Chapter Nineteen
Ginabi na kami dito sa Intramuros.
After what happened earlier, the confession thing, nagpasya naman kaming mag-food trip.
Kung ano-ano na ngang kinakain ni Sean. First is the kutsinta with a lot of yema.
Tapos isaw naman saka kwek-kwek, steamed siomai, at kung ano-ano pa na gusto niyang ipatikim daw sa'kin.
Ayoko talagang kumain dahil unang-una, street foods 'to na parang naaalibukan dahil walang mga takip at nandito sa tabing kalye.
But since she's so persuasive, kumain na rin ako.
Nakaupo kami ngayon sa isang bench habang nagkukwentuhan sa kung-ano anong mga bagay.
Tinanong pa nga niya ako kung kailangan ko daw na bumalik sa ospital pero sabi ko naman ay on-call lang ako ngayong araw.
Kaya kahit gabihin na kami ay ayos lang dahil malamang ay kakaunti lang ang kaso sa ospital at kaya pa nila.
Habang nakaupo kami ay natatawa na lang ako sa kaniya dahil panay ang kuwento niya sa mga bagay-bagay at natatawa din siya sa sarili niya.
Baliw talaga.
Pero mas baliw ako sa kaniya.
Natawa na lang din ako sa naisip, para naman akong bata na nagsasabi ng kung-ano anong pick up lines.
"Alam mo pansin ko na laging gabi kapag magkausap tayong dalawa, 'yung hindi tungkol sa trabaho ah." She said.
At nang nasabi niya 'yun ay saka ko lang na-realize na tama nga siya. Our moments are mostly occurring at nights.
"Siguro kasi Nyx 'yung pangalan mo." She blurted out.
Anong kinalaman ng pangalan ko sa mga nangyayari?
Napansin siguro niyang nakuha nito ang atensyon ko at bahagyang napataas ang kilay kaya ipinaliwanag niya.
"Nyx means night. Goddess of night, to be exact in Greek mythology." She smiled at napatango naman ako.
Ako mismong pangalan 'yun, hindi ko alam.
"Tapos akala ko dati, cold and dark 'yung personality mo gano'n. 'Yung tipong laging seryoso at 'di marunong tumawa?" She chuckled.
"Bakit mo naman nasabi?" I asked.
"Kasi mostly sa mga doctors, seryoso. Tapos Callego pa apelyido mo. Hahaha."
Ano namang kinalaman ng apelyido ko?
Ipinaliwanag naman niya kung bakit daw niya nasabi 'yun.
"Callego, naisip kong galing sa Latin word na caligo, meaning darkness or mist." Natawa naman siya.
"Andami mo ring alam, no?" I teased.
"Mas marami kang alam, topnotcher sa boards, e." Balik naman niya.
I shrugged. Wala naman talaga sa'kin 'yun dahil hindi naman doon masusukat ang galing ng isang doktor.
May mga magagaling rin naman na hindi topnotchers kaya hindi ko rin masasabi na lahat ng magagaling ay nasa topnotchers lang.
Pero nakakatuwa na alam na alam niya kung anong meaning ng pangalan ko na ako mismo, hindi ko pinagkaabalahang isipin.
Na-curious naman ako sa kung anong ibig sabihin ng kaniya kaya tinanong ko na rin.
"Uhm Aethra, sa Greek mythology din 'yun, actually dalawa do'n 'yung may pangalan na Aethra, pero ipinangalan sakin 'yung nanay ni Theseus. A famous hero." She explained.
"Kaya nga 'pag nagkaanak ako, gusto ko ipangalan Theseus, e. Para in real life talaga. Hahaha." Natawa siya kaya natawa na din ako.
"So you're saying na 'yung pareho nating pangalan is from Greek myths?" I asked.
"O 'di ba? Meant to be. Yie." She laughed.
Tinawanan ko siya, kinuha ang kamay niya, at sinuot sa hintuturo niya ang isang singsing.
'Wonderwoman' ang salitang naka-engrave sa singsing.
Ngitian niya ako at niyaya niya akong umikot uli bago umuwi.
And while we're walking, I intertwined our fingers together.
Mukhang nagulat siya, napatingin sa'kin pero nginitian ko lang siya at hinatak na para maglakad.
Our hands clasped together, the scenery we're looking at, the cloudless sky where you could see the stars, and the cold breeze around us. It's just perfect.
Everything's perfect at this moment.
Well, she could make things a lot more beautiful when she's just next to me.
Sana lagi na lang ganito.
'Yung masaya, na parang walang problema, o kung meron man ay kayang-kaya niyong harapin ng magkasama.
Alam ko namang hindi niya 'ko iiwan, dahil noong mga panahon nga na kailangan ko ng kasama andoon siya.
And besides, she said that whenever I feel horrible, sad, or lonely, she's always there for me.
Siguro kaya hindi ako nasaktan ng husto no'ng iwan ako ni Kesz ay dahil nandoon na si Sean.
Sa una naman masakit, sobrang sakit, but Sean help me out kung paano makakabangon. She's my savior after all.
She's my wonderwall.
Nagpapasalamat din akong naiwan niya ang diary niya noon, dahil doon ko siya mas lalong nakilala.
Mas lalo akong humanga sa kaniya.
Kung noon ay akala ko na mahal na mahal ko na si Kesz, Sean surpass all of that. Hindi ko mapaliwanag, hindi ko kayang pangalanan.
Kasi ganoon naman siya lagi, e. Siya 'yung nagpaparamdam sa'kin ng mga bagay na parang unang beses ko pa lang naramdaman.
"Ang sarap pala sa feeling." She said.
"Ng alin?" I asked.
"Nang ganito, hawak mo 'yung kamay ng dating crush mo lang." She chuckled.
"Oh? Akala ko ba loyal ka sa best friend mo?" Napataas naman 'yung kilay ko.
"Ha? Ewan ko din, e. Kasi ang alam ko talaga, gusto ko siya. Sabi rin niya na may iba daw akong gusto nung nasa medschool, pero sa pagkakatanda ko talaga, siya e." She shrugged.
"Tapos 'yun, parang biglang nag-iba simula nung bigyan mo 'ko ng panyo do'n sa gutter. Hahaha." She laughed.
"Pero teka, paano mo nalaman na loyal ako sa best friend ko? Binasa mo talaga 'yung diary ano?" Nanlaki 'yung mga mata niya.
Tinawanan ko na lang siya at ginulo ang buhok niya.
"Tara na nga, iuuwi na kita." I said at tumango naman siya.
Medyo nakakapagod maglakad pero hindi ko naman na napansin dahil siya 'yung kasama ko.
Habang naglalakad kami pabalik, bigla siyang natahimik at naramdaman ko ring parang bumagal ang paglalakad niya.
Napatingin naman ako sa kaniya at parang namumutla siya.
"Sean? Are you okay? Napapagod ka na ba?" I asked.
"Hindi, ayos lang ako." She still managed to smile at me.
Nag-aalala pa rin ako kaya naisip ko na i-check siya mamaya sa kotse dahil nandoon ang mga gamit ko.
"T-Tara na--" Nagulat ako nang bumagsak siya at mabuti na lang na nasalo ko siya kung hindi ay mababagok ang ulo niya.
"Sean?! Sean?!" I called her but she's unresponsive.
Binuhat ko siya, isinakay sa sa loob ng sasakyan at dumiretso sa pinakamalapit na ospital.

YOU ARE READING
Between those Pages ||COMPLETED||
Teen FictionPages make up a book, and I can also say that these make up a story. A story that can make your heart pound, and can give a lot of realizations to your mind. ©to the rightful owner of the photo.