Chapter 23: ZIRIE!!

112 3 0
                                    

Zirie's Pov

Nagsimula na akong magmaneho, habang nagmamaneho ako Muntik ko ng mabanggaan ang isang ginang. Nakita kong nalaglag ang mga paninda niya kaya agad akong bumaba mula sa sasakyan.

"Manang, ayos lang po ba kayo?" nag alaalang tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako hija" sagot niya.

"Pasensya na po kayo ah hindi po kasi ako maka concentrate ng maayos sa daan. Pasensya na po talaga" sabi ko sa kanya habang pinupulot ang mga nahulog niyang paninda.

"Salamat hija ah" sabi niya sakin kaya napangiti nalang ako.

"Peep!!" rinig kong busina ng sasakyan at nanlaki ang mga mata ko dahil patungo ito sakin, biglang bumagal ang galaw nito. Akala ko mababangga na ako.

"Hija Ayos ka lang?" tanong sakin ng ginang, pinahid ko ang mga luha ko.

"Pasensya po talaga ah, kailangan ko na pong umalis" sabi ko sa kanya at muling sumakay na ng kotse. Muli nanaman akong nagmaneho, hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Narinig ko ang kantang 'I'll be' mula sa radyo ng sasakyan kaya nilakasan ko ito.

The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath
Emeralds from mountains and thrust towards the sky
Never revealing their depth
Tell me that we belong together
Dress it up with the trappings of love
I'll be captivated, I'll hang from your lips
Instead of the gallows of heartache that hang from above...

Taimtim akong nagmamaneho nang biglang may napansin ako na may Nakaupo sa gilid ko.

"G-gray?" nagulat ako sa nakita ko.

I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life

"Mahal na mahal kita Zirie" hindi ko maintindihan, Ano ba ang nangyayari. Bakit siya Nandito? Nagulat ako nang may narinig akong busina ng malaking truck kaya napalingon ako sa daan ngunit huli na ang lahat.

And rain falls angry on the tin roof
As we lie awake in my bed
You're my survival, you're my living proof
My love is alive and not dead...

Nawala sa paningin ko si Gray, hanggang sa.

"Peep!!" rinig kong tunog ng isang sasakyan.

Biglang sumagi sa isipan ko ang mga masasayang araw na kasama ko si Gray, nung una kaming nagkita, nung araw na pinaramdam niya sakin na espesyal ako sa kanya. Ang Saya-Saya ko nung mga araw na yun.

"I l-love you G-gray" nauutal na sambit ko.

"Boogsh" yun ang huling narinig ko at naramdaman kong tumama ang ulo ko sa bintana ng sasakyan...

Third Person Pov

Nandito ngayon si Gray sa bar, patuloy parin sa pag iinom.

"Sana hindi nalang ako naging duwag." sambit niya sa kanyang sarili at nilagok ang kanyang inumin. Biglang Dumating si Lucas kaya nilapitan niya si Gray

"Gray, akala ko ba Nandito na si Zi? Kanina pa siya tumawag kaya dapat andito na siya." sabi ni Lucas.

Biglang nagring ang phone niya, wala sana siyang balak na sagutin ito ngunit kinuha ito ni Lucas at sinagot.

Lucas: Hello po tita?
Aly: hello. Lucas? Nasaan si Gray, bakit ikaw ang sumagot?
Lucas: Ah andito po siya sa gilid ko wag po kayong mag alala naririnig ka po namin.
Aly: Gray anak, Lucas. Si Zi...
Lucas: bakit po ano po ang nangyari sa kanya?!
Aly: Pumunta kayo ngayon sa hospital. Gray please, she needs you now.
Lucas: sige po tita, pupunta po kami.

At ibinaba na ang phone, nagulat si Lucas nang bigla siyang hinablot ni Gray papuntang parking lot.

"Pupunta tayo ng hospital" sabi ni Gray kaya nag simula ng magmaneho si Lucas hanggang sa nakarating na sila.

Dali-daling Pumunta si Gray sa loob ng hospital at nakita niya ang kanyang kapatid, ama at ina.

"What happened to her?!" tanong ni Gray sa kanila.

"Nakaligtas nga siya sa isang ten wheeler truck but unfortunately may isang kotse, nawalan ito ng preno dahil inatake ng epilepsy ang driver. Nabangga niya ang kotse ni Zi kaya tumama ang ulo niya sa bintana ng kotse." paliwanag ni Ardie sa kanya.

Umupo si Gray sa upuan at napasa unit siya sa sarili niya.

"This is all my fault!" sigaw niya sa sarili niya. Mabilis na lumipas ang oras. Lumabas ang ang doctor kaya napatayo si Gray.

"The patient is still unconscious, nagkaroon siya ng Traumatic head injury. Based sa impact ng pagkakatama ng kanyang Ulo sa Bintana ng kanyang kotse, malakas na naglead ng injury sa patient. She needs to have a physical examination, but for now kailangan niya munang magpahinga" sabi ng doctor hanggang sa umalis na ito.

"This is bullshit!" sigaw ni Gray sa kanyang sarili. Biglang Dumating si Akeia.

"Nasaan si Ate?! Nasaan siya?!" sigaw na tanong ni Akeia, napahagulgol ito ng makita niya ito sa loob ng room na nakahiga.

"Ano ba kasi ang ginawa mo Kuya?! Bakit ba?! Ano bang nagawa niya sayo?! Bakit, may ibang babae ka ba ha?!" galit na tanong ni Akeia sa kanya.

"Hindi mo alam ang dahilan kaya tumahimik ka" walang emosyong sabi ni Gray.

"Sabihin mo?! Hindi ka ba naaawa sa kanya?! Are you fvcking out of your mind?!" sigaw ni Akeia sa kanya.

Biglang tumayo si Gray, galit na galit siya dahil sa mga sinabi ni Akeia.

"Oo na! Ako na ang may kasalanan! Hindi ko siya pinansin dahil nararamdaman ko parin ang kirot! I am the one who ruined her life Akeia!! Do you think that I'm happy sa lahat na nangyayari?! I hate myself, galit ako sa sarili ko dahil naging duwag ako! Nang dahil sakin namatay ang ama niya!! Masaya ka na?!" sigaw niya kay Akeia.

"ENOUGH!! sa tingin niyo ba, magiging masaya si Zirie dahil sa ginagawa niyo?!" sigaw ni Ashton sa kanila. Napahagulgol si Alyssa.

"Tama na! Please!" Humahagulgol na sigaw sa kanila ni Aly.

Biglang sumulpot sina Lena, Celestine at Cassidy kasama ang the Bads. "Zirie" sambit ni Selena at napahagulgol siya.

"Gray" sambit ni Jasper at lumapit sila sa kanya.

"Bro, magpakatatag kalang." sambit ni Logan sa kanya.

"Kuya, Nandito lang kami. Gigising si Ate" sabi ni Isaac.

"Gray, kailangan mong makita ito" sabi ni Lucas sabay abot ng cellphone. Nakita ni Gray ang message ni Zirie dahilan para mapahagulgol siya.

"Nakatanggap din ako" walang emosyong sabi ni Akeia.

"Ako din" sambit ni Selena.

Lumapit si Alyssa sa room ni Zirie at tinignan ito.

"Zirie, lakasan mo ang loob mo ha. Mahal na mahal ka ni mama" humihikbing sabi ni Alyssa. Lumapit siya Kay Gray.

"Kanina tumawag siya, tinanong niya ako kung nasaan ka. Sinabi niya sakin na Ilang araw mo na daw siya hindi pinapansin. Sinabi niya rin na palagi ko daw Tatandaan na mahal na mahal na mahal niya ako." sabi ni Alyssa at muli nanamang binuhos ang lahat ng emosyon niya.

Biglang lumapit si Akeia sa kanyang ina at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Hindi mo lang Alam Kuya kung gaano ka kamahal ni Ate, ikaw ang palagi niyang iniisip, ikaw ang palagi niyang kinukwento samin na ang swerte niya daw sayo." umiiyak na sabi ni Cassidy sa kaya Gray.

"Zirie" sambit ni Gray habang humahagulgol siya.

'Hindi ko alam na magiging ganito pala ang sitwasyon dahil sa ginawa ko. I thought that was the right thing to do, I was selfish. Akala ko mawawala ang kirot sa puso ko kung papakawalan kita, ang Tanga-tanga ko! Sinira ko ang buhay mo, patawarin mo ako Zirie! Mahal na mahal na mahal kita, ikaw ang Mundo ko, ikaw lang ang mamahalin ko.' yan ang nasa isip ni Gray habang siya at humihikbi, hindi parin siya makapaniwala sa nangyayari. Isang lang ang Tanging sumasagi sa isipan niya. Na mahal niya si Zirie...

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon