpect mo?
![](https://img.wattpad.com/cover/218377343-288-k627787.jpg)
BINABASA MO ANG
Foul Play Between Love: The Reckless Boss
Romance#2 Lee Series "Alam mo gusto kitang pakasalan yun ngalang ang sungit mo kasi" sabi ng batang babae sa batang lalaki. Pano nga ba mainlove ang isang halimaw--este lalaki? Badboy? Have you heard of that? Hmm, sila yung mga lalaking maraming babae na...