27

13 4 0
                                    

Chapter Twenty Seven

I wake up from a phone call.

Dylan ~ 5 missed calls

Napipikit-pikit ko pang tinignan ang cellphone ko.

This is actually the first time I've had this number of missed calls dahil minsan ay on-call ako sa ospital kaya mabilis akong magising sa tawag.

But why the hell would she call me?

Gising na ba si Sean?

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa naisip kaya naman nagmadali akong makapunta sa parking lot para pumuntang ospital.

But it's raining heavily kaya naman may traffic.

Sa una ay hindi pa naman ito gaanong mabagal pero unti-unti nang bumagal ang pag-usad ng mga sasakyan.

Damn it!

While I'm stuck on the traffic, I called her but she's missing my calls for the third time.

And before my fourth attempt, she called.

I answered it but I didn't hear anything for a few seconds.

"Dylan?" I asked.

Wala pa ding nagsasalita pero narinig ko ang paghikbi niya at hindi ko na mapigilang mag-alala.

"Damn it, Dylan! Anong nangyari?!" I shouted.

"S-Seb... S-Seb..." She just keep stuttering and mumbling my name.

Shit.

"Ano bang nangyari?! Is it about Sean?! Shit, tell me!" Mas lalo akong napasigaw.

"S-Si Sean, S-Seb si S-Sean." And then I heard her crying.

Iilang salita lang ang narinig ko pero sapat na para pangambahin ang buong sistema ko.

Why is she crying?!

"May nangyari ba sa kaniya?! Dylan, magsalita ka naman nang maayos!"

"J-Just c-come here, p-please." And then the line went dead.

Hindi na umuusad ang kaninang mabagal na paggalaw ng mga sasakyan.

Bumusina ako ng ilang beses pero walang nangyari, I'm still stuck.

Damn this traffic!

I don't know what to do.

But something happened to Sean.

Shit.

Bumaba na ako ng sasakyan at nagsimulang tumakbo papunta sa ospital.

Sa pagkakatanda ko ay malapit-lapit lang naman ay lugar na kinalalagyan ko ngayon sa ospital.

Hindi ko na pinansin ang malakas na pagbuhos ng ulan na sumasalubong sa akin kasama ng malamig na hangin.

Sean is more important than any of these.

Nararamdaman ko na paunti-unti ang pagod at hingal pero patuloy lang ako sa pagtakbo.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang inabot ko sa pagtakbo but thank heavens at nakarating na ako sa ospital.

I'm panting heavily as I walked inside, napahawak pa ako sa pader dahil hingal na hingal na talaga ako.

Pinagtitinginan na din ako ng mga tao sa loob ng ospital dahil siguro basang-basa ako but like I care.

Huminga muna ako nang malalim at tumakbo na ulit papunta sa kwarto kung nasaan si Sean.

Agad kong nakita si Dylan na nasa harapan ng pintuan at hawak-hawak ang bibig.

"Dylan!" I called at agad naman siyang napalingon sa akin.

"S-Seb..." She sobbed at lumakad papalapit sa akin.

"Where's Sean?" I asked.

Hindi siya sumagot, sa halip ay patuloy na humikbi at itinuro ang kwarto ni Sean.

Napansin kong si Tito ay nandoon din, nakayuko habang nakatayo sa tapat ng pinto.

Parang unti-unting nanghihina ang tuhod ko habang papalapit sa kwarto niya.

And when I saw what's happening, parang hindi ako makahinga.

I saw medical personnels surround Sean's bed, including Vin.

"S-Sean? Sean?! Sean!" I shouted.

Kahit na basang-basa ako ay lumapit ako sa kanila at hinawi sila para makita ko kung anong ginagawa nila kay Sean.

At mas lalo akong nanlambot sa nakita.

Itinatabi na nila ang defibrillator na siguro ay ginamit kay Sean but the ECG shows a flatline.

"S-Sean? Sean, wake up. Please. C'mon, stop this. Wake up, Sean." I said.

"Sebastian..." I heard Vin called me.

"Sean, don't do this. Please, don't leave me..." Pagmamakaawa ko.

"Papakasalan pa kita, e. Papangalanan mo pa 'yung anak natin na Theseus 'di ba? Sean, come on... " I started crying.

"Pare, let's go." Tawag sa akin ni Vin.

"Hindi, Vin. Buhay pa siya, buhay pa siya! She has to be!" I shouted habang unti-unting napapaupo.

"She won't leave me... She said she won't. She don't break promises." Sabi ko pa.

"I'm sorry, but she's..." Vin trailed off.

"Sean's gone Sebastian, I'm sorry." He said.

Para akong sinampal ng reyalidad nang marinig ko 'yun.

But I still can't accept it.

"Hindi... Sabi niya hindi niya ako iiwan... Sabi niya 'yun, e." I still managed to say such words.

"Halika na, they'll take care of her." Sabi niya pa habang unti-unti akong inilalayo kay Sean.

Hindi ko na magawa pang magpumiglas.

I couldn't think properly.

I'm feeling like I couldn't even breathe.

Naramdaman ko na lang na inuupo nila ako sa isang waiting chair sa labas ng recovery room pero tulala pa din ako at umiiyak.

Nakita kong kinakausap ni Vin si Tito at napaupo ito.

Hindi ko na alam ang mararamdaman.

I heard Dylan cried harder.

I heard Vin telling me to change clothes dahil basa ako.

I heard Tito sniffing and sobbing silently.

I can hear all of them, but I felt that my mind couldn't process anything.

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakatanaw sa kama kung saan inililipat na sa stretcher si Sean.

Hanggang sa makaalis ang mga nag-aasikaso sa kaniya ay nanatili pa rin akong nakatingin doon.

My clothes are still wet na nagbibigay ng mas lalong malamig na pakiramdam sa akin.

But I didn't care.

Naramdaman ko na lang na tumayo si Tito mula sa tabi ko at umalis, hindi ko alam kung saan pupunta.

Naramdaman ko din na may nagpatong sa akin ng jacket pero hindi ko na pinansin.

Tumigil na ang mga mata ko sa pag-iyak pero nanatili pa rin akong tulala sa kwarto.

Wala akong pakialam kahit gaano pa ako katagal dito because this is where my last moments with Sean occur.

Moments... come to think of it, gabi na noon nung huli kaming mag-usap.

At ito, gabi na naman.

Gabi rin nang iwan niya ako.

Damn it.

Bakit niya ako iniwan when she said that she'll never leave me?













Between those Pages ||COMPLETED||Where stories live. Discover now