Chapter 31: First Day With Him

122 3 0
                                    

Zirie's Pov

Tahimik akong nagmamaneho papuntang Building nang bigla siyang magsalita.

"So, hindi mo parin sinasagot ang tanong ko kanina" sabi niya. Nasa likod ko kasi siya, ano pang I-expect ko eh driver nga.

"Yung Alin?" tanong ko sa kanya.

"Do you love me?" tanong niya sakin kaya napangisi ako.

"Ahm, sabi kasi ng puso ko Oo daw" sagot ko sa kanya.

Hindi na ako magpapakipot no.

"I love you too Zi" sabi niya at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, ang tagal ko tong hinintay. Namiss ko ang salitang to, Ilang years kaya ang dumaan.

"I love you more Gray--este Mr. Chairman." sabi ko sa kanya.

"You can Call me Ariea, or Gray if you want" sabi niya sakin kaya napangiti ako.

"I'm sorry Mr. Chairman pero boss kita at based on the rules, kailangan kong iadress ang pangalan ng may mataas na posisyon" paliwanag ko sa kanya.

"There are no rules for me" sabi niya kaya natahimik nalang ako, bakit ka pa kasi na amnesia. Hayst, wala na rin naman akong may magagawa.

Nang makarating na kami sa Building, agad na bumungad samin ang maraming reporters na nagkakagulo.

"Fasten your seatbelts Mr. Chairman" sabi ko sa kanya. Niliko ko pabalik ang kotse at Mabilis na nagdrive

"Woah! Slow down!" sigaw niya kaya natawa ako. Sa likod kami ng building dadaan, hanggang sa nakarating na kami.

Tinignan ko siya at natawa ako sa reaksyon niya.

"Woah! That was wow!" sabi niya kaya natawa ako.

"Sanay na kasi ako, yun din ang nararanasan ko nung ako pa ang secretary ni Pa--este Mr. Lee" sabi ko, nakalimutan ko kasi eh.

Nakapasok na kami sa loob.

"Goodmorning Mr. President" bati ko kay Logan. Oo siya ang president, hindi ako nagulat dahil alam kong matalino si Logan at ganun din ang the Bads.

"Goodmorning Zi" bati niya pabalik lumapit siya sakin.

"Mukhang nadale ah" bulong niya.

"Zirie, Let's go!" sigaw ni Gray.

"Fine-fine, Bro sayo na si Zi." natatawamg sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Fine-fine, punta kana dun baka maging halimaw pa yun" sabi niya kaya pinuntahan ko na si Gray.

"I don't want you to talk with him" mariing sabi niya habang papasok kami.

"But he's your friend" sabi ko sa kanya.

"I don't trust anyone, I trust no one" sambit niya hanggang sa nakarating na kami sa office niya. Agad kong tinignan ang mga reminders na nakalagay sa Table.

"May meeting po kayo 9-10 with Mr. Chua and Mr. President. 2-3 may meeting kayo with Mr. Laurent, after that we will have a meeting with the board and lastly our meeting" sabi ko sa kanya ngunit hindi siya kumibo.

"Parang ganun lang Magagalit na kaagad" bulong ko.

"I want you only mine Zirie" sabi niya.

Pumunta muna ako sa Office namin dahil uminit ang ulo niya ipaggagawa ko nalang siya ng kape.

"Hi Zi, kamusta first day mo with your one and only?" tanong ni Stella sakin.

"Ayos naman, mainit nga ang ulo kaya gawan ko muna ng kape" sagot ko sa kanya.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon