Zirie's Pov
First day ko sa trabaho, andun din daw si Liam kaya mabuti at may kasama ako, business management kasi ang kinuha niyang course kaya isa siya sa naging empleyado ni Papa. Si Selena naman ay nagtatrabaho kay Akeia, isa siya sa naging designer nito.
Maaga akong nagising, hayst parang bumalik lang ako sa dating buhay ko. Kinuha ko ang picture frame, picture ito ni Gray. Hinalikan ko ito.
"Goodmorning my Handsome, first day ko ngayon." sabi ko. Kinuha ko ang phone ko at tinext ko siya.
Me: Goodmorning handsome, sana Mabasa mo ito. First day ko sa trabaho ko kaya maaga akong Nagising❣️
Araw-araw ko siyang tinitext, sabi naman daw ni Lucas maayos naman daw siya. Sana kausapin niya na ako, siguro nabigla lang siya sa sarili niya nung araw na Muntik niya na akong nakuha ng tuluyan.
Agad akong bumangon mula sa higaan ko, diniligan ko ang mga halaman at nagsimula ng magluto ng almusal ko. Nagbihis na ako, kinuha ko ang isang longsleeve na kulay green, pencil skirt na kulay black at tsaka heels. Isinuot ko ito, naglagay ako ng pulbo, konting blush at tsaka lip tint. Itinali ko ang buhok ko paitaas para naman malinis tignan. Kinuha ko na ang bag ko at Pumunta na ng sasakyan.
"Zirie Mikaela Allistair Taylor, kaya mo to. Wag kang kabahan dahil magmumukha kang tanga kapag magkataon, Sayang lang ng outfit mo. Be confident, just be yourself and you need to listen carefully. First day mo to kaya gawin mo ang best mo" sabi ko sa sarili ko.
Nagsimula na akong magmaneho hanggang sa nakarating na ako sa Fortune A's Jewelry Company.
Fortune A's Jewelry Company
Ang laki nga naman, Malamang building nga. Pagkapasok ko agad na bumungad ang isang guard kaya kinuha ko ang ID ko at sinuot ko ito. Chineck niya ito at pumasok na ako.
"Goodmorning Ms. Taylor, I'm one of the Directors here and I assume that you are his secretary." sabi ng isang Magandang babae sakin.
Maputi siya, bilog ang mata, tangos ang ilong at manipis na labi. Siguro mga ka edad lang ito nina mama at papa.
"Yes, ma'am. I am his secretary" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Follow me" sabi niya at sinundan ko siya. Pumunta kami sa elevator hanggang sa nakarating kami sa pupuntahan namin.
Pumasok kami sa isang room.
"Goodmorning Mr. Chairman, your secretary is here." sabi nito kay papa.
"Goodmorning Mr. Chairman" bati ko kay papa sabay yuko.
"You may leave" utos niya at agad namang umalis ito.
"Welcome to My Company Zirie" sabi niya kaya napangiti ako.
"I need you to write down some notes for today" sabi niya kaya agad kong kinuha ang isang maliit na notebook at Pen mula sa bag ko.
"I will give the reminders that you need to Do everyday. Ito ang una mong pupuntahan everyday, you need to be here before 7 am, you need to make sure kung may mga meetings ako, magiging kasama kita palagi kahit na meeting or any events na related sa kompanya, Your salary will be given per week at 6 ang magiging uwi mo palagi. Here are the meetings that I will attend for today: First meeting with Mr. Chua, second meeting with Mr. Roberts, third meeting with my board and lastly a meeting with you." sabi ni papa at mabuti nalang at mabilis akong magsulat.
Hirap nga naman pala maging secretary, Jusko sana maging successful tong first day ko. Agad na tumayo si Papa.
"We need to go now and I need you to take down notes." sabi ni papa at Pumunta na sa labas. Grabe naman talaga si Papa, ang serious eh. Sumakay kami sa sasakyan hanggang sa nakarating na kami sa pupuntahan namin.
Pumasok kami sa isang Restaurant, pinuntahan namin ang isang lalaki. Umupo ako sa tabi ni Papa.
"This is Ms. Taylor, my secretary" pagpapakilala ni papa sakin sa kanyang ka meeting.
"Nice to meet you Ms. Taylor" sabi niya at nagkamay kaming dalawa. Nagsimula na silang mag meeting, pinag uusapan nila kung ano ang ire-release nilang bagong project hanggang sa natapos na ito.
Muli nanaman kaming sumakay sa kotse at pumunta sa isa nanamang restaurant, pwedi namang isang restaurant lang ang pagmeetingan o di kaya sabay nalang, daming paandar eh. Umupo kami sa lamesa at gaya kanina pinakilala niya rin ako. Ang production naman ang pinag usapan nila, heto ako notebook tsaka ballpen parin ang hawak. Hanggang sa natapos narin ang meeting.
Bumalik kami sa Building, agad na sumalubong ang mga empleyado niya at pumasok kami sa isang office kung saan maraming nakatipon, ito na siguro ang meeting niya with board. Tumayo siya sa gitna habang ako naman ay naiwan malapit sa pinto, ang lahat ng atensyon ay nasa kanya.
"I'd like you to meet Ms. Taylor, my secretary. I hope na all of you will treat her well at ayokong makarinig ng gulo." maawtoridad niya sabi sa mga ito kaya napabaling sila ng tingin sakin kaya ngumiti ako at yumuko.
Nagsimula na siyang magdiscuss tungkol sa bagong project at production, grabe nga naman talaga si papa. Naaalala ko tuloy si--Gray. Miss na miss ko na talaga siya, araw-araw, gabi-gabi palagi siyang nasa puso't isipan ko. Namimiss ko ang mga kwentuhan namin, tawanan, tuksuan. Sana naman Maranasan ko yun ulit.
Bigla akong Nagising sa realidad.
"This is the end of our meeting, you may take your break" sabi niya ito at pumunta siya malapit sakin.
"You can have your lunch, Zirie. Pero bago yan sumama ka sakin" sabi niya kaya sinundan ko siya. Pumunta kami sa isang room kung saan may limang tao.
"I'd like you to meet Ms. Taylor, my secretary" pagpapakilala ni papa.
"Maiwan na kita Zirie" Sabi ni papa kaya tumango ako hanggang sa tuluyan na siyang umalis.
"Hi, ako nga pala si Stella. Isa akong employee dito" pagpapakilala niya sakin.
"Cyrus" pagpapakilala niya.
"Ako naman si Klyde" sabi nung isa.
"Timothy" sabi naman ng isa.
"Hi ako si Kira, Ano nga ulit ang pangalan mo? Nakalimutan ko kasi. Hehe" nahihiyang sabi niya kaya napangiti ako.
"Ako nga pala si Zirie, pwedi niyo naman akong tawaging Zi" sabi ko sa kanila hanggang sa napagpasyahan naming kumain sa labas. Habang naglalakad kami papunta sa pupuntahan namin biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito.
Me: Hello Liam?
Liam: San ka? Sabay na tayong maglunch.
Me: ahm, andito kami naglalakad papunta ng resto. Punta ka na din dito.
Liam: Sige-sige see you nalang.At ibinaba ko na ang phone ko.
"Boyfriend mo?" tanong ni Stella sakin.
"Hindi, kaibigan ko lang" sabi ko sa kanya.
"Hmm, kaibigan. May boyfriend ka na ba?" tanong niya ulit sakin kaya natigilan ako.
"Alam mo, gutom na ako. Order na tayo" pag iiba ko ng topic para malusutan ko lang ang tanong niya.
Habang nakaupo kami at inaantay ang among order nang biglang Dumating na siya.
"Liam upo Kana, ah guys si Liam nga pala kaibigan ko" pagpapakilala ko sa kanila. Kinamayan niya ang mga ito hanggang sa si Kira na ang Susunod, napansin kong malagkit ang pagtinginan nilang dalawa.
"Alam mo Liam, dito kana maupo" sabi ko sa kanya kaya tumayo rin siya.
"Wag ka ng magpakipot alam kong na love at first sight ka kay Kira" bulong ko sa kanya. Masaya kaming nagkwentuhan hanggang sa ayun, nagkamabutihan ang lahat.
--
"You did a great Job Zi" sabi ni Papa sakin kaya napangiti ako, Nandito kasi kami ngayon sa office niya."Thank you Mr. Chairman" sabi ko sa kanya.
"Zi, wag mo na akong tawaging Mr. Chairman. Tuwing nasa labas lang tayo" sabi ni papa kaya napatango ako.
"Pwedi ka ng umuwi, ipapahatid na kita--" hindi po na hinyaang ituloy ni papa ang kanyang sasabihin.
"Wag na pa, kaya ko na" sabi ko sa kanya, nagpaalam na ako at tuluyan ng umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/218377343-288-k627787.jpg)
BINABASA MO ANG
Foul Play Between Love: The Reckless Boss
Romance#2 Lee Series "Alam mo gusto kitang pakasalan yun ngalang ang sungit mo kasi" sabi ng batang babae sa batang lalaki. Pano nga ba mainlove ang isang halimaw--este lalaki? Badboy? Have you heard of that? Hmm, sila yung mga lalaking maraming babae na...