Chapter 49: Happy Ending?

216 2 2
                                    

Zirie's Pov

Ilang taon na rin ang lumipas, nagkaroon kaming dalawang anak. Isang babae at isang lalaki, lalaki ang panganay ko.

Gisli Azure Lee ang panganay ko, manang mana kay Gray ang kanyang mukha. Minsan na nga silang mapagkamalang tatlo nina Ardie na magkapatid. Masunurin na bata, masungit, magaling sa school at higit sa lahat eh mapagmahal. 7 years old palang si Gisli ngunit magaling na siya sa anumang subject kagaya ng daddy niya, palagi silang nagbabasketball.

Solana Gypsy Lee ang bunso ko, malamang sakin nagmana ang itsura ngunit mas kahawig niya ang Auntie niyang maganda. Kamukhang-kamukha niya ang litrato ni Akeia nung maliit pa siya. Mommy's girl, makulit, madaldal, syempre masungit din katulad ng daddy nila, medyo matigas ang ulo pagdating sa pag aaral kumbaga tamad siya pagdating sa school. Nakuha niya din ang pagiging palaban ng mommy niya, sinabi kasi ng teacher niya na sinipa niya daw yung junior ng kaklase niyang sinabihan siya ng sexy. Si Solana naman 5 years old, 2 years ang gap nilang dalawa ni Gisli.

Nabali ang pag iisip ko nang biglang Lumapit si Solana sakin.

"Mommy! Mommy! I want this dress, I told Auntie scarlet to buy this for me" nakangiting Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Gypsy, Wait how did you do that?!" gulat kong tanong sa kanya.

"I called her" sabi niya sabay hagikgik.

Napabuntong hininga ako, talagang nagmana talaga ang ugali ni Solana sa daddy niya. Binuhat ko siya at inupo sa kandungan ko.

"Anak, you can't buy all the things that you want all the time. Kailangan ng limitasyon ok? Mahirap maghanap ng pera." paliwanag ko sa kanya.

"Sowey mommy" sabi niya sakin kaya kinurot ko ang pisngi niya.

"Halika anak, maghahanda tayo ng meryenda para kay daddy at kay Kuya" sabi ko sa kanya kaya napangiti siya ng malapad.

Nagsimula kaming maganda ni Gypsy ng meryenda para sa mag ama ko. Nang matapos na namin ito dinala namin ito sa likod ng bahay kung saan naglalaro ng basketball ang dalawa.

"Go anak! Galing galing naman ni Kuya." sigaw ko habang pinapanood ang mag-ama ko.

"Gypsy is proud Kuya! Daddy! Daddy! Make mommy proud!" sigaw ni Gypsy habang buhat buhat ko siya.

Sing edad ni Gisli si Gypsy nang magsimula siyang matutong magbasket.

Nang matapos silang maglaro, Lumapit sila samin. Pinunasan ko ang pawis ni Gisli. Napatingin ako kay Gray dahil hinubad niya ang kanyang damit pang-itaas. Gosh, mukhang mas lumaki pa ang katawan niya. Mas gwumapo nga siya ngayon. Bumaba ang tingin ko papunta sa Abs niya kaya napalunok ako.

"Dad, I think mom is drooling already" sabi ni Gisli kaya napabalik ako sa realidad.

"Why? But Dad is not food." sabi ni Solana.

"Because dad is mom's favorite dessert, right wifey?" tanong niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Can I eat daddy too?" tanong ni Gypsy kaya natawa si Gray habang ako naman ay abala sa paghahanda ng meryenda namin.

"Si mommy lang ang pwedeng kumain sakin, princess. And I can eat mommy too?" sabi niya at nagulat kami nang biglang umiyak si Gypsy.

"What's wrong princess?" nag-aalalang tanong ni Gisli sabay yakap sa kapatid niya.

"Why daddy eat mommy? If daddy eat mommy, mommy will be gone" sabi ni Gypsy habang umiiyak.

"No princess, hindi mawawala si mommy. Mommy is enjoying everytime I eat her, she was screaming too baby" sabi niya sabay tingin sakin kaya binato ko siya ng tuwalya.

"Mommy scream?" tanong ni Gypsy.

"Kapag talaga matuto ang mga anak mo ng mga ganyan magagalit talaga ako!" pagpapaalala ko sa kanya.

"Mommy do you know what sex is?" biglang tanong ni Gisli kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Sige Gray, Ayan na. Natuto na ang anak mo! Gisli, San mo natutunan yan?!" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

"I heard it from daddy, Tito Logan and tito Ardie. Sabi daw nila you should do it everyday" sagot niya kaya napasabunot ako sa sarili ko.

"Just don't said it again. Ok?" sabi ko sa kanya.

Senenyasan ko si Gray na 'Papatayin talaga kita!' ngunit ngumisi lang siya.

"Is sex bad mommy?" tanong ni Gypsy.

"Gypsy, enough. Don't say it again ok? Daddy will get mad if you said that again" malumanay na suway ni Gray sa kanya.

"Sowey mommy, Sowey daddy" malambing na sabi ni Gypsy sabay yakap sakin at niyakap niya din si Gray.

Habang masaya kaming kumakain nang biglang tumunog ang doorbell. Pumunta ako sa pinto at binuksan ko ito.

"Hi Ate, ito na ang mga damit ng mga pamangkin ko." sabi niya habang hawak-hawak ang box.

"Thank you Akeia, pasensya kana kay Gypsy ah" sabi ko sa kanya.

"Don't be Ate, natutuwa nga ako dahil medyo nagmana sakin si Gypsy." sabi niya kaya natawa kaming dalawa.

"Auntie! Auntie!" sigaw niya habang papunta siya samin.

Yumuko si Akeia upang halikan siya sa pisngi ni Gypsy at binuhat niya ito. Pumunta kami sa likod ng bahay.

"Hey Kuya, just visiting the Little Angels." sabi ni Akeia sabay beso sa pisngi ng Kuya niya.

"Hey Auntie" Bati ni Gisli sa kanya sabay beso.

Inilapag ni Akeia ang box sa mesa at binuksan ito. Tumambad ang dalawang dress na kulay rainbow at parang may mga butuin na kumikislap, isang malaki at isang maliit.

"This is for your mommy, and this is for you little angel" sabi ni Akeia sabay abot ng mga ito.

"Thank you Auntie, wobyou!" sabi niya Kay Akeia kaya napangiti ito.

Hindi pa kasi magaling si Gypsy magpronounce ng ibang salita kaya imbes na love you, wobyou ang sinasabi jmnuya.

Kinuha niya ang nga natitira pa sa loob, apat na jersey na may nakataktak na team Lee sa likod. Inabot niya ito sa amin. May kinuha siya ulit, dalawang maliliit na sapatos. Isang sandals at isang basketball shoes.

"Woah! You're so cool Auntie!" natutuwang sabi ni Gisli kay Akeia.

"Thank you Bratty" sabi ni Gray kaya tinignan ko siya ng masama.

"You're welcome, Reckless" sabi ni Akeia pabalik habang nakangisi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hindi ko man nakamit ang hustisyang hinahanap ko, nakita ko naman ang magiging kasiyahan ko pang habang buhay. Wag kang matakot na harapin ang pagsubok, ang kailangan mo lang ay ang magpakatatag at wag mangamba. Maging masaya ka at maging kontento sa mga bagay. Palaging magdasal, sundin ang puso at maging palaban katulad ko. Ako si Zirie Mikaela Allistair Taylor na nagpapatunay na ang pagiging matatag ay isa sa mga susi sa lahat ng pagsubok.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*****The End*****

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon