Chapter Four
"Ibaba mo na 'ko dito." Kesz said.
Hindi ko siya pinakinggan, patuloy lang ako sa pagmamaneho.
"Ibaba mo na 'ko dito." She said again, but with an angrier tone.
Ano na naman ang problema niya?
Kakaalis lang namin sa hotel, at ihahatid ko na siya sa condo niya. And then, hindi ko na naman alam kung bakit nagkakaganito siya.
Ano bang masama sa sinabi ko kanina? I just asked her parents politely na kung pwede kaming bigyan ng oras about the marriage stuffs.
Kanina pa siya ganito, since I saw her giving me a death stare. Hay, ewan. Ang gulo ng mga babae.
"Can't you hear me? Or are you playing deaf? Stop this car right now Seb, or I'll jump." She warned me.
I sighed and stopped the car. Agad naman siyang bumaba ng kotse kaya bumaba na din ako para habulin siya.
For heaven's sake, she's wearing heels pero ang bilis niyang maglakad papalayo sa'kin.
Nang maabutan ko siya, hinawakan ko kaagad ang braso niya para mahila siya papalapit sa akin.
"Let me go!" She hissed.
"Ano bang problema mo?"
"Why don't you ask yourself, Mister?"
Damn it. Hindi ako manghuhula para malaman kung ano na naman ang problema niya.
"Can you please just tell me? Makikipaghulaan pa ba 'ko sa'yo, Kesz?" I sarcastically said.
"And now you're being sarcastic? Wow. Just wow." The word sarcasm is written all over her face.
"'Yung sinabi ko ba kanina? Ano bang masama do'n? I just asked your father!" Nagsimula na din akong mapuno.
"Gaano ba kahirap na pakasalan ako? Gaano ba, Sebastian?" She said with a tear escaping from her eye.
"That everytime we drop off this topic, it's either you divert out of it or making excuses that you need time!
"Five years, Seb. Five years. We're in a five year relationship but for God's sake! Bakit parang ayaw mo na pakasalan ako?
"Hindi na tayo bata! So don't give me that goddamn excuse that you need time!
"Kasi alam mo? Everytime you did that, I feel that there's something wrong with me.
"Na may kung anong mali sa'kin kaya ayaw mo 'kong pakasalan. And little by little, I feel worthless." She burst into tears.
And I was speechless.
"Kesz, I'll--I'll drive you home. Come on, get inside. You need rest."
Pumasok naman siya sa sasakyan. Walang umiimik. Tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko.
Nang ihinto ko ang sasakyan, walang gumalaw. Parang mag gustong sabihin ang isa't isa pero walang nagsalita.

YOU ARE READING
Between those Pages ||COMPLETED||
Roman pour AdolescentsPages make up a book, and I can also say that these make up a story. A story that can make your heart pound, and can give a lot of realizations to your mind. ©to the rightful owner of the photo.