Chapter Six
After taking a three-hour sleep since I took Sean home, I directed to the hospital. Dumami daw kasi ang OR cases kaya kinailangan kong pumunta na sa ospital.Minsan kasi kapag hindi kinakaya ng ilang pamilya ng mga pasyente, ako na talaga ang umaako ng case.
Sa ganong lagay kasi, hindi na 'ko nagpapabayad sa physician's fee, para naman makatulong kahit papaano sa gagastusin nila.
And after conducting few minor and major cases, naisipan kong pumunta sa clinic.
Sean texted this morning, two texts actually. First is about thanking me for yesternight, and the second is asking me if I saw her notebook.
Sean: Salamat sa pagsama sa'kin kagabi. That really made my mood lighter.
Sean: Ah Doc? May itatanong lang po. Nakita mo po ba 'yung notebook ko? Kulay blue po. Kasi po huli kong nakita 'yun nung medmission, baka kako naiwan ko at nakuha niyo po.
Mukhang na-realize niyang nawawala na pala sa kaniya 'yung notebook niya. I must say that it took her time for her to realize.
Hindi naman ganon kalayo ang clinic ko sa hospital, kaya naman nakarating ako kaagad.
Naabutan ko si Sean na uma-attend sa ilang mga pasyente. Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid but there's no sign of Drei.
Where the hell is he?
"Hi Doc!" Bati sa'kin ni Sean nang mapansin niya ako.
"Oh, good afternoon." I said while searching for Drei.
Nasaan siya? Si Sean lang mag-isa ang uma-attend sa mga pasyente? Hindi man lang siya nagsabi.
Mabuti na lang at hindi ganon karami ang mga pasyente. Hindi sobrang mahihirapan si Sean.
"I'll help you." Sabi ko kay Sean habang busy pa din siya sa pagkausap sa pasyente kaya tumango na lang siya.
I attended a patient at nang matapos, hindi ko mapigilang tanungin si Sean.
"Where's Drei? Bakit ikaw lang ang nandito?" I asked.
"Ah Doc hindi po ba nagpaalam? Kakaalis lang. May pupuntahan daw po siya, e. Emergency yata. Nagmamadali, kaya hindi ko na po natanong kung sa'n pupunta. Pero mukhang uuwi po." She said.
"He didn't tell me anything."
"Baka po nakaligtaan? Pero alam niyo Doc Nyx, recently parang nalulutang si Doc Drei. Parang wala po sa sarili gano'n. Naba-bother lang po ako kaya ko sinasabi."
Tumango na lang ako. I didn't want to push it, baka may problema lang si Drei.
But still, Drei always tell me kung anong mga problema niya. And recently, wala naman siyang nababanggit sa'kin.
I heaved a sigh.
Nang matapos na namin ni Sean ang pag-attend sa lahat ng mga pasyente, sinabi ko sa kaniyang magsara na kami.
It was five in the afternoon, kaya ayos lang. Kapag weekends kasi mas maaga kaming nagsasara para naman magkaroon ng time si Drei at Sean para sa mga sarili nila.
Kumain na rin kami dahil naalala kong 'di pa pala ako nagla-lunch.
"Uhm Sean?" I called.
"Hmm?"
"Nasa akin pala 'yung notebook mo. The one you texted last night."
"Ha? Kelan pa po?" She asked.
"Ah, ibinalik nga pala sa'kin 'yan ni Kap noong nag-medmission. I forgot to give it back to you for I've been busy in the hospital."
Tumayo ako, kinuha ang notebook sa bag, at inabot ko naman kaagad sa kaniya.
She flipped the pages as if she was searching or scanning for something.
Wala naman akong sinulat do'n.
"Binasa niyo 'to 'no?" She blurted.
Nasamid naman ako sa biglang tanong niya habang umiinom ng tubig.
"What? I didn't read anything." I played dumb.
"Eh? Paano mo nalaman na akin 'to?"
My eyes widened nang ma-realize ko na 'yung first page ang tinutukoy niya. Ano ba naman 'yan.
"Eto naman si Doc, tense na tense? Ako lang 'to Doc, ako lang. Hehe. Ayos lang naman kung maba--" She stopped.
She flipped the pages again. Then stopped at one. Her eyes widened as she read whatever she's reading. She immediately close her notebook then look at me.
What? What did I do?
"Binasa mo ba talaga, Doc?" Tanong niya na parang nahihiya.
"Nah. I only read the first one. With your slambook-like front page." I shrugged.
"Weh? Maniwala? Peksman? Batman? Superman? Hitman? Congressman? Halaman?" She asked.
What is she talking about? Ang hirap kausapin ng babaeng 'to.
Tumango na lang ako at mukhang nakahinga naman siya nang maluwag.
After we ate, umuwi na rin si Sean, may pupuntahan daw.
I've decided to visit Drei on his condo and I drop by to the nearest coffee shop para mabilhan siya ng kape.
Nakakapag-alala kasi. He never did those things before. Lagi siyang nagsasabi.
Nang dumating ako, tinanong ko muna sa lobby kung nasa condo ba si Drei at nando'n nga raw.
I took the lift. And I feel nervous.
Why the hell I'm being nervous?
Habang papalapit sa pintuan ng condo niya ay mas lalo akong kinabahan. May nangyari ba sa kaniya kaya ako nagkakaganito?
I swiped my spare card para buksan ang pintuan niya.
I gently opened the door. Got inside his kitchen, para i-prep ang coffee. Ayaw namin kasing umiinom sa paper cups. It just became a habit.
Mukhang nasa kwarto siya. Hindi ko pa kasi siya nakikita.
Narinig kong bumukas ang pintuan, kaya naman napalingon ako hawak-hawak ang tray ng coffee.
Lumabas mula rito ang dalawang tao. They're both half-naked, pero pinipilit na hubaran ang isa't isa.
Magkayakap at naghahalikan na parang hinihigop ang kaluluwa ng bawat isa.
Walang nag-abalang makapansin sa'kin dahil parehong inaatupag ang isa't isa.
Hanggang sa mahiga sila pareho sa sofa. At pareho na silang hubot-hubad.
Huminga ako nang malalim, tumalikod. I knew that I have to leave. Nagsimula na din silang umingay.
Akma na dapat akong aalis pero parang napako ang mga paa ko nang masiguro ko kung sino ang dalawa.
Beforehand, I knew that it was Drei. Dahil condo niya 'to.
But I didn't expect that the girl would be Kesz.
What the hell is happening?
Lumipas ang tatlong segundo. Patuloy ang dalawa sa ginagawa nila.
Hindi ko na mapigilang magsalita.
"What the hell?!" I shouted, making their gazes be diverted to me.
At hindi ko na rin namalayang unti-unti na akong nakalapit sa kanila, at sinuntok ang kaisa-isa kong matalik na kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/216684946-288-k217324.jpg)
YOU ARE READING
Between those Pages ||COMPLETED||
Teen FictionPages make up a book, and I can also say that these make up a story. A story that can make your heart pound, and can give a lot of realizations to your mind. ©to the rightful owner of the photo.