Chapter 22: His Change

119 1 0
                                    

Zirie's Pov

Mabilis na lumipas ang panahon, naging yelo na siya pagdating sakin. Palagi niya nalang akong hindi pinapansin,nagsasawa na ba siya sakin? Palagi nalang akong mag isa na pumupunta sa school, palagi niya nalang sinasabi na mauna nalang daw siya. Ano ba ang nagawa ko? Nabali ang pag iisip ko nang biglang Dumating ang the Bads, Nandito kasi ako ngayon sa headquarters nila.

"Zi" bati sakin ni Lucas sakin at lumapit silang lahat sakin.

"May napansin ba kayong kakaiba kay Gray?" tanong ko sa kanila.

"Wala" sabay nilang sagot sakin.

"Yung totoo?" Mariin kong sa kanila.

"Fine, Oo he acts weird around us. Palagi siyang hindi sumasabay samin." sagot ni Logan.

"Ang huling binanggit niya lang ay ang tungkol sa batang babae--" hindi na naituloy ni Liam ang sasabihin niya nang biglang tinakpan ni Jasper ang bibig niya.

"Please sabihin niyo na sakin" pagmamakaawa ko sa kanila at naramdamn ko ang pagtulo ng mga luha ko.

"Zi, bakit? Ano ba ang nangyari sa inyo" tanong Lucas sakin habang pinapatahan ako.

"Hindi niya na ako pinapansin, palagi nalang siyang walang kibo. Sinaktan niya ako Ano bang Mali ang nagawa ko?" sabi ko at dun ko na ibinuhos ang lahat ng hinanakit na nakakulong sa puso ko.

Ano ba ang nagawa ko? Nagsimula lang naman siyang nagkaganun nung araw na pumunta kami sa bahay nila. Nami miss ko na ang dating Gray ko, Dumating na kasi ang araw na kinakatakutan ko. Ang sakit-sakit isipin na Sawa na siya sakin, na Sawa na siyang mahalin ako. Am I not enough?

I remember those days, nung araw na una kaming nagkita, nung araw na Muntik na akong mamatay. Siya ang nagligtas sakin, siya ang nagpalakas ng loob ko, siya ang rason kung bakit natuto ang puso kong magmahal ng totoo, siya rin ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Ang sakit-sakit, pero ok lang... I'm used to it.

Kahit na alam ko sa sarili ko na pagod na akong umiyak ngunit hindi ko parin magawang pigilan ang emosyon ko.

"Walang Mali sayo Zi" sabi ni Liam habang papalapit siya sakin.

"Kausapin mo nalang siya, bibigay yan." sabi niya.

"Sa tingin mo ba, mahal pa ako ni Gray?" tanong ko sa kanya.

"Eh Baliw na baliw kaya yun sayo" sabi ni Jasper.

"Mag usap nalang kayong dalawa, sabihin mo lahat sa kanya." sabi ni Liam.

"Salamat talaga, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Sana, sana hindi ako iiwan ni Gray" sabi ko sa kanila. Lumapit silang lahat at nag group hug kami.

"Basta, kung may gawing kagaguhan yung halimaw nayun tumawag ka lang." sabi ni Logan.

Nandito kami ngayon sa Cafeteria kasama ko sina Akeia, Celestine, Cassidy at Selena.

"Zi" sambit ni Lena.

"Ano ka ba, ayos lang ako" sabi ko sa kanya habang pinapahid ang luha ko.

"Ate, sinaktan ka ba ni Kuya?! Alam mo sasapakin ko Talaga ang gagong yun!" sabi ni Akeia.

Kanina pa ako tulala, Wala sa sarili. Tinititigan ko siya pero wala talaga. Buong klase, kada klase siya lang ang iniisip ko.

"Logan, alam mo ba kung nasaan si Gray?" tanong ko kay Logan.

"Ah, nandun siya sa restroom. Kakatapos lang kasi namin magtraining" sabi niya kaya Pumunta ako sa cr.

Wala na akong paki kahit na alam kong nakakahiya.

"Gray" tawag ko sa kanya at nakita kong bumibihis sila.

"Zi, ba't ka Nandito?!" gulat na tanong sakin ni Liam ngunit hindi ko siya pinansin.

"Gray, kailangan nating mag usap" sabi ko sa kanya ngunit wala siyang may ipinapakitang emosyon.

Hinila ko siya kaya sumunod siya, Pumunta kami sa hallway, tahimik at walang tao.

"Gray, pansinin mo naman ako" naiiyak na sabi ko sa kanya habang niyuyugyog ko siya.

"Mahal mo pa ba ako?! Sabihin mo!" sigaw ko sa kanya.

"Sabihin mo na sakin kung Sawa kana para naman hindi ako magmumukhang tanga rito! Pagod na Pagod na ako! Buong buhay ko, palagi nalang akong kawawa!" humihikbing sigaw ko sa kanya ngunit hindi parin siya kumikibo.

"Gray, Ano ba?! Saan na ang Dati Gray na mahal ko?! Nami miss na kita Gray, may Mali ba akong ginawa?! Bakit may iba kana bang mahal?! Buong puso kitang minahal Gray, hindi ko pinagsisisihan na minahal kita ng tapat. Kahit na paulit-ulit mo pa akong saktan, mamahalin at tatanggapin parin Kita." sabi ko sa kanya.

"Sa bahay na Tayo mag usap" walang ganang sabi niya, naglakad siya ngunit hinabol ko siya at hinila ko siya sa headquarters.

"Ito ba ang gusto mo? Ibibigay ko to sayo" sabi ko. Hinalikan ko siya ngunit hindi niya sinasagot ito.

"Zi, that's enough" sabi niya habang marahan niya akong tinutulak.

Umuwi ako sa bahay, mag isa at patuloy paring umiiyak. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang sketchbook ko, tinignan ko ang bawat drawing na ginawa niya at muli nanaman akong napaiyak.

Hindi ko na naintindihan kung ano ba ang mangyayari sa buhay ko, palagi nalang akong nasasaktan. Ano ba ang nagawa ko? Bakit parang galit na galit ang tadhana sakin na palagi nalang akong pinapaiyak.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko siya ngunit hindi niya sinasagot. Naisipan kong tawagan si Lucas at mabuti nalang at sinagot niya ito.

Me: Hello Lucas, alam mo ba kung nasaan si Gray?
Lucas: hindi nga namin alam, kasama ko ang the Bads ngunit wala siya dito.
Me: Ah sige, sabihan mo nalang ako kapag kasama niyo na siya.

At ibinaba ko na ang phone ko. Saan ka na ba Gray, Nag aalala na ako. Mabilis na lumipas ang oras at gabi na, hindi parin ako kumakain. Naisipan kong tawagan si Mama.

Me: Ma, alam mo ba kung nasan si Gray?
Mama: Akala ko ba kasama mo siya?
Me: I-Ilang araw niya na kasi akong H-hindi pinapansin.
Mama: Ano nanaman ba ang nakain ng batang yun?! Ganito nalang anak, ipapahanap ko nalang siya kay papa mo.
Me: Sige ma.
Mama: sige anak.
Me: Ma Sandali, palagi mong tatandaan na mahal na mahal ko po kayo. Salamat po at Dumating kayo sa buhay ko, Ingatan mo ang sarili mo ah. I love you ma.
Mama: I love you too anak.

At ibinaba ko na ang phone, kailangan kong puntahan si Gray. Hindi na ako mang aabala ng ibang tao, agad akong Pumunta sa kotse at sumakay, kinuha ko muna ang phone ko at tinext ko siya.

Me: Gray, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat. Kahit na pa ulit-ulit mo pa akong saktan, mamahalin at mamahalin parin kita. I love you my handsome.

Yun ang tinext ko, miss na miss na kita Gray. Sana naman sabihin ko sakin kung bakit ka nagkakaganito, hindi ko kayang nawala ka sakin. Ikaw nalang ang Tanging lakas ko upang mabuhay ako araw-araw. Ikaw lang ang mamahalin ko, ikaw lang.

Tinext ko si Akeia...

Me: Akeia, palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Ate. Palagi kang magpapalagay ng bimpo sa likod mo ah, ayaw kasi ni Ate na ubuhin ka.

Tinext ko rin si Selena..

Me: Sana mabasa mo ito Lena, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Salamat at Dumating ka sa buhay ko, salamat sa lahat ng tulong. Mag iingat ka palagi.

Sana nga mabasa niyo ito, bihira kasi yun mag cellphone.

Biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito.

Me: Hello Lucas? Ano na ang balita.
Lucas: nakita daw siya na jasper sa bar, lasing.
Me: Sige-sige pupuntahan ko na lang siya. Nga pala Lucas pakisabi nalang kay Lena na mahal na mahal ko siya ah, sabihin mong salamat at Dumating siya sa buhay ko. At tsaka salamat din sa inyo.
Lucas: Bakit hindi nalang ikaw ang magsabi? Mas mabuti kung ikaw ang magsasabi nun sa kanya.
Me: Wag na, ikaw na. Wala na kasi akong oras. Sige na, salamat talaga.

At ibinaba ko na ang phone, Gray papunta na ako, Hintayin mo lang ako. Mahal na mahal na mahal kita...

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon