Chapter Twenty
"Anong nangyari?" Triton asked pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kuwarto.
Nahirapan pa ako nung una sa paghanap ng number niya ng maalala kong meron phone ni Sean at agad ko naman itong tinawagan.
Sinabi ko rin sa kaniyang siya na ang bahalang i-contact 'yung family ni Sean.
At ipinaliwanag ko naman sa kaniya lahat ng nangyari.
"Pwede na ba daw siyang ilipat ng ospital? Ipinapalipat na kasi siya nina Tito sa St. Michael's." He asked.
"Pwede naman daw. Baka ibigay na rin lang 'yung records sa paglilipatan. Although hindi pa siya nagigising mula kanina." I explained.
"Kailan ba daw siya magigising?" Tanong naman niya.
"She'll wake in a few. The doctors conducted tests kaya siguro'y nagpapahinga pa siya." Sagot ko naman.
Silence enveloped us for the next few minutes habang nakatingin lang kay Sean.
At naalala ko naman 'yung sinabi niya sa'kin nung una niya 'kong makita.
Hindi na ako mapakali sa kakaisip kaya tinanong ko siya kung anong ibig sabihin noon.
"Triton." I called at napalingon naman siya sa akin.
"That time na sinabi mong kamukha ko talaga 'yung Sebastian, sinong Sebastian 'yung tinutukoy mo?" I asked.
"Ah, 'yun ba?" He said at parang nag-isip muna.
"Siya 'yung dahilan kung bakit hindi ko na pinilit 'yung nararamdaman ko para kay Sean." He chuckled.
"And come to think of it, kapangalan mo pa talaga, Sebastian."
I don't know how to respond sa sinabi niya.
"What's his full name?" Nagtanong uli ako dahil naku-curious pa rin ako kung sino 'yun.
"Full name? Nah, hindi ko alam, e. I only knew him by that. 'Yun lang kasi 'yung laging binabanggit niyang pangalan.
"Saka isa o dalawang beses ko lang nakita 'yun kaya 'di ko na pinagkaabalahan pa." He shrugged.
Doon na 'ko natigil. I was left speechless, kaya binalot na naman kami ng katahimikan.
Pero maya-maya rin ay nagsalita siya ulit.
"Don't try hurting her. Kapag sinaktan mo 'to, mas sasaktan kita. Lalo pa't ngayong alam kong kayo na."
Nagulat naman ako dahil nasabi na pala sa kaniya ni Sean, siguro'y siya 'yung t-in-ext ni Sean kanina.
"Mas mahal ko pa 'to kaysa sa buhay ko kaya umayos ka." He laughed kaya't napatawa na lang rin ako.
He was easy to be with. Magaan siyang kausap at maloko rin kaya hindi maikakailang best friend talaga siya ni Sean.
Napansin ko ding madaling makasabay si Sean sa mga katulad ni Triton, katulad na lang nung sa kanila ni Vin.
And even though Triton admitted that he still has feelings for Sean, I didn't see him as a threat or something.
He's the one that Sean's with through thick and thins. Ako nga lang 'tong bago-bago pa lang kaya alam kong may pinagsamahan na talaga sila at wala akong dapat ikaselos doon.
"Matanong ko lang, bakit hindi mo ipinaglaban si Sean kung mas mahal mo pa siya kaysa sa buhay mo? And based on the way you act, you look like a person who could pursue what he really wanted." Ibinaling ko sa kaniya ang tingin.
Napatawa naman siya at sinabing, "Kung 'di mo lang girlfriend si Sean, iisipin kong may gusto ka sa'kin."
"Tsh." Parehong-pareho talaga sila ng best friend niya.
Porke ba nagtatanong, gusto na agad? 'Di ba puwedeng tinanong lang dahil kasama si Sean sa ideyang 'yon? Tsh.
"Pero para naman matanggal 'yang curiousity mo, sige sasagutin ko." He said but he's still laughing.
"Hm, bakit nga ba? Kasi duwag ako? Kasi alam kong una pa lang, olats na? Kasi may gusto siyang iba? Siguro 'yung mga 'yun nga." He chuckled.
"Gusto nga niya 'yung Sebastian 'di ba? Hindi ko nga lang alam kung gusto rin siya no'n. Ayokong pahirapan lalo 'yung sarili ko 'no." Sabi niya pa at napatango na lang ako.
Kung ako siguro 'yun, ganoon din ang gagawin ko, kaso kung ibang babae lang din 'yun.
Kasi kapag si Sean na 'yung pinag-uusapan, I would take that risk even if it just give me a string of chance.
Kahit katiting lang na tiyansa, susubukan ko.
Because that's Sean, and she's worth all of the try.
Napansin ko naman na unti-unting gumagalaw si Sean at iminumulat ang mga mata.
"Ah, nasaan tayo?" She managed to ask us.
"Baba muna ako, bibili lang ako ng pagkain. May gusto ka ba Sean?" Triton said.
Umiling siya at ngumiti pero kahit na ngumiti siya ay nag-aalala pa rin ako sa kaniya.
Umalis na si Triton at kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng kuwarto.
"Nasaan ba ako? Saka bakit tayo nandito?" Tanong niya ulit.
"Nasa ospital tayo. Mamaya ko na ikukwento, magpahinga ka na lang muna." I pat her head.
"Ospital? Paano naman ako napunta dito, e kanina nasa clinic lang tayo 'di ba?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ba niya natatandaan na nasa Intramuros kami kanina? At 'yung tungkol din sa pagko-confess ko?
"Hindi mo ba naaalala? Nasa Intramuros nga tayo kanina, kumakain tapos naglilibot." Ngiti ko.
"Ah." Napatango lang siya.
Ibig sabihin, hindi na niya talaga natatandaan?
Nakita ko namang tinititigan niya ang singsing na ibinigay ko sa kaniya kanina.
"Ang ganda naman nito. Kanina ko lang rin ba... nakuha 'to?"
Napayuko ako at napapikit, hindi na alam kung anong isasagot sa tanong niyang 'yun.
Hindi nga niya natatandaan.
At hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Parang may pinupunit sa loob ko.
Hindi ko na rin alam kung anong mas masakit.
'Yung pagkalimot niya sa mga pangyayari kanina na nagpapakita na baka may malala na siyang sakit?
O 'yung parteng kasama sa mga pangyayaring 'yun ang naging pinakamasayang parte ng buhay ko at parang wala siyang kamalay-malay na nangyari ang alin doon?
"Wonderwoman?" Basa niya kaya napatingin ako muli sa kaniya.
Napahawak siya sa ulo niya at napapikit.
"Ayos ka lang?" Lapit ko naman kaagad sa kaniya.
"A-Ayos lang." Ngiti na naman niya.
Naiinis akong kanina pa siya ngumingiti kahit na parang nahihirapan siya.
Na parang ginagawa niya 'to para 'wag na akong mag-alala.
"Malamang ikaw ang nagbigay sa'kin nito." She said.
Tinuro niya ang ulunan niya at sinabing, "Nakakalimot man ako dito, hinding-hindi naman siguro makakakalimot ang puso."
![](https://img.wattpad.com/cover/216684946-288-k217324.jpg)
YOU ARE READING
Between those Pages ||COMPLETED||
Novela JuvenilPages make up a book, and I can also say that these make up a story. A story that can make your heart pound, and can give a lot of realizations to your mind. ©to the rightful owner of the photo.