Chapter 20: Meet His Family

123 0 0
                                    

Zirie's Pov

Kakagising ko lang at agad na pumasok sa isip ko kung anong araw ngayon. Bigla ako nakaramdam ng konting kaba. Kaya mo to Zirie Mikaela Allistair Taylor, wala kang kinakatakutan Tanging ipis lang tandaan mo yan.

"Morning babe" sabi niya sakin sabay yakap.

"Goodmorning" sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti.

"You ok babe? Hmm?" tanong niya sakin habang pinagsisiksikan ang sarili niya para mayakap ko siya.

"Kinakabahan ako" sambit ko kaya tinignan niya ako.

"Babe, don't worry. They will love you just like how they love me" sabi niya sakin at mabilis akong hinagkan kaya napabuntong hininga nalang ako. Pumunta na kami ng kusina at nagsimulang magluto ng almusal.

"Nga pala babe, anong oras nga tayo pupunta sa bahay niyo?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Oh I forgot, maaga pa tayo pupunta dun. Mom wants you to help, tumawag--" hindi na naituloy ni Gray ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang phone niya.

"Ok, speaking of" sabi niya at sinagot ang tawag.

Gray: Hey mom
Mom: Anak, punta kayo dito ng maaga ah. Dito nalang kaya kayo mananghalian kasama ang lolo at lola mo. Mamayang gabi pa kasi pupunta sina ama at apa mo.
Gray: Sige-sige. Let me talk to Asul.
Asul: Yes son?

Hindi ko na narinig ang tawag nila ng bigla niyang in-off ang loud speak nito kaya napanguso ako. Walanghiya, palagi niya nalang ino-off ang loud speak kapag si Papa na ang kausap niya. Ang daya.

Third Person Pov

Lumabas muna si Gray sa labas upang hindi marinig ni Zirie ang kanilang pag uusapan.

Gray: Anong oras dadating sina ama at apa?
Dad: Mamaya pa, by the way we should discuss about our business later. Make sure that you will attend our discussion, don't be stubborn.
Gray: But I don't want to be the CEO, ni wala nga akong Alam sa business Industry--
Dad: But you are capable to be on that position, you are good in making the right plans. Ayaw din ni Ardie, so your my last option. Don't be stubborn... Like me.

At ibinaba na ang tawag.

"This is Bullshit!" mura niya at muling bumalik sa loob ng bahay nila.

Zirie's Pov

Mabilis na lumipas ang oras kaya nagsimula na kaming mag ayos ng aming mga sarili. Sinuot ko ang damit na binili niya para sakin, tigas ng ulo eh. Sinuot ko rin ang kwintas, bracelet at hikaw na binigay ni mama sakin. Mabuti nga at kumpleto na ang collection ko. Flat shoes lang ang sinuot ko, hindi kasi ako mahilig sa heels. Sakit kaya sa talampakan ang mga ganung sapatos.

Tinirintas ko ang buhok ko, naglagay ako ng powder, maskara, liptint at tsaka konting highlighter para naman maging presentable ang mukha ko. Magugustuhan ba ako ng mga grandparents niya? Baka ayaw nila sakin.

Mini heart attack, butterflies in my tummy. Argh!! I really hate this feeling. Yung last time na naramdaman ko ang ganitong mga pakiramdam nung first day ko sa academy.

"Let's go?" nabali ang pag iisip ko nang bigla siyang sumulpot. Napatango nalang ko at sumunod ako sa kanya.

"You're really gorgeous babe" sambit niya habang nagdadrive siya ngunit nakatingin parin ako sa bintana at wala sa sarili.

"Babe, are you ok?" tanong niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Kinakabahan kasi ako" sabi ko sa kanya at narinig Kong napabuntong hininga siya.

"Don't worry babe, they don't bite" sabi niya kaya naningkit ang mga mata ko. Kahit kailan talaga eh!

"Were here" sambit niya kaya mas nanginig ang mga tuhod ko at ramdam na ramdam ko ang lamig ng kamay ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinipan ito. Bigla siyang tumawa kaya biglang uminit ang ulo ko, bintukan ko siya pero tawa parin siya ng tawa. Nakakainis! Sarap talaga batukan. Hinapit niya ang bewang ko hanggang sa nakapasok na kami. Ang laki-laki ng bahay nila na parang palasyo, napapaligiran ito ng mga magagandang bulaklak na mas lalong nagpapaganda ng bahay.

Agad na bumungad samin ang isang matandang babae, at mukhang mga mid 50's na siya.

"Hijo, na miss kita" sabi niya sabay halik sa pisngi ni Gray.

"sino naman itong Magandang dilag na kasama mo?" tanong niya kay Gray, napatingin siya sakin.

"She's Zirie, my Girlfriend" sabi ni Gray.

"Manang mana ka talaga sa daddy mo" sabi niya kay Gray sabay kindat kaya napayuko nalang ako. Pumasok na kami sa loob,

"Gray" tawag ng isang babae samin, ang Ganda niya. Baka tita ito ni Gray.

"Gray?" nakangiting tanong niya habang tinitingnan ako.

"Oh, this is Zirie my girlfriend" sabi niya.

"Nice to meet you apo" sabi niya kaya nagulat ako at niyakap niya ako.

"Hi po, akala ko po tita po kayo ni Gray" nahihiyang sabi ko sa kanya kaya natawa siya.

"Gray" tawag ng isang lalaki.

"Hmm, good choice apo" sabi niya sabay kindat at nagulat ako ng bigla siyang pinalo ni lola.

"Mahilig ka talagang manggulat! Nakakainis ka!" sigaw sa kanya ni lola. Ang sweet nga naman nila.

"Sino sila?" mahinang tanong ko kay Gray habang nakaupo kami sa couch.

"Sila si lolo at si Lola. Ella and Samuel Shin, masanay kana ganyan talaga sila" sabi niya sakin.

"Zi, Gray" bungad samin ni Mama kaya niyakap ko siya. Pumunta na kami sa kusina at nagsimulang maghanda ng pagkain.

Nang matapos na namin, Umupo na kami sa sala at nagpahinga.

"Alam mo Hija, ang Ganda-Ganda mo. I heard na ikaw daw ang nagpabago sa dating Yelo na ugali ni Gray?" tanong niya sakin.

"A-ah hehe hindi naman po siguro. Sadyang nagbago lang po talaga siya." nahihiyang sabi ko sa kanya.

"You're right mom, mabait na bata tong si Zi" sabi ni mama kaya ngumiti nalang ako.

Biglang namang bumungad si Akeia samin.

"Ate!" tawag niya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Oh, ba't pawis na pawis ka? Lagyan ko muna ng bimpo ang likod mo, baka kasi ubuhin ka" sabi ko sa kanya at nilagyan ko ng bimpo ang kanyang likod.

"No wonder, nagbago nga si Gray." sabi ni Mama.

"That's what love can do" sabi ni Akeia kaya napanguso nalang ako samantalang siya naman ay natawa.

"You now what, Ate Zi is really a brave girl. Wala siyang kinakatakutan, kahit na mga mean girls sa school eh kayang kaya niya." sabi ni Akeia.

"Oh really? Kaya nga bagay na bagay ka sa apo ko. Speaking of nasan na siya?" tanong ni Lola.

"Eh ayun, naririnig kong nag uusap silang tatlo about sa mga positions" sabi ni Akeia kaya napakunot noo ako. Position? Anong position?

"Walang hiya talaga ang tandang yun/Lintik talaga tong si Asul" sabay na sabi nila mama at lola.

"Mag ina nga" sambit ni Akeia kaya natawa kaming dalawa.

"Scarlet, sa tingin mo magugustuhan ba ako ng ama at apa mo?" tanong ko sa kanya.

"Of course! Ang bait-bait mo kaya at tsaka ikaw lang kaya ang babaeng dinala ni Kuya dito." sabi niya.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon