28

14 4 0
                                        

Chapter Twenty Eight

"Sebastian, please... Kumain ka naman, o." I heard Dylan's voice outside.

But I don't have any will para pagbuksan siya, more so, para gumalaw.

I'm staring at my phone wallpaper, a picture of Sean and I the first time we got into Intramuros together.

She really looked happy here, her eyes were glimmering and she smiles widely.

These are one of the days where she's still with me, and remembering that makes me feel worse.

"Kung ayaw mong kumain, pwede ba magpalit ka na ng damit? It's the last day of Sean's burial." She said.

Last day?

Ganoon na ba ako katagal na nandito sa kwarto ko?

But I'm not feeling any better as days pass by.

Mas lalo akong nalulunod sa mga iniisip ko, mas lalo akong nagagalit sa sarili ko.

I'm her doctor, yet I didn't save her.

Wala ako sa tabi niya noong nag-aagaw buhay siya.

Wala akong nagawa para sa kaniya.

Wala akong silbi.

"Iwan mo na lang ako dito." I replied.

Balak ko namang pumunta, kapag wala ng tao.

"Sa tingin mo ba ayos lang kay Sean na hindi mo man lang siya nasilip kahit sa huling araw?" She asked.

Hindi 'yun magiging ayos sa kaniya, alam ko naman.

Pero...

I sighed at unti-unting bumangon at pumasok sa restroom.

I took a bath and changed into a black button up sleeve, rolling it's sleeves in three-fourths.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

I looked like a walking dead actually.

Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko, I also loose weight dahil hindi na ako masyadong kumakain.

I sighed then combed my hair bago labasin si Dylan.

"Finally." She said.

Dire-diretso lang akong naglakad papalabas ng condo at pababa sa parking lot.

Sumakay ako sa kotse at nagulat na lang ako ng sumakay din si Dylan, pero hindi ko na pinansin.

"Nandoon na si Vin. Noong isang araw pa kita niyayaya, ngayon mo lang naisipang sumama, kung kalan ililibing na siya mamaya." Sabi niya habang papunta kami sa Rizal.

Doon daw nila napagdesisyunang iburol at ilibing si Sean dahil malapit lang sa mga kamag-anak niya.

And knowing that, parang ayoko nang tumuloy at magpakita sa kanila.

Hiyang-hiya na ako para sa sarili ko.

Pero nasa daan na kami, at alam kong hindi ako pababalikin ni Dylan kaya wala na rin naman akong magagawa.

An hour had passed at nakarating na rin kami.

"Let's go." Dylan said.

I breathe heavily bago ako tuluyang makababa sa sasakyan.

Nasa likod ko lang si Dylan habang naglalakad kami papalapit sa kung saan nakaburol si Sean.

Parang unti-unti rin akong nawawalan ng hininga habang unti-unti kaming nakakalapit.

Between those Pages ||COMPLETED||Where stories live. Discover now