03

23 7 0
                                        

Chapter Three


-:-:-:-:-:-

Day 32 of being an almost doctor


Psalms 71:21
Thou shalt increase my greatness, and comfort me on every side.

Happy bornday to me!!

Ilang linggo na ang lumipas nung matanggal ako sa CreThink.

Pero ayos lang mga kaigan! Lumipat na lang din ako ng kumpanya.

Hindi lang kasing laki 'yung sahod, s'yempre bago pa lang ako saka nagkaroon ako ng bad feedback dahil natanggal nga 'ko sa trabaho.

At s'yempre para mabuhay kailangan ko ng extra'ng kita. Mahal kasi no'ng comfort food ko kaya siguro 'ko namumulubi.

Hahaha char lang. Hindi naman namumulubi, dami ko lang talagang extra'ng time kaya why not chocnut na gamitin para makakuha ng extra income right?

Pero ewan ko ba, may balat yata ako sa pwet. Hays. Walang tumatanggap sa'kin nung una.

Kasi alam mo 'yun, 'di nga ako nag-take ng boards 'di ba? Kaya 'di naman ako makapag-apply sa ospital kaya 'yun mga clinic ang pinuntirya 'ko.

Pero hanggang hapon alaws pa din. Napagod na 'ko kaya umupo na lang ako sa gutter.

Feeling ko maiiyak na 'ko kasi nga iyakin akong bata hahaha.

Pero ito ang plot twist ng araw ko.

May lumapit sa'king lalaki. Katangkaran, maputi, tangos ng ilong, mestizo gano'n.

At pa-fall si koya, nag-abot ng panyo. Charot. Nag-abot siya ng panyo tapos kung ano-ano na 'yung sinabi ko.

Na-turn off yata e. Biglang nagulat sa mga pinagsasabi ko. Kaya binawi ko din 'yung joke ko.

Joke kasi 'yun kuya. Joke lang, parang 'di naman siya mabiro. Serious type ang koya mo.

Tapos doktor pala siya at may clinic. Jusko, kakahiya 'yung mga pinagsasabi ko. Parang gusto ko ng lamunin ng lupa.

Pero joke lang ulit. Pilosopo pala siya kaya oks lang. 'Di na 'ko nahiya. Hehe.

Hulog siya ng langit. Tinanggap niya 'ko do'n sa clinic niya bilang *ehem* assistant. O 'di ba?

Nakakahiya nga kasi nayakap ko pa siya. Pero ayos lang, naamoy ko naman si Doc. Hehe.

Uy, 'di ko siya crush ha? Loyal kaya 'to. Loyal ako sa best friend ko.

Oo, tama ka. Best friend. Dalawang salita, pero ang sakit erp.

Tanggap ko na 'yun hahahaha. Nasa move on stage na 'ko kasi alam mo 'yun friends lang talaga tingin niya sa'kin.

Ayoko naman ipagpilitan kasi ako lang ang masasaktan. Hindi naman ako ganun ka-tanga. Medyo lang. Char.

Hindi ko na alam kung saan patungo itong mga isinusulat ko kaya isa na lang ang masasabi ko.

Charot lang, madami-dami rin 'to hahaha.

Parang ito na rin ang natutuhan ko sa araw na 'to.

Na minsan sa buhay, kailangan nating sumubok.

Hindi man natin alam kung ano ang kahihinatnan, subukan natin. Malay mo may maganda pa lang maidudulot.

Between those Pages ||COMPLETED||Where stories live. Discover now