18

16 5 0
                                    

Chapter Eighteen

Months passed and I continue to go out with Sean.

May mga times na nale-late o hindi na ako nakakasipot dahil sa biglaang dami ng kaso sa ospital pero buti na lang at naiintindihan niya.

And with that, parang mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.

Every part of her, is really worth loving.

Kaso badtrip nga sa'kin si Vin dahil may pa-deny deny pa daw akong nalalaman noon tapos bigla kong popormahan si Sean.

But I'm thankful for Vin to tag along. Kung hindi sana s'ya nag-wrong send sa'kin noon, hindi ko sana mayayayang lumabas si Sean for the first time.

And by that, napagpasyahan kong ituloy na, lalo pa't 'yun din naman ang suggestion ni Dylan.

"What's up medical peeps!" Speaking of which, Dylan showed here in the clinic.

"Hi!" Bati kaagad sa kaniya ni Sean.

They become close these past few months dahil botong-boto si Dylan kay Sean. Well, she said she loathes Kesz dahil sa ginawa daw sa'kin.

But as for me, I don't hold any grudges anymore.

Lumipat na s'ya ng ospital kaya hindi na kami nagkikita, pero kung sakali mang magkita kami, I'm fine with it.

Nang lumabas na 'yung pasyente namin ni Vin, sinabi ni Dylan kay Sean na 'wag munang magpapasok ng pasyente dito sa loob ng kuwarto in five minutes.

"Teka, sino ka nga ulit?" Sean asked Dylan.

And by the way, hindi ko alam kung nagiging makakalimutin lang si Sean this past few months dahil madalas siyang nakakalimot ng pangalan at kung nasaan siya.

I'm worried at first, pero sabi niya baka daw nag-uulyanin lang siya.

I insisted to check her up pero ayaw niya, wala naman daw siyang nararamdamang kakaiba kundi ang pagkalimot niya sa mga bagay-bagay.

Hindi din naman daw nakakaapekto sa pagtatrabaho niya kaya ayos lang daw.

Kaso, hindi pa rin ako matahimik kaya sabi niya na magpapa-check-up na daw siya, and I let her do things on her own dahil ayoko naman na makulitan siya sa'kin.

"Bakit ka ba nandito? Panggulo ka lang, e." Vin said that made me stopped thinking.

Actually, I called her para may makasama si Vin dito.

I'm planning to ask Sean out today.

And also to ask her to be my girlfriend.

It didn't took long para ma-realize ko na gusto ko na siyang maging girlfriend lalo na't panay ang tanong ni Dylan kung kami na ba daw.

And besides, I'm also planning to marry her.

Maybe not now, dahil masyado pang maaga. Pero in the coming years, when we're ready, I'm going for it.

Kasi siya 'yung babaeng nakikita ko kapag naiisip ko 'yung mga bagay tungkol sa pamilya.

Siya 'yung babaeng gusto kong makita pagising sa umaga.

Siya 'yung babaeng gusto kong makitang kasama ko sa pagbuo ng magagandang memorya.

Siya 'yung taong gusto kong makasama habang-buhay.

Tama na naman si Sean noon, na 'yung mga masasakit na nararanasan natin ay ngingitian na lang natin pagdating ng panahon dahil tumulong ito para mabuo ang ating pagkatao.

Between those Pages ||COMPLETED||Where stories live. Discover now