Chapter 46: The Past Recall

126 2 0
                                    

Third Person's Pov

Nang makarating sila sa Hospital agad na rumesponde ang mga nurse upang papuntahin sa loob.

Napahugulgol si Gray dahil sa nangyayari ngayon.

"Ilang beses na, Ilang beses na. Hindi dapat siya pinaparusahan ng ganito! Wala siyang kasalanan, ako ang dapat parusahan. Kung hindi sana ako naging duwag, nabuhay sana ang ama niya. Kasalanan mo to!" sumbat ni Gray sa sarili niya habang pinagsusuntok ito.

Biglang tumunog ang phone ni Gray kaya sinagot niya ito.

Mom: Hello Gray? Ano daw ang nangyari kay Zirie?! Nasaan kayo?! Pupuntahan kayo namin.
Gray: I can't take it anymore mom, it's to much. I want to die.
Mom: Gray wag na wag mong gagawin yan, magpapakasal pa kayo anak. Hintayin mo kami pupunta kami.

At ibinaba na ang tawag. Kinuha ni Gray ang isang maliit na box mula sa kanyang bulsa. Binuksan niya ito kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Isang napakaganda at kumikinang na singsing.

"Zirie, mahal na mahal kita. Kung sakali mang magising ka at maaalala mo ang lahat, tatanggapin ko ang lahat ng sumbat mo sakin. Wag mo lang sana akong iwan." sabi niya sabay halik sa diyamante ng singsing.

Dumating na sina Alyssa at Ashton kasama si Akeia.

"Anong nangyari kay ate Zirie?!" pasigaw na bungad ni Akeia kay Gray.

"Akeia, enough. Nakikita mong nagluluksa ang Kuya mo, Hayaan mo muna siya" maawtoridad na sabi ni Ashton.

"Ano nga ba talaga ang nangyari kay Zirie?" biglang tanong ni Ashton.

Nanlaki ang mga mata ni Akeia at nagkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Seriously dad?!" sigaw ni Akeia.

"Ano ba kayo! Magsitigil nga kayo! Ganito na nga ang sitwsyon natin tapos magkakaganyan pa kayo!" humahagulgol na sabi ni Alyssa sa kanila.

"Sana nga maalala na ni Ate Zirie ang lahat! Mas mabuti ng makuha siya ng iba kaysa ikaw ang mahalin niya!" sigaw ni Akeia.

Nabigla ang lahat nang biglang sinampal ni Gray ng buong pwersa si Akeia.

"How dare you to say that to me!!" galit na sigaw ni Gray.

Agad na Lumapit si Alyssa at si Ashton sa kanila, sinuntok ni Ashton si Gray ng malakas dahilan para mapahawak siya sa pisngi niya.

"Yan siguro ang dahilan kung bakit nadidisgrasya si Ate Zi, nang dahil sayo Kuya! Hindi mo alam na kinakarma ka na! Don't be a Reckless dahil hindi ikaw ang pinaparusahan sa lahat ng mga ginagawa mo!!" mariing sabi ni Akeia habang pinapahid ang mga luha niya.

"Tama na!! Ano ba!!" buong pwersang sigaw ni Alyssa at bigla siyang nanghina at bumagsak sa sahig.

Dali-dali nilang binuhat ito at dinala sa isang private room.

"Kasalanan mo to!!" sigaw ni Akeia habang umiiyak.

"That's enough!!" galit na sigaw ni Ashton.

--
"Pwede na niyo na pong Bisitahin ang patient, wala naman pong injury o problems sa kanyang vitals." sabi ng doctor at wala sa oras na tumungo si Gray sa loob.

Napahagulgol si Gray nang makita niya si Zirie.

"Hindi dapat siya ang pinaparusahan!" sabi ni Gray habang yakap-yakap si Zirie.

Zirie's Pov

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Narito ako ngayon sa isang Parke, tuwang-tuwa ako dahil pinagbigyan ako ni Papa na Pumunta dito. Pumunta ako sa isang bench kung saan may isang batang nakaupo.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon