Epilogue

20 4 0
                                    

Epilogue

Maaga akong pumasok sa campus dahil hindi ako makapag-aral sa bahay.

My twin sister died last, last week and my memories with her haunts me kaya hindi ako makapag-aral ng ayos, midterms pa naman ngayon.

Nagulat ako nang may makitang blue colored paper na nakalapag sa upuan ko.

Kinuha ko ito at tinignan kung para kanino.

'To: Sebastian
From: Ms. Admirer'

'Yun ang nakalagay sa labas ng papel...  Is this some sort of love letter?

Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko habang hawak ko ang letter.

I'm not the type of person na nakakatanggap ng mga ganitong bagay dahil masyado daw akong masungit kung titignan sabi nila Vin.

Kaya sino naman ang magbibigay nito?

I opened the letter and I felt my heart flutter as I read it.

-:-:-:-:-:-

Hi Future Dr. Nyx Sebastian Callego!

Alam ko ang weird at corny kung mababasa mo itong letter but I just want to say things to you.

Hindi naman sa pangingialam pero nalaman ko kasi na namatay 'yung kapatid mo, kaya din siguro gloomy ka ngayong mga nakalipas na araw.

Feeling ko hindi naman magiging masaya 'yung kapatid mo kung patuloy kang malulungkot, lalo na kung namatay naman siyang masaya.

Sorry na agad kung feelingera man po ako, gusto ko lang ulit makita kang ngumiti.

Kaya cheer up na!

Ikaw na nga lang ang nagbibigay sa akin ng inspiration para pumasok araw-araw tapos pati ikaw malungkot din? Dapat ako lang! Charot.

Midterms na, kaya continue to live for yourself. Alam ko namang malalagpasan mo din 'yan!

Sincerely,
Ms. Admirer

-:-:-:-:-:-

Imbes na maramdaman kong nanghihimasok siya sa buhay ko ay natutuwa ako sa mga sinabi niya.

As I review, a smile is plastered on my face.

Whoever that Ms. Admirer is, I'm thankful for that letter.

"Ah!" I heard someone screamed.

Bigla akong napatayo at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw.

Wala namang tao... 'di kaya minumulto na ako ni Nia?

Damn, ano ba 'tong mga naiisip ko?

Tumayo na ako at lumabas, at nakita ko naman ang isang babaeng nakasalampak sa sahig.

"Miss, are you okay?" I asked her.

Napalingon siya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat at sakit.

"Let me help you." Sabi ko at nilahad ang kamay sa kaniya pero tinitigan lang niya ito.

Between those Pages ||COMPLETED||Where stories live. Discover now