Chapter 27: Good Job

117 1 0
                                    

Zirie's Pov

Mabilis na lumipas ang araw, mabuti naman at hindi masyadong malupit si Papa. Kakagising ko lang at medyo maaga pa, ngayon kasi ire-release ang production namin at ayun magkakaroon ng celebration dahil naging success ito.

"Goodmorning Self" bati ko sa sarili ko. Kinuha ko ang phone ko at tinext nanaman si Gray.

Me: Gray, miss na miss na kita. Alam mo bang mabuti ang Performance ko dito? Wag kang mag alala maayos lang ako dito, ingatan mo lang ang sarili mo palagi. I love you❣️

Walang araw na hindi ko siya naaalala, miss na miss ko na siya. Namimiis ko na ang mga halik niya, namimiss ko na ang ngiti niya, ang kakulitan niya, ang amoy niya lahat sa kanya. Namimiss ko na ang dating magkasama kami, yung tipong kakagising mo lang pero kumpleto na agad ang araw mo. Sana Bumalik ang araw na yun, wag kalang mawalan ng pag asa Ms. Taylor. Babalik si Mr. Handsome...

Nabali ang pag iisip ko nang biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito.

Me: Goodmorning Mr. Chairman.
Papa: goodmorning, I need my Secretary to look Elegant. Big event kaya kailangan Maayos ang lahat.
Me: Noted Mr. Chairman.
Papa: See you at the Event.

At ibinaba ko na ang phone ko, mas naging close kami ni papa ng mga nakaraan araw. Sinasabi niyang proud daw siya sakin, na ang swerte niya daw dahil hindi siya nagkamali sa pagpili sakin.

Pumunta na ako sa closet ko at nagsimulang pumili ng Damit na susuotin ko. Kailangang kong maging elegante. Kinuha ko ang isang Elbow bishop na long sleeve na kulay white at below the knee na floral skirt, black na Ankle strap heels at vintage bag na binigay ni mama sakin.

Dahil sa trabaho ko, umiba rin ang lifestyle ko, naging healthy ako at ngayon may pakialam na ako pagdating sa damit ko. Di kagaya ng dati, oversized t-shirt at trousers lang ok na. Pero ngayon heto, naka skirt tsaka naka heels na. Buti ngalang at Mabilis  akong nasanay magheels.

Itinali ko na ang buhok ko pa itaas at pumunta na ng kotse. Nasanay na akong 6 palang andun na ako, kaya heto magsi-six palang pero papunta na ako. Nang makarating na ako agad kong pinakita ang ID ko, pumasok na ako sa elevator hanggang sa nakarating na ako.

"Goodmorning Zi" bati sakin ni Klyde.

"Goodmorning din sayo Klyde" sabi ko sa kanya. Pumasok ako sa loob ng office namin at gumawa ako ng coffee, oo Simula nung second day ko ako na ang gumagawa ng kape para kay papa at tsaka syempre ako din ang nag o-organize ng office Niya.

"Bango ah. Para sakin ba yan?" bungad ni Timothy.

"Hindi no, para kay Mr. Chairman kaya to" sagot ko sa kanya.

"Swerte naman ni Mr. Chairman, ang Ganda-Ganda ng gumagawa ng coffee niya araw-araw" sabi niya sakin.

"Nambola ka pa" sambit ko at tumungo na ako sa office ni Papa.

Pagkapasok ko, inilagay ko ang kape sa table at inayos ko ang lahat. Naglinis na din ako at inorganize ko ang mga papers sa mesa niya. Ang Ganda nga naman ng jewelry na ire-release nila, ang dami ng na release na mga jewelry ang kompanyang ito. Tinignan ko ang mga litrato at nakita ko ang litrato ni lola, siya pala ang dating Chairman, yung isa naman picture ni Mama. Dati rin siyang naging Chairman at ngayon naman si Papa.

Mahirap nga siguro maging Chairman no? Grabe talaga sina mama at papa, dalawa silang Chairman Kaya idol na idol ko sila eh. Sabagay maging secretary nga ang hirap, maging Chairman pa kaya. Nagulantang ako nang biglang bumukas ang Pinto.

"Pinapahanap ka daw ni Mr. Chairman. Pumunta ka na raw sa baba" sabi ni Kira sakin.

Bumaba na ako at agad na bumungad ang maraming taong naka abang. Pumunta ako kay papa.

"Mr. Chairman" bati ko sa kanya.

"Oh, I'd like you to meet my loyal secretary. This is Ms. Zirie Taylor" pagpapakilala ni Papa sakin. Pumunta na ako sa mga upuan dahil magsta-start na daw ang launching ng product. Maraming camera ang nakatutok sa stage at marami ring taong nag aabang sa ire-release ng kompanyang ito.

"Goodmorning Everyone, I'd like you to know that The Fortune A's Jewelry Company will be releasing our new precious jewelries." sabi ni papa sa stage at may ipinakita silang mga pictures ng jewelries.

Ang Ganda nga naman ang pagkagawa ng necklace, malamang maganda, maganda din kasi price nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang Ganda nga naman ang pagkagawa ng necklace, malamang maganda, maganda din kasi price nito. 'Selame Aqua', Ito ang ipinangalan nila sa kwintas nato. It is made up of selenite- purification, Amethyst- higher wisdom, And Aquamarine- Empowerment. Kailangan kasi, kapag gagawa sila ng bagong product kailangan yung magagandang details. Syempre para dumami ang buyers.

--
Nandito kami ngayon sa office namin kasama ko si papa at kakatapos lang ng event.

"Good Job team" sabi ni Papa sa kanila kaya nagpapalakpakan ang mga ito.

"Thank you for all the efforts na binigay ninyo, dahil Don magkakaroon tayo ng konting salu-Salo sa bahay namin." sabi ni papa kaya agad silang nagligpit ng kani-kanilang gamit.

"Zirie, in my office" sabi ni papa kaya sumunod ako sa kanya hanggang sa nakarating na kami.

"Congratulations Mr. Chairman" sabi ko sa kanya kaya ngumiti siya.

"By the way Zirie, magkakaroon tayo ng dinner sa bahay. Sabay na tayo" sabi ni papa kaya niligpit ko muna ang office niya.

"Swerte ko Talaga sa Secretary ko, you're such a workaholic." sabi ni papa Kaya nginitian ko nalang siya.

"Let's go?" tanong ni papa at sumakay na kami sa Van kasama ang sina Stella. Katabi ko si Kira.

"Zi, boyfriend mo ba si Liam?" nahihiyang tanong niya sakin.

"Ano ka ba, hindi noh. M-may mahal na kasi akong iba" sagot ko sa kanya at naaalala ko naman si Gray.

"Ganun ba, akala ko kasi eh" sabi niya.

"Alam ko" sabi ko ka sa kanya at nakita kong nagtaka siya.

"Alam mo ang alin?" tanong niya sakin.

"Alam kong may gusto ka kay Liam, wag ka ng mag deny tutulungan kita" sabi ko sa kanya kaya napayuko siya. Hayst, Ilang beses na akong napagkamalang girlfriend ng isang lalaki ngunit hindi naman. Biglang nagring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

Me: Hello Lucas? Kamusta na?
Lucas: Maayos naman ako Zi. By the way, papunta kaming the Bads sa bahay niyo.
Me: Ha?! Talaga?! Miss na miss ko na kayo
Lucas: hahaha miss na miss ka na rin namin Zi, wag kang mag alala kasama ko si Lena.
Me: Mabuti naman at nakatyempo siya. By the way, kamusta na si Gray? May balita ka na ba sa kanya?
Lucas: maayos naman daw siya, workaholic din siya kagaya mo.
Me: Thank you talaga sa pagbalita ah, see you mamaya.

At ibinaba ko na ang tawag. Mabuti naman at pupunta din ang the Bads, hayst namiss ko din sila.

"Boyfriend mo ba yung Gray?" nabali ang pag iisip ko nang biglang nagsalita si Kira.

"Ah ano, hindi. Kaibigan lang" sagot ko sa kanya. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay namin.

"Hala, ang laki-laki ng bahay niyo Mr. Chairman" natutuwang sabi ni Stella. Pumasok na kami sa bahay at agad na bumungad si mama.

"Hi ma, namiss kita" sabi ko kay mama sabay yakap.

"Pasok kayo" sabi ni mama kaya pumasok din sila.

"San si Akeia ma, baka mamaya niyan ubuhin dahil sa pawis niya" sabi ko sa kanya.

"Ah andun sa taas, busy sa paggawa ng project niya." sabi ni mama.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon