Chapter 30: His House

120 2 0
                                    

Hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka kahit na gawin mo pa akong secretary na Yaya at driver. Kahit ano, gagawin ko basta para sayo.
- Zirie

Zirie's Pov

Kakagising ko lang at agad akong bumangon.

"Hayst, itetext ko pa ba siya? Baka nagpalit na siya ng Simcard, eh ano naman kung nagpalit siya ng Sim". Tinext ko siya at ito ang Tinext ko sa kanya.

Me: Walanghiya ka talaga Gray, secretary na nga ako ginawa mo pa akong Yaya at Driver. Pasalamat ka at mahal kita, kung hindi baka tinapon na kita ng kape.

Eh kasi nakakainis! Nagsimula na akong mag-ayos. Kinuha ko ang simple white laced long sleeve ko, pencil skirt na black, Black ankle strap heels, at isang designer bag. Palaging ganito na talaga ang suot ko, eh secretary. Puro na nga pencil skirt at long sleeve ang laman ng aparador ko.

Naglagay ako ng konting Powder, blush, lipstick at maskara. Nabigla ako nang biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito. Hala si Gray, hindi pa rin siya pala nagpalit ng number.

Me: Goodmorning Mr. Chairman, wag kayong mainip papunta na po ako.
Gray: So you mean, hindi mo kaya ang trabaho mo? And you're saying na mahal mo ako?
Me: Ano po? Medyo choppy po kayo, papunta na po ako. Bye Mr. Chairman see you.

Buti nalang at naisipan Ko yun, buti nalang at nalusutan ko. Ang problema ko naman ngayon eh susunduin ko siya, malamang matatanong yun. Pumunta na ako sa kotse

"Go with the flow kana lang Zirie, kapag magsungit sapakin mo nalang" sabi ko sa sarili ko at nagsimula na akong magmaneho.

Nang makarating na ako, pinark ko muna ang sasakyan. Laki nga naman ng bahay niya, hindi parin nagbago ang Gray ko. Mahilig parin siya sa mga tanim at maaliwalas na lugar. Pumunta ako sa tapat ng pinto, bukas ito kaya pumasok na lamang ako.

Inilibot ko ang pananaw ko, maraming tanim ang nakapaligid. May nakita akong coffee maker kaya pinuntahan ko ito, sinubukan kong gumawa ng kape at ayun Nakagawa ako. Nilagay ko muna ito, at pinuntahan ko ang mga halaman. Kumuha ako ng isang cup at nilagyan ko ito ng tubig.

Napangiti ako ng makita kong may tanim siyang Lavender tulips. Diniligan ko ito

"Simula ngayon, araw-araw na kayong madidiligan" sabi ko napatingin ako sa mga paang nakita ko at tinignan ko ito kung sino.

"Goodmorning Mr. Chairman, bukas kasi ang pinto mo kaya pumasok nalang ako" sabi ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako. Naka tuwalya lang siya, napakagat labi ako nang mapunta ang tingin ko sa abs niya.

"Here's a coffee for you" sabi ko sa kanya sabay abot nito. Ininum niya ito, at kitang kita ko ang paggalaw ng Adam's Apple niya kaya napalunok ako.

Nang maubos niya na ito, nilagay niya ito sa gilid. Lumapit siya sakin kaya napaatras ako, sinakop niya ang labi ko kaya napasagot ako sa mga halik niya, naramdaman ko ang pagnginig ng tuhod ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.

Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napaungol ako.

"Bihisan mo ako" bulong niya habang nakangisi. Napatalikod ako at palihim na napangiti, bibigay din naman pala. Pumunta siya sa closet niya kaya sinundan ko siya.

"ikaw na ang magpapabihis sakin palagi, ikaw rin ang mamimili ng susuotin ko araw araw." sabi niya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinubad ang tuwalya niya kaya Napatalikod ako.

"Wag kang mag alala naka boxer ako, ok lang naman kung titignan mo ako." sabi niya sakin ngunit hindi ko siya tinignan, nagsimula na akong pumili ng damit.

Kumuha ako ng isang whole set na suit, watch at shoes niya.

"Here's your attire for today Mr. Chairman" sabi ko sa kanya sabay abot ng mga iyon at nakita kong napangiti siya.

"Simula ngayon, dito ka na magsti-stay. Napakuha ko na lahat ng mga gamit, mamaya Ilalagay na nila lahat ng yun dito." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko, ay agad-agad! Masyadong excited eh!

"By the way, pano mo nakuha ang number ko? Nabasa ko rin ang mga text mo." sabi niya sakin, liche akala ko nakalimutan niya na yun. Nanatili nalang akong tahimik.

"Have we met before? Nagkarelasyon ba tayo? Or what" tanong niya sakin.

"Hindi na mahalaga yun" maikling sagot ko.

"Just tell me, ex ba kita or what? Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip ko sayo kagabi. And I want to now kung nagkakilala na ba tayo dati" sabi niya habang nagbibihis siya hanggang sa natapos na siya, humarap siya sakin.

Nakita kong Mali ang pagkakalagay niya ng cravat niya kaya nilapitan ko siya. Inayos ko ito.

"Dati kasi, habang nasa grocery store tayo naholdap ka kaya ayun hinabol ko ang kidnapper at ayun nakuha ko ang gamit mo hanggang sa naging kaibigan kita." pagsisinungaling ko sa kanya.

"I don't think that's true" sabi niya at Muli nanamang sinakop ang labi ko. Tumungo ang mga kamay ko sa batok niya habang ang kamay niya naman ay nasa bewang ko.

"Have we kissed before?" tanong niya.

"No" maikling sagot ko.

"I know that you're lying, I can see it on your eyes" sabi niya habang tinititigan ang mata ko.

"Do you love me?" tanong niya at naramdaman ko ang pag ilis ng tibok ng puso ko.

"No" maikling sagot ko.

"Wrong answer, I can see that your pupils become larger. So it means your inlove with me" sabi niya sakin kaya napakagat labi ako.

"I love you" sabi niya kaya napangiti ako.

"I love you too Mr. Chairman" sabi ko pabalik sa kanya.

Muli nanaman niyang sinakop ang labi ko, namiss ko to, namiss ko ang amoy niya, ang boses niya. Lahat, namiss ko sa kanya.

"Mr. Chairman, you're going to be late" pagpapaalala ko sa kanya.

"Let's go?" alok niya sakin kaya lumabas na kami ng bahay niya.

"Hi Gray" rinig kong boses ng isang pamilyar na babae.

"Ava?" tanong ko sa kanya. Bakit siya Nandito?

"Oh Ava, meet my Secretary. This is Zirie. Zirie, this is Ava a friend of mine" sabi niya at napilitan kaming magkamayan.

"Oh so you didn't inform me na nagdadala kana pala ng basura dito sa pamamamahay mo?" sabi ni lukaret kaya napangisi ako.

"Oh, are you referring to yourself, Ms. Smith?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"How dare you!" sigaw niya at akmang sasabunutan niya na ako ngunit nahuli ko ang kamay niya at itinulak ko siya ng malakas.

"Be professional Ms. Smith. Don't you have manners?" tanong ko sa kanya at nilapitan ko siya ng konti.

"Don't you ever lay a hand on me if you still want to have those filthy hands of yours" pagpapatuloy ko.

Akmang sasabunutan niya nanaman ako nang biglang nagsalita si Gray.

"Enough Ava! if you touch her again. I. WILL. KILL YOU" mariin na sabi ni Gray kaya napangisi ako.

"Let's go Mr. Chairman baka malate na po kayo" sabi ko sa kanya.

"Bye motherfvcker" senyas ko sa kanya sabay lipad ng gitnang daliri ko, natawa ako nang makita ko ang itsura niya kaya mahina akong natawa.

"Sorry about that" sabi niya habang papasok kami ng kotse.

"It's ok Mr. Chairman. SANAY na talaga ako sa mga ganyang klaseng mga tao" sabi ko at linagyan ko Talaga ng diin ang word na 'Sanay'. Nakakainis, ang aga-aga panira eh.

"Feisty" rinig kong sambit niya kaya napangiti ako.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon