24

13 6 0
                                        

Chapter Twenty Four

It's just a week before we conduct the operation.

Sean's doing yogas para naman daw ma-prepare 'yung katawan niya before surgery.

And I'm here, sinasabayan siyang mag-yoga para naman daw may moral support siya.

"Nakakainis ka! Hindi ka naman sumusunod, e." Puna niya sa akin.

"Hey, I'm moral supporting you." Sagot ko naman.

At dahil nga hindi daw ako sumusunod, itinigil na namin at nagpalit na ng damit.

Nagulat naman ako nang makita ko siyang nakasuot ng white dress and a white cap.

It's the first time I've saw her wearing such thing and she's gorgeous.

She's even wearing earrings and a necklace with a crucifix pendant.

"Oo magpapalit na nga ako. Hindi naman ako sanay dito." Umirap siya at akmang papasok ulit sa kwarto.

"Wala naman akong sinasabi ah. Ang ganda mo nga, e." I smiled.

"Bola." Napayuko naman siya.

"Naglagas na nga buhok ko, e. Pauso ka talaga."

Hinawakan ko naman ang dalawang kamay niya na dahilan kung bakit napaangat ang tingin niya sa'kin.

"You're beautiful, okay? You'll be always beautiful on my eyes, remember that." I kissed her forehead.

"Lakas mo magpakilig, halika na nga." Hila niya sa'kin hanggang makalabas kami ng bahay nila.

"Teka, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa chapel."

"Wait, let me just get the car." Papasok na sana ako sa loob pero pinigilan niya ako.

Napatigil ako at tumingin sa kaniya na parang nagtatanong pero itinuro naman niya ang dalawang bisikletang nakasandal sa gate nila.

"Malapit lang 'yon, mag-bike na lang tayo."

Napaawang naman ang bibig ko dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ako marunong.

Paano ko naman sasabihin? Nakakahiya.

"Magkotse na lang tayo." Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya at sinabing, "'Wag mong sabihing hindi ka marunong?"

"Tsh." Was the only word I could say.

"Hahahaha. Grabe 'wag ka na mahiya. Oks lang kung 'di ka marunong, tanggap pa din kita." She laughed.

"Bili na, angkas na lang kita. 'Pag 'di ka pumayag, ibabangga ko 'yang bisikleta sa poste."

Ano pa bang magagawa ko? Tsh.

I really hope na walang makakilala sa'kin dito na angkas ni Sean.

Pero sa pagkakatanda ko, bibisita si Vin. Sana hindi niya kami maabutan. Sana talaga.

I heaved a sigh at umangkas na sa bisikleta.

"Makabuntong-hininga, ah? Walang bangin dito, wala akong tiyansang ihulog ka." She laughed.

"Ay meron pala, mahulog ka sana sa'kin. Hahahaha."

"Hulog na hulog na." Bulong ko naman at natigilan siya.

Tignan mo 'to, babanat ng pick-up line tapos kapag ginantihan, matitigilan.

"T-Tara na nga." Sabi na lang niya at natawa ako.

Between those Pages ||COMPLETED||Where stories live. Discover now