Chapter Thirteen
"Eto 'yung mga kumot at unan, oh." Sabi ni Kap Miyo nang makapasok kami sa k'wartong pwede naming tuluyan.
Tinanggap ko iyon, inilagay sa isang tabi at inilibot ko ang tingin sa loob ng kuwarto.
It's not that small. Kasya ang dalawa hanggang tatlong tao sa banig na nakalatag.
Sampu lang naman kaming nag-conduct ng medical mission kaya apat na bahay ang nagpatuloy sa'min.
Magkakahiwalay ang mga babae at lalaki kaya kasama ko ngayon si Doc Foller sa k'warto.
Sila Sean naman ay nasa kabilang bahay kasama ang ilang nurses na babae.
Patuloy pa din ang malakas na pag-ulan kaya mukhang matatagalan pa kami bago makauwi.
Lumabas muna ako at kitang-kita mo ang malalaking patak ng ulan na binabasa ang lupa. Wala na ring tao sa paligid dahil malamang ay naghahanda ng matulog.
Ayos lang kaya si Sean?
Masakit ang ulo niya kanina. Pero nawala na naman siguro dahil masigla siyang nakikipag-usap sa mga pasyente.
Napabuntong-hininga ako at nanlaki rin ang mga mata nang may makita akong taong malapit sa pampang.
I can see that it's a girl, and is that Sean?
What the hell is she doing there?
She's just standing there and looking at the sky.
Masama ang pakiramdam niya kanina 'di ba? Baka lalo siyang magkasakit.
I ran to her even if it's raining.
Nang makalapit ay nagulat akong nakapikit siya, na parang dinadama ang ulan.
Nakapagpalit na siya ng board shorts at t-shirt mula sa uniform na suot niya kanina, may pamalit pa ba siya?
Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa'kin at ngumiti.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked her.
"Nagpapaulan?" Sagot niya na parang tinatanong niya ako kung hindi obvious ang ginagawa niya.
Ibang klase talaga. Tsh.
"Bakit ka nga nagpapaulan? Sumakit na nga 'yung ulo mo kanina." I said.
"Nagpapaulan ka rin 'di ba?"
"Ang ayos mo talagang kausap." I said.
"Joke lang. Hahaha." She said and then heaved a sigh.
Anong problema niya?
"First time ko 'tong maligo sa ulan. Dinadama ko lang kung anong pakiramdam." She smiled.
I look up and then I realized that somehow it feels good.
Hindi na katulad kanina ang malalaking patak ng ulan, sa halip ay lumiit ang mga ito at bahagyang humina.
"It's the little things that makes us truly happy." Sabi niya.
I nod in response.
"Bumalik na tayo, baka magkasakit ka na n'yan." I said.
"Luh pa-fall talaga 'to." She murmured.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I'm just concerned, in what way that made me pa-fall?
"Kapag maliligo ka sa ulan, mas magkakasakit ka kung sandali ka lang maliligo." She said.
"And besides, you should enjoy things that only lasts for a time. Bukas, hindi mo na uli mararanasang maligo sa ulan habang nakatapak sa buhanginan."
Wala na din naman akong magagawa kaya hinayaan ko na lang.
Seconds have passed and she started running and jumping while laughing.
And for no reason, hinabol ko naman s'ya.
"Bakit ka ba tumatakbo?! It's tiring!" I said.
"Bakit mo rin ako hinahabol? Hahaha!" She laughed.
We're like stray kids laughing and running under the rain while the moon was watching us.
And once again, I felt dopamine was released on my brain.
Bigla s'yang tumigil at humarap sa'kin na hindi ko naman napansin kaya nabangga ko siya't sabay kaming natumba.
'Yung ngiti n'ya kanina, napalitan ng gulat at kitang-kita ko ring unti-unting namula ang mukha niya.
Rinig na rinig naman ang mabigat niyang paghinga habang nakatingin sa mga mata 'ko.
Nagulat rin ako kaya natagalan bago ako nakatayo, pero nanatili s'yang nakahiga sa lupa.
Nakita kong ilang beses muna s'yang pumikit at dumilat bago siya tuluyang tumayo.
Pinagpagan niya ang sarili mula sa mga dumikit na buhangin sa katawan niya dahil nga basa kami ng ulan.
Naiilang siyang tumingin sa'kin kaya hindi ko maiwasang mapangiti for her cuteness.
"T-Tara na b-bumalik na tayo." She said.
Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya pabalik at natanaw ko naman si Kapitan na nakatingin sa'min.
"Bakit naman kayo nagpaulan, Doc?" Tanong niya.
"Sorry ho, Kap Miyo. Pero may tuwalya ho ba kayong mapapahiram?" Sean asked.
"Ah teka kukuha ako, sandali lang." He said leaving the two of us there watching the rain pour down.
"Do you have extra clothes to change on? Baka magkasakit ka." I said.
Tumingin naman siya sa'kin at ngumiti na parang nang-aasar.
"I'm not pa-fall, okay? Nag-aalala lang." I defend.
"You're not pa-fall? Wala naman akong sinasabing you're pa-fall, ah. You're so nag-a-assume lang talaga." She teased mimicking my voice.
"Hindi ako nag-a-assume, nakikita kaya sa mga tingin mo." I reasoned out.
"Hala! Paano ba dapat? Ganito?" Sabi niya at sinamaan ako ng tingin.
I'll never win a debate if she's my enemy. Tsh.
"Ito na ho 'yung tuwalya." Biglang sumulpot si Kap Miyo kaya napatigil kami sa pag-aasaran.
Nagulat na lang din ako nang tinignan kami ni Kap na parang nang-aasar.
"Nakakaintriga 'yang mga tingin niyo Kap, ah." Sean chuckled.
"Eh kasi ho, para kayong magnobyo gayong ang pakilala kanina ni Doc Seb ay magkaibigan lang kayo." He explained.
"Nangha-hot seat ba kayo Kap?" Natawa na naman si Sean.
Natawa na lang ako sa isinagot ni Sean at si Kap naman ay napailing.
Sinabi ni Kap na mayroong makakain sa loob at p'wede rin kaming magkape kung gusto namin.
"O sige maiwan ko na kayo." He said before leaving.
"Iba pala talaga ang simoy ng hangin dito sa isla namin, ang magkaibigan ay unti-unting ginagawang magka-ibigan." Sabi niya pa na parang sinadya talagang iparinig sa'min.
Natawa na lang kami pareho nang marinig namin ang sinabi ni Kap.
"Ano nga palang plano mo pagbali sa Manila? Babalik ka na ba sa ospital?" She asked after a while.
"Yes. Kailangan e, malamang ay ipatawag na rin ako ng ni Tito Fort." Sabi ko.
Tumango na lang siya at hindi na nagtanong pa.
My leave was worth it.
No matter what happens in Manila after this, I'm ready for it.
YOU ARE READING
Between those Pages ||COMPLETED||
Teen FictionPages make up a book, and I can also say that these make up a story. A story that can make your heart pound, and can give a lot of realizations to your mind. ©to the rightful owner of the photo.