Chapter 38: A Vacation

132 1 0
                                    

Zirie's Pov

Nandito kami ngayon sa likod ng Building.

"Let's go?" tanong ni Gray samin.

Nauna kaming dalawa ni Gray kaya sa pinakalikod kami ng Van habang nasa harap naman namin sina Logan at stella habang sina Kira at Liam naman ay nasa harap nila. Si Klyde ang nagdrive habang si Timothy naman ay nasa frontseat. Hindi kasi sumama si Cyrus sabi niya Kasi may importante siyang pupuntahan.

Nagsimula ng tumakbo ang sasakyan, medyo malayo daw ang biyahe.

"You want to sleep?" tanong niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman ako inaantok" sabi ko sa kanya kaya napangiti na lamang siya. Kinuha ko ang kending nasa bulsa ko at inabot ko to sa kanya.

"Masarap yan, tikman mo" sabi ko sa kanya, binuksan ko ang sakin kaya binuksan niya rin ang binigay ko sa kanya.

Sinubo niya ito, nakita kong napangiti siya kaya napangiti rin ako. Kinuha ko ang phone ko at naglagay ako ng earphones, inabot ko sa kanya ang isa kaya kinuha niya ito at nilagay sa tenga niya. '12:51' yan ang kantang pinakinggan namin.

"I love you" sabi niya sabay halik sa noo ko.

"I love you too" sabi ko pabalik sa kanya, pinagsiklop ko ang aming mga kamay kaya napangiti siya.

Pupunta kasi kami sa isang resort Kung saan malapit ang bahay ni Klyde. Nang makarating kami, bumaba na kami. Magkahawak parin kaming dalawa, nilibot ko ang paningin. Huni ng mga ibon, mabe-berdeng mga puno at halaman, kaakit-akit na sinag ng Araw, sariwang simoy ng hangin at tahaw na dagat.

"Magandang Umaga sa inyo" sabi ng isang ginang, medyo maputi na ang kanyang buhok, halatang may edad na ngunit may taglay siyang Ganda. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Magandang Umaga din po sa inyo" bati ko pabalik sa kanya, yun din ang ginawa nila.

"Ito nga pala si Mama, pwede niyo naman siyang tawaging Manang Amelia" pagpapakilala ni Klyde sa kanyang Ina.

Pumasok na kami sa loob.

"Merong apat na room, walo kayo kaya tigda-dalawa sa isang room" sabi sa amin ni Manang.

"Ganito nalang. Si Stella at tsaka si Logan,  si Liam tsaka si Kira, tapos si Mr. Chairman Naman at si Zirie tapos tayong dalawa naman ang magkasama" sabi ni Klyde.

"Just call me Gray, wala naman tayo sa office" sabi ni Gray kaya napatango nalang si Klyde.

"Basta kapag gagawa kayo ng milagro ayos lang, malayo naman ang agwat ng kada kwarto kaya ayos lang" nanlaki ang mga mata naming lahat na nakatingin sa kanya.

"Napakapilyo mo talagang bata ka!" sigaw ni Manang sabay batok kay Klyde kaya natawa na lamang kami. Nagsimula na kaming mag ayos sa aming mga kwarto.

Inayos ko ang mga gamit namin sa Aparador, Tahimik lamang siya at walang mosyon. Narinig ko ang yapak niya na papalapit siya sakin, naramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ko.

"I love you Zirie" sabi niya at mas hinigpitan niya ang pagyakap niya sakin. Napangiti ako at humarap ako sa kanya, sinunggaban niya ng halik ang labi ko. Lumakbay kaming dalawa patungo sa kama.

Naramdaman ko ang pagtapat ng Likod ko sa kama, tila nawawala na ako sa sarili ko. Nasa ibabaw ko siya, Nalulunod na yata ako sa mga halik niya.

"Tsk Tsk grabe ka talaga Bro" sabi ni Logan mula sa pinto dahilan para matigilan ako habang si Gray ay patuloy paring humahalik sakin kaya marahan ko siyang tinulak.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon